Shan's POV
isang linggo na ang nakalipas simula nang magkita uli kami ni Kat-Kat. grabe! inulan kami noon ng mga tanong galing sa mga kaibigan namin. at hindi naman masyadong maganda ang naging pagtanggap saakin ng school bilang best friend ng pinaka iniidolo nila. lalo na sa mga babae. malinaw pa sa memorya ko ang mga pangyayari.
flashback....
magkasama kami ngayon ni Kat-Kat dito sa loob ng kotse. nagpumilit kase siyang sunduin ako sa bahay upang sabay kaming pumasok sa eskwelahan kaya naman heto ako ngayon at katabi siya sa magarang kotseng pagmamay-ari nila.
"Sigurado ka ba dito Kat?. okay lang ba talagang sabay tayong bumaba?" tanong ko sakanya habang nakakapit sa manggas ng long sleeves niya.
naiiritang tinignan niya ako bago nagsalita. "ano ba Nico, bitiwan mo nga ako! nagugusot ang uniform ko!" mahinang asik niya saakin.
"ano ba Kat-Kat tulungan mo nalang akong magisip, pwede?! ang arte arte talaga ne'to! matatakpan din naman yan ng coat mo!" asik ko din sakanya at hindi parin tinigilan ang pag kayumos sa braso niya.
"ano bang ikinakatakot mo?! they're just ordinary students for pete's sake. hindi ka naman nila kakainin ng buhay. pag nairita ka sakanila barahin mo ganun lang kadali yun!" sagot naman niya sabay pilit na tinanggal ang mga kamay kong nakakapit sa manggas niya. "see?! lukot na!" dagdag pa niya.
inirapan ko tuloy siya. "baka hindi na ako umabot ng buhay sa classroom pag lumabas ako dito. alam mo ba yun?! hindi mo naman kasi sinabing ganito ka pala kasikat dito." sabi ko habang nakatingin sa labas ng kotse. kitang kita ko yung mga fan girls niya na halos kulang nalang butasin yung kotse makasilay lang kay Kat-Kat. may mga banners pa talaga silang dala.
tinted kasi ang mga bintana kaya naman hindi pa nila alam na may kasama ang mahal nilang hari!
"do you think hahayaan kong masaktan ka nila?. to hell with them! akong bahala sayo. kaya tara na't kumilos kana jan kung ayaw mong ma-late tayo." utos niya at nagumpisa nang lumabas ng sasakyan. hinayaan niyang nakabukas ang pinto at hinintay ang pagbaba ko. Pero hindi talaga ako gumagalaw.
pumasok ulit siya at isinara ang pinto. "ano nanaman bang problema?! I told you ako ang bahala sakanila diba?!" inis na sabi niya..
"e naiirita ako sa suot ko! hindi ko alam na ganito pala ang uniform dito!" nanggigigil na sagot ko sakanya. paano ba naman paldang umaabot lang hanggang sa kalahati ng hita, high socks, long sleeve and tie. okay lang saakin yung pantaas pero yung pang ibaba ang prinoproblema ko! masyadong kinulang sa tela!
tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "tss! you look fine! you don't have to worry about your looks. beside maganda naman ang mga legs mo. so let's go." sabi niya bago isinuot saakin ang coat niya. at nauna nang lumabas. teka? did he just complimented me?..
Sumunod na ako sakanya dahil kahit hiyang hiya ako sa suot ko. e kailangan kong kumilos kung ayaw kong mahuli kami sa klase. paglabas na paglabas ko palang biglang natigil ang nakakabinging hiyawan ng mga fan girls ni Kat-Kat. at napalitan iyon ng mga bulong bulungan.
"who is she?! ang kapal ng mukha niya!" chismosa one.
"oo nga! anong karapatan niyang sumabay kay Kenneth NATIN!" chismosa two. WOW! hiyang hiya naman ako sa mga babaeng ito! NATIN?! kelan pa naipagbenta ng mga magulang niya si Kat-Kat at naging pagmamay ari nila?!.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love Story
Teen FictionWhen everything's been Forgotten How would you make that someone remember you? How can you tell a Love Story if it wasn't even started to begin with? join Nico and Kat-kat as they ride the rollercoaster of life. Who will forgot who?...and Who...