Rule #10: Sulitin ang bawat sandali, hindi lahat ng oras gusto ka nya makasama.

17 0 0
                                    

"Sulitin ang bawat sandali, hindi lahat ng oras gusto ka nya makasama."

Ilang buwan, ilang buwan na nga ba kayong magkakilala?
Ilang buwan na nga bang araw-araw sya ang iyong kasama?
Dalawang tanong na simple lang Naman talaga,
Pero kapag iniisip mo bigla ka nalang mapapaluha ng sobra.

Masaya naman talaga eh, masayang nag-umpisa.
Hindi sinadya pero napalapit kana sa kanya.
Pagpasok at pag-uwi lagi kayong magkasama,
Kaya di ako magtataka kung bakit ang lapit-lapit nyo sa isa't isa.

Ang kulit nyong tignang dalawa,
Para kayong kambal na nagkakasundo kahit na magkaiba.
Yung tipong kapag naghiwalay nami-miss kaagad ang isa't Isa,
Yung di mabubuo ang araw kapag di kayo sabay tumatawa.

Sa totoo lang? ang hirap nyong paghiwalayin, sobra!
Para bang magugunaw ang mundo kapag pinaglayo kayong dalawa.
Bawat minuto hindi kayo mapigilang tumawa ng tumawa,
Parang wala nang bukas, Basta kayo'y masaya.

Hanggang isang araw bigla nalang nag-iba Ang istorya,
Parang may masamang hangin na umihip at nagpabago sa inyong dalawa.
Yung dating di mapaghiwalay, bigla nalang nakalas-nagiba.
Yung dating masaya'y lumungkot nalang bigla-bigla.

Hindi na sya ang gusto mong makasama at ganon rin sya.
May bago kana habang sya sa tabi'y naghihintay pa.
Umaasang baka isang araw bumalik ka,
Na baka ma-realize mong mas nahalaga sya kesa sa kanya.

Pero Wala, lahat nagbago na't hindi na maibabalik pa.
Wala na yung kayo't napalitan na nang kanila.
Yung dating ikaw lang ay naging sya na.
Siguro ganon talaga, kaya dapat palayain mo na sya.

Hindi sa lahat ng oras ikaw ang gusto nya makasama,
Kaya habang hawak mo pa sya, sulitin mo na.
Hindi mo alam kung hanggang kailan sya sayo'y sasaya,
Kaya habang nandyan pa sya? sulitin mo Ang bawat sandali, Hindi lahat ng oras gusto ka nya makasama.

___________________________________________
It's been along time since I updated some pieces, so here I am sharing this for I didn't know the reason why. Hehe

oh it's been two months since I left my previous job and to be honest I really miss the feelings. Haha well I miss my Ate Kina, Ate Anna, Ate Eds, and Ate Mae. Oh I also miss my Mentor Jojo and Mentor Jen. Pero miss ko narin talaga yung Coach Van ko. *sigh*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RulesWhere stories live. Discover now