Ceylon Jasmine's POV
Napapikit ako ng may tumamang eraser ng board sakin. Ramdam ko na sunod sunod yun kasama ang mga crumpled paper
"Sino ka ba sa akala mo?!"
"Baguhan ka lang, lumalandi ka na!"
"No one dares to come near the Prince!"
"Bitch!"
"Slut!"
"Whore!"
Napamulat ako ng matigil at biglang may sumampal sakin "Let me tell you something, Cuevas. Ako lang ang may karapatan kay Lucas, ako lang at hind ikaw!" sigaw nya at sinampal muli ako sa kabilang pisngi
"What the hell is happening here?!"
Napalingon ako sa pinto at nakita ko ang grupo nila Ely. Nilapitan nila kami at kita ko ang madilim na ekspresyon ni Ely ng makita ako
"Lucas, we are just having fun" sabi ni Lani
Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang mukha ko
"What did they do to you, Ceylon?"
Napatingin ako kay Ely at umiling "Stop fooling me, Ceylon. Tell me" sabi nya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko
Napangiwi ako at kita kong mas nandilim ang eskpresyon nya at pinunasan ang gilid ng labi ko
Dugo.....
"Who slapped you, Ceylon?"
Kinabahan ako ng marinig ko ang malamig nyang boses. Biglang napalitan ang emosyon nya
"I'm sorry, babe. Let's go" sabi nya at hinawakan ang kamay ko
"Hindi pa tayo tapos" sabi ni Ely kila Lani tsaka kami lumabas ng room
****
Napalunok ako ng makarating sa Hideout nila. Agad nya akong inasikaso at ginamot ang sugat sa gilid ng labi ko
"Babe, are you okay?" nag-aalalang tanong nya
Tumango ako at ngumiti "Okay lang, hindi naman masakit eh" sabi ko
"Who did this to you, babe?"
"Hindi ka magagalit ah" sabi ko
Bumuntong hininga sya at napipilitang tumango "I'll try"
"Sila Lani nagumpisa. Sabi nila makapal daw ang mukha ko kasi lumalapit ako sayo tapos pinagbabato nila ako ng eraser sa board at crumpled papers" sabi ko
Tinignan ko ang ekspresyon nya at kita kong unti unting nandilim yun. Hinawakan ko sya sa kamay at niyakap sya
"Ely, wag mo na silang patulan. Hindi naman ako gaanong nasaktan eh" sabi ko
Ramdam ko ang pagyakap nya sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Napabuntong hininga ako at tinignan ang mukha nya
"Ely, galit ka ba?"
"Tss. I hate that wound in your lips" sabi nya
"Ely naman eh....."
"I can't promise, babe. But I'll try" sabi nya at hinalikan ako sa noo
Napangiti ako sa sinabi nya at tinanggal ang kamay ko sa batok nya "Let's go home" sabi nya na kinagulat ko
"Ayokong may mamiss na subject, Ely" sabi ko sa kanya
"Tss. Fine, I'll come with you" sabi nya at may binigay saking bagong uniform
"Wear this one, baka hindi ko mapigilan ang galit ko kapag nakita kong ganyan ang suot mo" sabi nya
Tumango ako bago dumiretsyong banyo para magpalit
****
Wala pa si Miss hanggang ngayon? Wala naman akong nabalitaan na may meeting silang mga Teachers
"Babe......."
Napalingon ako kay Ely at agad na nanlaki ang mata "Ang l-lapit mo"
"Wag kang lilingon kung saan saan, baka isipin ko naghahanap ka ng ibang lalaki" mahinang sabi nya
Tumatama sa mukha ko ang mabangong hininga nya, amoy mint na may halong coffee
"Babe, baka matunaw ako nyan" nakangising sabi nya
Napakurap ako at nagiwas ng tingin "Puro ka kalokohan" sabi ko at napairap
"Walang teacher ngayon, pinatawag ni Dad. May paguusapan daw sila, afternoon pa ang balik nila" sabi nya
"Kaya pala nagyaya kang umuwi" sabi ko at napailing
"Yeah, uwi na muna tayo. Namimiss ko na si baby" bulong nya
Nilingon ko sya at tinaasan ng isang kilay "Ikaw puro ka kalokohan, saan mo ba natutunan yan?"
"Sa mga kaibigan ko" proud na sabi nya na kinairap ko
"Pare-parehas kayo ng mga kaibigan mong sakit ng ulo, paguntugin ko kayong lahat eh" inis na sabi ko at inirapan sya
"Yeah right, babe. That's our education" sabi nya at sumandal sa kinauupuan nya
"Education nasa school, hindi sa mga kaibigan mo" sabi ko
"I know, that's why I'm here" sabi nya at hinalikan ako sa pisngi
Kinurot ko sya sa tagiliran "Tigilan mo ako, Ely. Tatamaan ka sakin"
"Sweet mo talaga, babe" sarkastikong sabi nya
"Umaarte ka ata, Ginoo? Saan mo naman natutunan ang ugaling iyan?" nakangising sabi ko
"Stop that stupid words, babe. It's irritating" sabi nya at tumingin sa labas ng bintana
Natawa ako sa inasal nya at hinalikan sya sa pisngi. Kinuha ko ang libro sa bag at binasa ang part kung saan ako tumigil
"Is that an encyclopedia?"
Umiling ako at pinakita sa kanya ang title ng libro. It's World History, gusto kong pinag-aaralan ang lahat ng bansa kaya nung nakita ko to sa antique store ay binili ko kahit sobrang bigat at kapal
Eto lang ang nagpapabigat sa bag ko pero okay lang, ang ganda kaya ng nilalaman. Kaya favorite ko ang History eh
"It looks so old and dirty"
Masama kong tinignan si Ely at sinimangutan sya "Sama mo, magbasa ka ng English Dictionary at Encyclopedia sa bahay para matuwa ako sayo. Epal" sabi ko at inirapan sya
"I was just joking, babe"
"Joking mo mukha mo, sapakin kita eh" nakasimangot na sabi ko at binalik ang libro sa bag ko
"Babe naman eh......"
"Elyzier Lucas Christopher, hindi mo ako madadaan sa kaartehan mo. Puputulan kita ng dila" sabi ko at inirapan sya
"I'm sorry, babe. I was just joking you" sabi nya at pinatong ang baba nya sa balikat ko
"Babe, please......"
"Ewan ko sayo, puro ka kalokohan" sabi ko
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Queen (AGENT SERIES #2)
Action"No, that's not true!" "Ely, stop it! Hindi na sya babalik!" sigaw ni Dad sakin Napaupo ako sa semento at ginulo ang buhok ko "She promised me, sabi nya magiging okay ang lahat" "Sorry, Ely. Ceylon is already gone, you need to face the truth" sabi n...