The Forgotten Love Story

144 2 4
                                    

"Kahit maputi na ang buhok koooooooh!" malakas na kanta ko habang nandito sa mataas na sanga ng puno.

"Shut up will you! Can't you see that someone's resting here?! if you want to have a concert then go somewhere else." masungit na sigaw ng isang batang lalaki. na nakahiga sa lilim ng puno.

"aba ikaw na nga tong nakikinig ikaw pa may ganang mag reklamo. kung ayaw mo ng kanta ko. e di wag mong pakinggan. bakit ako aalis dito e teritoryo ko to! ikaw ang umalis kung gusto mo! chupi! chupi!" sagot ko naman sa masungit na bata.

"bakit ako aalis if I'm comfortable on where i am. this is the only place where I can hide." sagot naman niya.

"hahahaha!" malakas na tawa ko.

"why are you laughing?" Tanong naman niya.

"e kase alam ko kung kanino ka nagtatago!" sagot ko ulit.

"kanino?" Tanong niya.

"kay Chuckie!"

"Chuckie? Who's that?". takang tanong ulit niya.

"si Chuckie! yung malaking asong itim na nanghahabol ng mga bagong salta dito!"

"how'd you know that I was being chased by a dog? manghuhula ka ba?"

"hahaha! manghuhula? ako? nako! hindi noh! sadyang alam ko lang!" sagot ko naman.

"then how do you know? "tanong ulit niya.

"e ayun siya oh! kita ko mula dito sa taas! hinahanap ka siguro! mga ilang sigundo pa mahahanap ka na niyan. kaya kung gusto mong hindi makagat. ang maipapayo ka lang sayo ay umakyat ka na dito. sa lalong madaling panahon"

"what? I'm gonna climb? no!" pagtutol niya.

"sige pakagat ka jan ha! good luck nalang" pananakot ko sakanya. hindi nagtagal nakarinig kami ng mga kahol na papalapit.

"ano? di ka pa din ba aakyat?" tanong ko ulit.

"fine! fine! aakyat na!" sagot niya at nagmadali na ding umakyat.

"hahaha! takot ka pala sa aso?" panunukso ko sakanya ng makaakyat siya.

"o-of course not!" utal na sagot niya.

"hahaha! okay sige! hindi ka na takot sa aso. pero first time mong umakyat ng puno." pambubuska ko pa.

"how do you know?"

"halata. nanginginig ka!"

"tss!"

"ano wala kang masabi kase totoo? haha! Paano ba yan may utang ka sakin."

"utang?"

"oo utang. kase niligtas kita kay Chuckie! e hindi ka pa nag thank you kaya hindi ka pa bayad!"

"tsk! insane!" sagot niya sabay Tumingin sa baba. pagkalipas ng ilang minuto umalis na din si Chuckie. "bababa na'ko" paalam niya.

"uy! bakit? ayaw mo ba dito sa taas? maganda naman dito ah! samahan mo muna 'ko!" habol na tanong ko sakanya habang bumababa siya.

pero hindi niya 'ko sinagot. hanggang sa makababa na siya ng tuluyan.

"I won't say thank you cause in the first place, i didn't even asked for your help." sabi niya habang naka ngising aso. aba loko to ah!

"hoy wag kang ngumiti ng ganyan! kamuka mo si Chuckie!" sabi ko sabay tumayo. kaya lang nag kamali ng tung-tong yung paa ko sa sanga kaya naman nadulas ako. na dahilan ng pagkahulog ko. "ahhhh!" sigaw ko habang patuloy na bumubulusok pababa.

The Forgotten Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon