Chapter 21 (edited)

37.6K 860 21
                                    

"hey, why so serious?" tanong sa akin ni Blast.

"Nothing."

"Hirap maging pogi, daming nagtatanong kung single pa ba ako."

"wow sana all." boring kong sagot sa kanya dahil naka focus ako sa apat na nilalang na nasa ground floor.

Ok, maganda siya, wala na akong masabi kundi she is close to perfect woman. Maganda silang tignan na puro nakaputi at sa masasabi ko na isa sa resident doctors ang babaeng madalas kasama ni Kevin dahil kanina ko pa sila nakita na lagi itong nakasunod kay Kevin. I just felt weird dahil parang nagseselos ako or ano dahil sobrang ganda at bata pa ang doctorang babae. Pilit kong iwinasiwas sa isip ko ang nakikita ko pero hindi ko pa rin maiwasan ang mapatingin sa kanila/.

First day ko pero wala ako sa sarili ngayon. Dapat naka focus ako. Akala ko sa sobrang laki ng ospital ay hindi kami magkikita ni Kevin. Ayoko rin namang magpa-show dahil hindi naman alam ng mga tao na mag-asawa kaming dalawa ni Kev. Hindi nga alam ni Kevin na naka duty na ako dahil busy na kaagad ito sa trabaho bilang doctor at expected ko na yan dahil minsan natutulog na lang ito sa private room nito. at dito sa trabaho dapat ay aasahan ko na hindi laging nagsosolo si Kevin. Meron din siyang kaibigang babae at aasahan ko na yan na close sila kaya wala akong dapat ikakaselos. Kevin is just professional. Para akong loka-loka nito. pinapagaan ang dibdib ko na parang iwan.

Kasama ko ngayon ang mga regular na nagtatrabaho dito na mga nurses at kasalukuyan kaming nagro-roving sa mga ward at nakikinig lang sa mga pinag-uusapan ng mga nurses na regular employees na dito sa hospital. Actually, napakaraming chismis ang alam nila. Kanina ko pa sila napapansin, simula ng ma-deploy kami ay sa kanila kami madalas sumasama.

"so nagbalik na ang Vitamin A natin. May balita ka ba kung saan daw sya nagpunta for one week?" masiglang tanong ng Nurse na Kyle ang pangalan na nakatingin din kina Kevin at sa ibang Doctor pero paglingon ko ay wala na sila sa baba.

"yeah. Maghunos dili ka nga dyan Kyle, sabi ng source ko ay sinamahan daw ang strange wife nito sa Seattle. See I told you my asawa na yang si Dr. Montero. Sobrang gwapo at cute ng baby boy nito na madalas dalhin kaya malamang maganda ang nanay."

Nagpanting ang taenga ko sa sinasabi ng mga kasama NAMIN. Si Kevin ba ang topic nila? Palihim akong lumapit sa kanila at nakikinig sa tsismis nila. Napangiti ako dahil sa sinasabing maganda daw ang nanay ng anak ni Kevin. Ka touch naman. Ako kasi ang tinutukoy nila,

"duh. Kung proud sya sa asawa niya di sana ay dinala man lang niya dito sa hospital. Or wala man lang sa tabloid. Baka nga pangit at kinakahiya niya ang lahi ng asawa nito. For sure, hindi kagandahan ang asawa ni Dok. Willing naman akong papalit sa pwesto ng asawa niya since nasa Seattle naman yung Misis." sabay hagikhik ni Kyle. Maganda din si Kyle, maputi pero halatang malandi.

"dream on, mas bagay sila ni Dok Stacey. Yung first year resident doctor pa lang dito? Maganda, matangkad, matalino at mayaman ang lahi. Balita nga raw, rumored girlfriend daw yun ni Doc Kevin."

Namamalabis na talaga tong mga chismosang to. Kakasira ng araw. Ano kaya kung sasabihin ko sa kanila na ako ang asawa ni Kevin? Naramdaman kong may sumundot sa tagiliran ko. Si Blast.

"Are you really okay Minerva? You look annoyed. Don't bother yourself listening them you know your husband will never do that.. Halata ka tuloy na nagseselos." Bulong ni Blast. Well kaming dalawa lang naman ang nasa huli kaya kami lang din ang nagkakarinigan. Wala rin namang alam si Blast sa nangyari sa amin ni Kevin. Let alone telling him.

"Yeah. Naninibago lang. Hindi ko lang alam kung papatulan ko ba sila dito o hindi. Mapapahiya pa si Kevin kung papatulan ko sila."

"Is your husband really working here? I didn't see him." Bulong niya sa akin. Ilang beses na niyang tinanong sa akin.

Baby Maker Wife (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon