Shan's POV
"saan kayo nag aaral?" tanong ko kila Aureen habang kasalukuyan kaming kumakain at nagkwekwetuhan. pagkatapos naming magpakapagod sa Toms World napag pasyahan naming kumain sa Jollibee dahil dito sa fast food na to naman talaga kami laging nakain ni Kat-Kat pag magkasama kami.
sumubo muna siya bago sumagot saakin. "sa Forrester University po."
"Forrester University? wait parang alam ko yun ah! saan ko na nga ba narinig yun?...ah basta! ewan baka imagination ko lang yun."
"edi dun din kayo nag elementary?"
"no ate. nag elementary kami sa isang all girl school nag transfer lang kami sa Forrester last year." sagot naman ni Yuri.
"ah ganun pala yun!." sabi ko na patango tango.
"how about you ate Nico, saan kayo nag aaral ni kuya Kat-Kat?."
"hmm... sa Zacson University kami e." sagot ko naman sakanila. "Hey! okay lang ba kayo? Shelley okay ka lang? dahan dahan kase." dagdag ko pa. bigla nalang kase silang natigilan. nasamid pa si Shelley, kaya naman nilapitan ko siya agad.
"ah! eh! oo naman ate."
"bakit bigla kayong natigilan?"
"Ah, kase nagulat lang kami." alanganing sagot ni Shelley. napakunot tuloy noo ko.
"at bakit naman kayo magugulat?" nakakapag taka naman. may kagulat gulat ba sa pagiging student ng Zacson University?.. kung ako nga ni hindi ako nasurprise na sa Forrester sila nagaaral e...
"kase po bawal kaming makipag kaibigan sa mga taga Zacson University." nakayukong sagot naman ni Aureen.
"hah?! at bakit?!"
"because the Zacson University is the greatest rival of the Forrester University." sabat naman ni Kat-Kat. napatingin tuloy ako sakanya.
"sa aling bagay?."
"sa lahat ng bagay." sagot niya. kaya naman pala ganun nalang ang pagkabigla nila Yuri kanina.
"kaya sa school po namin ate. kaaway ang tingin nila sa mga taga Zacson. to the point na kahit taga Forrester ka basta may kaibigan ka o kahit na kakilala lang na taga Zacson. kaaway narin ang turing sayo ng mga schoolmates namin." paliwanag ni Aureen saakin.
Napatingin tuloy ako ulit kay Kat-Kat kaya tinanguan niya ako bilang pagsangayon sa sinabi ni Aureen."pero Kat, hindi naman ganun ang sistema sa Zacson ah. never niyo naman tinuring na kaaway ang mga taga Forrester diba?." malungkot na pahayag ko sakanya.
pinat muna niya yung ulo ko bago nagsalita. "because there's no reason for us to treat them as an enemy. wag kang mag alala never naisip ng Zacson na gumaya sakanila okay?. kaya ngiti kana jan!." sabi niya saka niya hinawakan ang mukha ko at finorm ng smile yung mga labi ko.
"uhm!" pag tango ko sakanya. hinarap ko sila Yuri bago nagsalita. "okay lang yan! hindi porket magkaaway ang mga school natin e kailangan magkaaway nadin tayo diba?.. hayaan nalang natin sa school natin yun!. from now on you are now our secret friends.."
****
"Kat, hindi ka ba naiinggit kila Aureen?" tanong ko sakanya pagkatapos kong magdasal. nandito kami ngayon sa simbahan, pagkatapos kase naming kumain nila Aureen ay naghiwa-hiwalay narin kami dahil nandoon na daw ang sundo nila, samantalamg kami ay naglakad lakad pa ng kaunti sa loob bago nagtungo dito sa simbahan.
"what do you mean?" balik tanong niya saakin.
"yung barkada. hindi ka ba nalulungkot na hindi ka nila pinapansin? yung pag magkakasama tayo parang hindi ka nag e-exist?"
lumingon siya saakin bago ulit nagiwas ng tingin. "nah! I'm already used to it. Don't have to worry 'bout that." sagot niya habang tumitingin tingin sa paligid.
tignan mo tong taong to. lakas din ng loob mag sinungaling sa simbahan eh! parang timang, itinatanggi ang halata naman. tss! "alam mo Kat, tinanong kita hindi dahil curious ako! tinanong kita para i-confirm ang nalalaman ko." sabi ko sakanya habang tinatapik ang braso niya.
this time lumingon na siya saakin. nice! kuha ko na atensyon niya. "then what did you confirmed?" tanong niya saakin, patay malisya pa ang loko!.
"hmmm...na confirm ko na nalulungkot ka sa pagtrato sayo nila Mira. sa tagal nang panahon na mag best friend tayo. kilalang kilala na kita! lakas ng loob mag deny sakin ah!"
umirap lang siya saakin, kala mo di affected. "you know what Nico?. I really hate that trait of yours! tss! alam mo na pala nagtatanong ka pa."
tignan mo tong best friend ko! parang bakla haha! kung maka irap akala mo wala ng bukas. "alam mo Kat, dapat kase humingi ka ng sorry sakanila. patatawarin ka naman ng mga yun e. hinihintay lang nilang mag kusa ka!"
"you think?" mejo alangan niyang tanong saakin.
"oo naman! Take the initiative, wag kang mag alala! kasama mo nako diba?! I'm always here to back you up!" pagpapalakas ko ng loob niya. ang best friend ko, an lakas ng loob mag sungit sungitan hindi naman kayang panindigan.
"then what if hindi ako nag initiate? What will you do?" Tanong ulit niya saakin.
"tinatanong pa ba yan? I will push you on the back!" sagot ko naman sakanya. si Kat-Kat yung tipo ng taong hindi magkukusang makipag ayos kung hindi mo tutulungan. kaya naman kailangan niya palage ng konting tulak.
"tara na nga. ipag-luluto kita ng paborito mong bananaque!" yaya ko sakanya at umuwi na. pag karating namin sa bahay ay ipinagluto ko nga siya ng kanyang favorite bananaque. Thank you gift ko sakanya sa pag sama at pag papasaya niya saakin sa araw na'to. bago siya umuwi sakanila para mag pahinga.
---
a/n: sorry po at maikli lang hihi sobrang busy po kase sa pag iimpake ng mga gamit! nakita ko lang po sa calendar na halos mag dadalawang bwan na pala akong hindi nag a-update kaya ayan! next update nalang po pag dating ko na ng pinas! babawi ako hihihi!I'm gonna fly back to my beloved country tomorrow! good luck to me!
Thank you po at umabot kayo sa chapter na'to! I love you all :* :*
Mansanas na Leea ♡
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love Story
Teen FictionWhen everything's been Forgotten How would you make that someone remember you? How can you tell a Love Story if it wasn't even started to begin with? join Nico and Kat-kat as they ride the rollercoaster of life. Who will forgot who?...and Who...