Chapter 18 (edited)

40K 905 23
                                        

Pag-uwi ko sa mancion ay halos hindi na ako makahinga ng maayos. I'm a little bit nervous baka ano ang iniisip ni Minerva sa nakikita niya. I have nothing to do with Queenie pero yung nasa isip niya ang iniisip ko.. or ako lang ang paranoid.

"La, si Minerva nasaan po?" Bungad ko kaagad nang makita ko si Lola.

"Nasa ospital, nagpa-follow up para sa internship niya. Kev, come here let's have some tea.and let's talk.." sabi ni lola.

"Ano po yun la? Anyway la, bakit po kayo umalis kaagad nung nasa food chain pala kayo? Hindi ko alam na andun pala kayo." Umupo ako sa tabi ni lola.

"Yan ang gusto kung tanungin sayo apo. Bakit mo naman sinasama si MJ kung kasama mo naman si Queenie? Kung girlfriend mo yun, saka mo nalang sana pinakilala si MJ kung annulled na kayo ni Min. Yun ang sinasabi sa akin ni Min. Alam kong nasasaktan si Minerva nang makita niya kayong tatlo na magkasama. Alam kong yun ang iniisip niya once you file an annulment. Are you really gonna reach this far? Nililito mo ang bata."

"La, busy pa ako para isipin ang annulment namin ni Minerva. Make her wait or I will sue her. Hindi ko lang alam kung paano ko siya mapapatawad sa ginawa niya noon. I am still mad and still I am happy na umuwi na kayong tatlo."

"Hindi ko masabi sayo ang lahat. May kanya-kanya kayong buhay na ngayon. Ayokong panghimasukan ang buhay niyong mag-asawa dahil matagal na kitang hindi pinakikialaman sa mga gawain mo apo."

Inabot ko ang kamay ni lola at marahang pinisil yun.

"La, ang nanghimasuk ka sa buhay ko ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko. I know Minerva is a good person pero galit pa rin ako sa kanya but that doesn't mean iiwan ko siya tulad ng ginawa niya. And she gave me son. I am sorry kung hindi kita maintindihan noon, since I saw MJ, naging bukas ang isipan ko sa mga bagay na makabubuti sa kanya. Like you did to me, palaging out of town sina mama at papa, kaya ikaw ang palaging nagsusubaybay sa buhay ko."

I am happy na makitang nakangiti si lola. Ayoko siyang nakabusangot palagi ang lola ko dahil nag-alala at nalulungkot para sa amin ni Minerva.

"I don't want you to worry, hayaan niyo muna kami ni Minerva. Either we'll pursue the annulment or not. As long as it is for the better for both of us. Don't tire yourself for us lola, okay?"

"That's good, Kev. Sana hindi kayo hahantong sa hiwalayan kung maaari, but if you find it hard for both of you, we'll settle things smoothly."

"yes la. Don't stress yourself about us."

"yes apo. Anyway, Where's our little boy?"

"Sumama kina Hector, close friends sila ni Rom kaya bayaan na lang munang maglaro sila, dadaanan  na lang daw nina mama at papa mamaya pag-uwi."

"Hmmm, at least marami na siyang kaibigan ngayon pa lang."

Tumango ako sa sinasabi ng abuela ko. Yes it's true, Napakasarap sa pakiramdam na may anak ka na. Nakakainspire. Minerva is so lucky to have MJ from the very beginning. Pinagkait lang talaga nilang dalawa na mahawakan ko ang baby ko o makausap ko ito kahit nasa tummy pa lamang ng ina nito. Napailing lang ako ng maisip ko si Minerva. Oh by the way.

"Lola, alam mo ba kung saan galing si Minerva? Nagkausap kami ni daddy pero noon pa raw isang araw umuwi sila."

"Pinagbakasyon siya ng mommy mo sa Bohol---"

"What???? Sa Bohol? Sa Bohol pa talaga? Pinauwi siyang mag-isa ni Mama Grasya? Ano na lang ang sasabihin ni Tatay Melchor na pinabayaan ko talaga ang anak niya? Damnit. Hindi ko na talaga alam kung bakit napakahilig niyong pakialaman ang buhay ko." galit na sabi ko.

Baby Maker Wife (Edited)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon