One week after.
Sa silid ni Lola,
pagkatapos ng urine test namin sa kwarto nito ay lihim akong nagpapasalamat dahil negative ang resulta. Ibig sabihin ay hindi ako buntis at pwede na akong makaalis sa poder ni Kevin ng walang inaalala.
"Hindi tayo pwedeng magkasabay umalis bukas dahil magdududa si Kevin at susundan niya tayo. Kasama mo si John at ihahatid ka niya. Kung ang pakay ng paglayo mo ay makapag-aral ka na malayo sa apo ko ay pinapayagan kita kahit naaawa ako kay Kevin."
"Opo. Alam ko pong makapal ang mukha ko lola dahil labis labis na ang hiningi kong tulong sa inyo."
"Hindi ko yan ipagkakait sayo dahil sabi mo gusto mong maging nurse para kunin kitang personal nurse."
"Opo."
"Hindi ka ba aware na kapag personal nurse kita ay magkikita pa rin kayo ni Kevin?"
"Pero sa panahon na yan ay sigurado po akong makakahanap na si Kevin ng babaeng gusto nitong makasama sa buhay at alam kong hindi ako yun lola."
Napabuga si lola ng hangin at pumikit.
"Sorry if I drag you into this situation hija. Naging makasarili ako at ginamit ang kagipitan mo at napasubok ka sa apo ko. Hindi ko man lang naisip at natanong kung gusto mo bang mag-aral bagkus ay hiningan kita ng apo sa murang edad mong yan."
"Hindi pa naman huli ang lahat la. Wag na po kayo magsisisi. Hindi po kita ede-disappoint la dahil magtatapos po ako at maging proud po kayo."
Tumango si lola at humiga na. Lumabas na din ako pagkatapos kong itapon ang PT sa basurahan.
------------
Hindi pa nagbukang liwayway nang magising ako. Tanging ilaw lang sa night light ang silbing liwanag dito sa kwarto namin. Malamig ang buong kwarto kahit nakapatay na ang aircon. Mabigat ang puson ko dahil nakadagan dun ang braso ni Kevin at napansin ko rin nakalawis ang laylayan ng suot kong malaking tshirt at nasa loob ng shirt ang kamay ng lalaki. Naka boxer shorts lang ang suot nito.Umayos ako ng higa at inisip ang nangyari kagabi dahil hindi ko na matandaan kung anong oras na pumasok si Kevin kagabi. Pero bago pa mangyari yun ay may mga bisita ito dahil dumaan dito sa bahay mula sa party sina Harold at Karlos kagabi kaya nagkayayaang mag-iinuman sa lanai ang magka-barkada. Si Mama Grasya at Papa Jonas ay hindi na nakisali pa dahil nagpahinga sila ng maaga mula sa sobrang pagod sa trabaho.
Kasama din si Guia at Aya kagabi kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na magkwentuhan. Promise, ang ganda niyang babae at ang bait.
Flashback:
"Hi. Ikaw pala ang mommy ni Guia ma'am? Ano pong pangalan mo?" Tanong ko at nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"Ha? Hindi. Yaya po ako ni Guia, ma'am at ako nga po pala si Aya." Inilahad nito ang kamay at tinanggap ko yun. Pareho ang mga kamay na may mga kalyo at masasabi kong masipag siyang babae.
Napanganga ako sa sinasabi niyang siya ang yaya ni Guia. Ayokong maniwala dahil imposible naman yata. Sa ganda niyang yan. Ah baka nahihiya pang aminin na jowa siya ni Harold.
BINABASA MO ANG
Baby Maker Wife (Edited)
FanfictionMatagal ng hinihingi ni Doktora Minda ang mabigyan siya ng apo mula sa nag-iisang apo nito na si Dr. Kevin Joon Montero bago niya ito bibigyan ng yaman. Pero matigas ang ulo ng binata dahil panay ang trabaho, barkada at pambabae ang inaatupag nito k...
