tinignan lang naman ito ni Aya habang nakabusangot parin. "anong drama yan? mandiri ka nga sa sarili mo Rayleigh. may payakap yakap ka pang nalalaman! just seat there and zip your talkative mouth!" sagot ni Aya sabay irap kay Kim.
"Aww! Leigh naman! napaka sama mo talaga saakin!" sagot nanaman ni Kim na kunyare nagpunas pa ng luha.
" ano ngayon ? bear with it . kung ako nga matagal nang nagtitiis sa mga kaartehan mo . " sagot ulit ni Aya sabay tingin na sa notebook nito at hindi na pinansin si Kim.
tinawanan ko naman siya at binelatan nung tumingin siya saakin. dumating na si Ms. Cervantes kaya naman nagsiayos na kami ng upo at tinawag ako sa harapan para mag pakilala.
Pagkatapos kong magpakilala sa harapan. dahil lahat naman sila ay magkakakilala na- (hindi daw kase nag shu-shuffle ng mga students ang Zacson. kaya kung sino ang classmates mo from 1st year sila din hanggang 4th year.) -natulog lang ako hanggang sa mag bell na para sa break time.
"girls una na kayo sa canteen may pupuntahan lang ako saglit." pag papaalam ni Kim saamin.
"why? saan ka pupunta?" Mira.
"pinapatawag ako ni coach. may sasabihin daw." sagot niya sabay pakita ng text message saamin.
"ah okay sige. sunod ka nalang, same place kami." sagot naman ni Angelica.
kaya tumango na si Kim saamin at lumabas na ng room.
"guys una na din kayo pupunta lang akong comfort room." sabi ko naman sakanila.
" want me to accompany you ? " tanong ni Lyra saakin na inilingan ko naman.
"hindi na no. kayo talaga, kaya ko na no! basta susunod nalang ako sainyo." sagot ko sakanila at nagmamadali nang naghanap ng pinakamalapit na cr. dahil naiihi na talaga ako!
pag pasok ko palang nakakamangha. ang linis ng banyo nila at ang sosyal. parang hindi cr ng school. grabe umurong ata ihi ko!.. cr palang maganda na paano pa kaya yung ibang parte ng eskwelahan na ito?.
Pagkatapos kong gawin ang kailangan kong gawin ay nagmamadali na akong pumunta sa canteen dahil talagang gutom na ako. at ano pa nga bang masasabi ko sa canteen nila?. sosyal din!
centralized tapos parang yung canteen sa high school musical ang itsura. as in ganun na ganun talaga siya. ang kaibahan lang is magbabayad ka sa counter. hindi katulad sa h.s.m. na kuha ka lang ng kuha.
isang slice ng triple chocolate cake at isang bottle lang ng tubig ang kinuha ko. dahil gustohin ko man na kumuha ng madaming pagkain e hindi pwede dahil ito lang ang kinaya ng budget ko. titiisin ko nalang muna ang gutom ko. dibale kakain nalang ako ng madami sa bahay mamaya. magluluto si Nay Sabel ng paborito ko e.
sobrang focused ako sa cake na nasa tray ko. naamoy ko palang naglalaway na ako. mahilig kase talaga ako sa cake. kaya lang dahil sa mahirap lang naman ang buhay namin minsan lang ako nakakatikim ne'to pag may pa birthday, pa binyag, o kasal lang.
sobrang nagugutom na talaga ako kaya hindi ko maalis ang mga mata ko sa cake na dala-dala ko ng biglang. ..
*SPLANK*
aray ko!..
"ANO BA?! BAKIT MO AKO PINATID?!" nanggigigil na tanong ko sa taong pumatid sa akin. buti nalang may nakasalo sa akin. kung hindi yung sahig sana ang magiging first kiss ko!.
pinahawak ko muna sa taong sumalo saakin yung tray na dala ko at hinarap yung balasubas na lalaking namatid sa paa ko.
"nothing. I just felt like doing it." pa cool na sagot niya sabay nag kibit balikat pa. aba! mayabang to ah!
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love Story
Teen FictionWhen everything's been Forgotten How would you make that someone remember you? How can you tell a Love Story if it wasn't even started to begin with? join Nico and Kat-kat as they ride the rollercoaster of life. Who will forgot who?...and Who...