Chapter 13 (edited)

35.8K 886 23
                                    

Limang araw lang si Lola sa Seattle at nakapag.decide na uuwi siya kasama kami ni MJ. Nagpapasundo siya sa driver sa airport na uuwi kaagad si lola pero bigla na lang akong naging kati-kati dito sa eroplano dahil tumawag si Kevin na ito na lang ang susundo kay lola dahil inutusan daw nito ang driver ni Lola. Mag-aalas kwatro pa ng hapon pero gusto ko ng biglang maglalaho dito sa loob ng eroplano habang nagsilabasan na ang mga pasahero.

Karga-karga ko si MJ dahil natutulog ito dahil labing apat na oras ang byahe namin at hindi ito sanay kahit naman ako ay may jetlag pa rin ako. May nag-assist kay lola na stewardess pagbaba sa eroplano dahil hindi ko naman siya maalalayan. Si John naman ay gusto sanang sunduin kami dito sa Pinas pero may hearing ito sa kanyang client.

Pahid ako ng pahid sa pawis ko kahit malamig naman ang panahon dito sa pinas dahil makulimlim.

"Lola, hindi ako komportable. mag hotel na lang kaya kami ni MJ o ako na lang." Bulong ko kay lola. Tama naman, bakit naman ako uuwi sa bahay nila kung naglayas nga ako.

"Hindi pwede. We have to take a rest hija at dun tayo. We can't escape Kevin forever.. andito rin lang tayo di ba? Haharapin na lang natin ang lahat para matapos na ang kinatatakutan nating dalawa." Kunsabagay tama naman ang sinasabi ni Lola. Hindi habangbuhay akong magtatago dahil malalaman din naman ni Kevin ang lahat.

May nag-assist na rin na dalhin ang mga bagahe namin dahil marami rin ang dinalang gamit si MJ kahit drawing book ay dinala pa rin nito pasalubong daw niya sa ama nito. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin kapag malakaman ito ni KEvin. Itatago ko na lang kaya sa probinsya ang anak ko? Hindi. Excited si MJ na makita ang ama nito.

"Lola, over here.!" Someone's familiar voice take my breath away. Nagtama ang mga mata namin at Galit ang rumehistro sa mga mata nito ng makita ako. Palipat-lipat ang tingin nito at sa batang karga ko. Pero hindi ko alam kung bakit parang piniga ang puso ko ng makita ko ang kasama nitong magandang babae. Matangkad ito. Layung-layo sa limang talampakang height ko. Hiwalay na kayo Minerva kaya kumalma ka lang jan.

Humalik si Kevin kay lola pero nakatingin pa rin sa akin. Gwapo pa rin ito walang kupas. Matikas ang katawan pero may bigote nga lang na hindi yata naalala dahil siguro sa sobrang busy nito. Shit, lihim kong kinurot ang sarili ko sa pinag-iisip ko. Hindi makakabuti ito dahil wala na kami.

"Lola, meet Queenie, my... girlfriend. Queen, my grandma and my cousin, Minerva."

Pilit na ngumiti sa akin si Queen nang edeadma lang ito ni lola. Pinsan pala ha. Sabi na nga ba eh parang hindi ko kayang umuwi dito dahil nasasaktan na naman ako. Kahit wala akong karapatang masaktan.

"Hi. Anak mo?" Tanong nitong parang wala namang kwenta. Alangan namang pinulot ko lang sa tabi-tabi para kargahin pero tinanguan ko lang siya. Titig na titig si Kevin sa bata at galit naman ito kung titingin sa akin.

Pagsakay namin ay kaagad akong nag-chat kay John kung ano ang gagawin ko siyempre. Nakita kong tumingin si Kevin sa akin mula sa rear mirror kaya todo iwas talaga ang mga mata ko. Ramdam na ramdam talaga ang tensyon dito sa loob ng sasakyan.

Hindi ko alam kung natatakot ba talaga ako dahil kabang-kaba ang dibdib ko ngayon. Tahimik ang buong byahe namin hanggang sa huminto kami sa isang malaking bahay. Tahimik lang si Lola sa tabi habang bumaba si Kevin para pagbuksan ang Queen niya. Napalunok na naman ako. Kahit pagbukas ng pintuan hindi nito kaya. Napatingin ako sa ibang dereksyon nang makita kong humalik pa ito sa labi. E di sila na ang inlove at bakit ba ako bitter. I choose this kaya wala akong dapat ikakagalit.

Baby Maker Wife (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon