Shan's POV
"nay! tay! alis na po ako!" pagpapaalam ko kila Nay Sabel at Tay Ruben.
"ha? aalis ka? maaga pa ah, aba'y ang batang ito, saan ka nanaman gagala? Ruben pag sabihan mo nga itong prinsesa mo. wala tayo sa tarlac, hindi mo pa kabisado ang lugar na ito Shan." sermon ni Nay Sabel saakin. napatawa tuloy ako.
"e nay hindi naman po ako gagala. pupuntahan ko lang po si Mira,tanda niyo po ba siya?" Tanong ko naman kay Nay Sabel.
"oo naman. siya yung batang sobrang bait na dinala mo dito sa bahay diba?. yung bago mong kaibigan kamo."
"opo nay sya nga po. pupunta lang po ako sakanila nay dahil ipapakilala daw po niya ako sa mga kaibigan niya." pagpapaliwanag ko pa.
"ah ganun ba?" Nay Sabel.
"opo, dumating na daw po kase sila galing bakasyon kaya pupunta sila kila Mira ngayon."
"hala sige lumakad kana ng makarating kana sa pupuntahan mo! mag pakabait ka doon Shan. wag paiiralin ang mga kalokohan." pagpapaalala ni Nay Sabel.
"opo nay wag po kayong mag alala behave po ako."
"siguraduhin mo. kundi isusumbong kita sa mommy't daddy mo." pananakot pa niya.
"haha! nay naman wala naman pong ganyanan! haha." tatawa tawa kong sagot kay Nay Sabel saka siya hinalikan sa pisngi ganun din kay Tay Ruben.
"Nay! maalala ko nga ho pala. baka ho pupunta kaming lahat dito mamaya, gusto din daw ho kase nila kayong makilala ni Itay. alis na po ako!" pasigaw kong sambit habang tinatahak ang pintuan palabas.
sumakay ako ng taxi at nag pahatid kila Mira. yun kase ang sabi niya. wala daw kasing dumadaan na jeep sa subdivision nila kaya taxi nalang daw ang kunin ko.
maya-maya pa natanaw ko na yung bahay nila Mira. grabe ang subdivision na'to. puro anlalaki ng bahay! nakakalula! lalo na yung bahay nila mismo.
bumaba na ako at nag doorbell. naka punta na ako dito last week kaya naman kilala na ako ng kasambahay nila. "ma'am Shan kayo po pala. pasok ho kayo." wika ni Jessica, anak ng kasambahay nila Mira.
"ano ka ba naman Jessica bakit mo ako tinatawag na ma'am ihh! hindi bagay saakin. sinabi nang Shan lang itawag mo saakin e. hindi mo naman ako amo!" pabiro kong pinalo siya sa braso.
"eh, kase naman pagagalitan ako ni inay pag narinig niyang hindi ko kayo binigyang galang nila ma'am Mira." nakayuko niyang sambit.
"hala! si aling Jessa talaga! sige ganito nalang ate Shan nalang itawag mo saakin tutal mas matanda ako sayo ng dalawang taon. ano ayos ba?" suggest ko sakanya.
"sige po ate!" masayang pagpayag niya. natawa tuloy ako.
"anjan na ba yung mga kaibigan ni Mira?" Tanong ko kay Jessica habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay.
"opo ate, andun po sila sa living room."
"sige samahan mo ako ha. kinakabahan kase ako, baka hindi ako magustuhan ng mga kaibigan niya e. haha!"
"naku! magugustuhan ka po nila ma'am Lyra, ate Shan ang bait bait niyo po kaya." sagot naman niya.
"naku babaeng to binola mo pako." sagot ko nalang sakanya at tumawa naman siya.
pag dating namin sa living room nakita agad ako ni Mira. nagkakasiyahan ata sila kaya hindi nila kami napansin ni Jessica. mejo malakas din kase yung tugtog.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love Story
Teen FictionWhen everything's been Forgotten How would you make that someone remember you? How can you tell a Love Story if it wasn't even started to begin with? join Nico and Kat-kat as they ride the rollercoaster of life. Who will forgot who?...and Who...