Rule #3: Wag kang padadala, baka masaktan ka!

15 0 0
                                    

"Ngiti"

Nagsimula ang lahat sa isang ngiti.
Ngiti na tila sa lungkot ko'y pumapawi,
Mga sandaling saya ang aking kahati
Na pawang sayo't sa aki'y tumatali.

Mabagal na oras na tila papahinto,
Yan ang senaryo tuwing tayo'y magtatagpo.
Pabilis ng pabilis pintig ng aking puso,
Wari'y di makahinga tuwing ika'y kasama ko.

Dumating ang araw, mundo nati'y pinaglaruan,
Simpleng mga bagay, ati'y pinag-aawayan.
Yung dating masaya't puno ng kulitan, Napalitan ng lungkot na nauwi sa iwasan.

Hindi ko inakalang aabot sa ganito,
Yung dating tayo'y bigla nalang naglaho. Kung gaano katatag ang pundasyong binuo,
Ganon rin katibay ang sa ati'y nagpaguho.

Sa pagdaan ng mga araw at panahon, Mananatiling alaala na lamang lahat ng iyon.
Darating rin sa puntong ako'y muling babangon,
Ngingiting muli't walang halong imahinasyon.

RulesWhere stories live. Discover now