Rule #2: Wag pakampante

23 0 0
                                    

"Hindi porket match kayong dalawa sa umpisa hanggang huli kayo paring dalawa, mag-iingat ka, baka masaktan ka!"

"X-matching"
Akala ko noon compatible tayo,
Kase kung anong gusto ko, sya ring gusto mo. Kung anong trip mo, yun rin ang trip ko. Parang sa lahat ng bagay match tayo.
Naalala ko noong tayo'y nagtatatakbo,
Diba tuwang-tuwa tayong hinahabol ang lumilipad na eroplano?
Pati nga yung pagbili natin ng stick-O,
Diba nakipag-unahan pa tayo kase nag-iisa nalang yun at may kaagaw pa tayo.
Ang sarap balikan ng mga alaalang nagpakulay ng mundo nating pareho.
Ang sarap balikan ng mga panahong tayo'y nagkakasundo.
Naaalala mo pa ba ang panahong nagpa-bloodtype tayong pareho?
Magkasama tayong pumasok sa lab at nagpakuha ng dugo.
Para tayong batang takot bumitaw sa isa't isa dahil takot tayo.
Ako kase hindi. Oo hindi! hanggang ngayon nakatatak parin iyon sa isip ko.
Yung oras na nagtatalon tayo sa harap ng medtech na nasa kwarto,
Kase nalaman nating magka-bloodtype rin pala tayo.
Kahit nakakahiya , wala tayong pake kasi masaya tayo.
Ang sarap balik-balikan ng mga alaalang magkasama nating binuo.
Akala ko compatible talaga tayo,
Pero akala ko lang pala talaga ang lahat ng ito.
Akala ko sapat na ang mahal kita at mahal mo ako,
Akala ko sapat na lahat ng pagkakatugma ng mga puso natin para sabihing compatible tayo.
Pero nagkamali ako! Oo, nagkamali ako!
Akala ko sapat na ang merong tayo.
Akala ko sapat na ang may mundo tayong magkasamang tinayo.
Pero 'yon ay akala ko lang pala, dahil lahat yun ngayo'y tuluyan ng naglaho.
Hindi na compatible ang gusto mo sa gusto ko.
Iba na ang trip ko sa trip mo.
Iba na ang mundo mo sa mundo ko,
Pero ang mas masakit sa lahat nang ito,
IBA NA ANG MAHAL MO SA MAHAL KO.
Oo magkaiba. Magkaibang-magkaiba na tayo kung titignan ang dati nating mundo.
Sinubukan kong iligtas kung anong meron tayo,
Sinubukan kong humanap ng paraan para maayos lahat ng ito.
Talo ko pa nga ang pasyenteng naghahanap ng dugo,
Dahil pinuntahan ko na lahat ng pwedeng puntahan mahanap lang ang magdudugtong at magsasalba sa salitang tayo.
Oo may nahanap ako.
Nahanap ko ang lugar kung saan naging masaya tayo.
At pati nga si crossmatching ginamit ko.
Oo! sinubukan kong i-crossmatch kung anong meron tayo.
Ilang beses kong inulit pero wala eh, bigo parin ako.
Pauli-ulit man akong maghanap at gawin ang proseso,
Sa bandang huli sumuko narin ako.
Oo bumigay narin ang puso ko.
Nagdesisyon akong bumitaw narin sa pagkakahawak sa kamay mo.
Oo nasanay akong ikaw ang laging katabi ko,
Pero ngayon kailangan kong harapin ang bukas nang walang IKAW sa tabi ko.
Mahirap? pwede kong sabihing OO,
pero kakayanin ko.
Kakayanin ko kasi ikaw parin ang mahal ng puso ko.
At kahit anong gawin ko o kahit hindi ko man mabago ito,
Pilit at pilit paring kakayanin ang lahat na ito.
Bibitaw ako sayo,
Oo bibitaw ako! Bibitaw ako sa pagkakakapit ko sayo.
hindi dahil gusto ko.
Bibitaw ako sayo hindi dahil nasasaktan ako at ubos na ubos na ako.
Bibitaw ako dahil mahal kita at 'yon ang totoo.
Bibitaw ako hindi dahil gusto ko kundi dahil ayokong makitang nasasakatan ang taong mahal ko
Sa missing piling ko.
Kaya oo bibitaw ako!
Bibitaw ako at papalayain ang puso mong minahal ako noon at nagmamahal na ngayon ng bago.

________________________________________________
Hindi ako broken dito, bigla lang pumasok sa isip ko ito habang nasa laboratory ako kasi OJT ee! Hehehehe

Hi sa Medtech na unang nakarinig nito kasi binasa ko sa kanya. 😊😊😊
Anyway sya rin nag-suggest ng title na crossmatching, diba ba nga Ate Sabrina Mozo!!!! Pero x-matching sya kasi Diba nga yung cross pwede isulat na "x" kaya ayun naging x-matching.

RulesWhere stories live. Discover now