Chapter 1

4.9K 62 0
                                    

Ceylon Jasmine Cuevas POV

Napasimangot ako at napakamot sa batok ng makita ang papel ni Ely. Kahit kailan talaga tong lalaking to, pasalamat ka mabait ako

Binaba ko ang papel nya sa center table at binuksan ang bag nya. Kinuha ko ang notebook nya at nagsulat ng notes dun

Ewan ko ba sa lalaking to, matalino naman sadyang tamad lang mag-aral at makinig

"Tss. Stop messing with my things"

Napatingin ako sa kanya at hinawakan ang librong binabasa nya "Kung hindi ko to gagawim eh, sinong gagawa? Ikaw? Sus, tamad tamad mo eh" sabi ko

Masama nya akong tinignan na kinangisi ko. Hinawakan ko ang pisngi nya "Wag kang mag-alala, kapag ako tinamad din. Parehas na tayong sakit ng ulo ng school" sabi ko at inirapan sya

Tinuon ko ang atensyon ko sa ginagawa ko at nang matapos ay hinarap ko ang laptop ko

"What is that for?"

Nilingon ko si Ely at nakita kong nakatingin sya sa paper bag sa harap nya "Hindi naman para sayo yan eh" sabi ni Patrick at inurong ang paper bag sa tapat ko

"Para sayo, Ceylon" nakangiting sabi nya

Napakunot ang noo ko at kinuha ang paper bag at tinignan ang laman nun. Nilabas ang sapatos at tinignan si Patrick

"Marami syang sapatos, hindi nya kailangan yan" sabi ni Ely at kinuha yung libro sa harap nya at binasa yun

"Yeah, marami ako sa kwarto. Pero thank you, magagamit ko din to" sabi ko at binalik sa paper bag ang sapatos at nilagay sa gilid ko

"Sipag ni Ely" biro ni Kyle dahilan para batuhin sya ni Ely ng throw pillow

"Ely, kaayos lang ni Manang ng throw pillows" sabi ko kay Ely at tinignan sya ng masama

"Shut up, woman" malamig na sabi nya at tinignan din ako ng masama

Nagsukatan kami ng tingin pero sya ang unang bumitaw. Napangiti ako at kinuha ang test paper sa bag ni Ely

Nilagay ko yun sa ibabaw ng libro nya "Mamaya mo na basahin yan, sagutan mo muna to. Dapat lahat ng sagot dyan tama ah, kundi ikaw tatamaan sakin" banta ko at binalik ang tingin sa laptop ko

Kakaumpisa palang ng Second Grading, performance na agad ang hanap ni Miss. Buti nalang Groupings, nagsasawa na ako sa individual eh

Napahalumbaba ako ng matapos ako at sinave tsaka sinarado ang laptop ko. Tinignan ko si Ely at binigay nya sakin ang test paper na kinangiti ko

Chineck ko yun at napapatingin kay Ely kapag nakikita kong tama ang sagot nya. Binaba ko yun at uminom ng juice "Siguraduhin mong walang daya to ah, kapag meron may batok ka sakin" sabi ko at binalik yun sa bag nya

*beep beep*

Napatingin ako sa pinto at ilang sandali ay pumasok si Tito Lance "I'm home, princess"

Agad akong tumayo at niyakap si Tito "Tagal mong nawala, Tito. Namiss kita" sabi ko ng kumalas ako sa kanya at napasimangot

"Business ang pinunta ko sa ibang bansa, iha. Talagang matatagalan. How's Ely?" tanong ni Tito at tinignan si Ely

"Tito, good boy sya nung wala kayo. Pasado sya sa buong First Grading, no worries ga-graduate yan" sabi ko at bumalik sa kinauupuan ko

"I can't wait na grumaduate ka, anak" sabi ni Tito

"I can't wait to leave this house" sabi ni Ely

Hinawakan ko ang kamay nya dahilan para mapatingin sya sakin. Pinandilatan ko sya ng mata at binalik ang tingin kay Tito

"Wag kayong maniwala dyan, Tito. Tino-talk shit lang kayo nyan" sabi ko at ngumiti kay Tito

"I already know that, Ceylon. Magpapahinga na ako, tapusin nyo na yan" sabi ni Tito

Tumango ako at nangnmakaakyat si Tito ay hinarap ko si Ely "Hindi mo dapat sinabi yun" sabi ko at binitawan ang kamay nya

"Tss. You're so loud, woman. Shut up" sabi nya sakin

"Man, alis na kami. Kita tayo bukas" sabi ni Kyle at hinila si Patrick

Napabuntong hininga ako ng maiwan kaming dalawa dito sa sala. Inayos ko ang gamit namin at binalik sa kanya kanyang bag

"Stop covering me, woman"

Napalingon ako kay Ely at ziniper ang bag ko "Covering you? Wag kang ano dyan, may kapalit yun" sabi ko at inirapan sya

Bigla syang lumapit sakin na kinagulat ko. Hinapit nya ang bewang ko palapit sa kanya at hinalikan ako sa.....................noo

Nanlaki ang mata ko sa gulat at napahawak ng mahigpit sa ruler ko "Just shut up, you're so loud" bulong nya

Napatingin ako sa kanya at kita ko na umangat ang gilid ng labi nya "Wag ka na ulit tatanggap ng kahit ano na galing kay Patrick" sabi nya at hinaplos ang pisngi ko

Wala sa sarling napatango ako at kinalma ang sistema ko. Napakurap ako at akmang tatanggalin ang braso nya sa bewang ko ng umupo sya sa couch at naglanding ako sa hita nya

"Bitaw, Ely. Ano ba?" sabi ko

"Tss"

Napaamang ako ng isandal nya ang ulo ko sa dibdib nya "Ely......"

"Hush, babe. I'm tired" sabi nya

Napabuntong hininga ako at pinikit ang mata ko. Inaantok ako, ang init ng katawan nya. Nakakarelax

Napamulat ako ng tumunog ang relo ko at tinignan yun "What's that?"

Napatingin ako kay Ely at umiling. Tumitig sya sakin at hinalikan ako sa noo bago pakawalan ang bewang ko

Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko. Diretsyo ako sa kwarto at nilock yun

Nilagay ko ang bag ko sa isang upuan at nilagay sa shoe rack ang sapatos na bigay ni Patrick

Mukhang magagamit ko yan kapag nagperform kami bukas. Gusto ni Yumi naka-all white kami bukas

Ako nga pala si Ceylon Jasmine Cuevas, codename Ceylonese. Pinakabatang Secret Agent ng AAA. 18 years old, Graduating High School. Late akong nag-aral dahil sa training, sinabayan ko si Ely. Tatlong beses na kasing bumabagsak yan sa Third Year, buti nga at nakapasa kaya parehas kaming Graduating this year. Kahit mga tropa nya ganun, pare-parehas silang sakit ng ulo ng eskuwelahan

May kapit si Ely kasi kanila ang Infinite International School. Para sa mayayaman ang school na yun at bago lang ako dun

Sana wag akong mabully, sana.......

The Bad Boy's Queen (AGENT SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon