Chapter 4

1.5K 30 0
                                    

Ceylon Jasmine's POV

Inisang-tabi ko muna lahat ng problema nang makarating kami ng Baguio "Pagod ka ba?"

Nilingon ko si Ely at umiling "Gutom ako, hindi ako nagbreakfast" sabi ko at napanguso

"Tss. Come here" sabi nya at tinap ang hita nya

Napataas ang isang kilay ko bago lumapit sa kanya. Hinila nya ako paupo sa hita nya at hinalikan sa sentido

"Babe, don't be like this. Masyado kang tahimik" sabi nya

Tama sya, dami ko kasing iniisip eh. Hayst! Nakakastress lalo!

"Babe...."

"Saan ba galing yang babe na yan?"

"That's my endearment to you, babe. Kapag may nanligaw sayo, sabihin mo taken ka na" seryosong sabi nya na kinataas ng kilay ko

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Because I'm your boyfriend. You're mine, babe. If someone will try to lay a finger on you, I'll kill him" sabi nya

Madilim ang mukha nya at galit ang itsura

Napalunok ako at niyakap sya "Ely......wag kang ganyan. Natatakot ako sayo" sabi ko at pilit na wag mautal

"I'm sorry, babe. Let's go outside" mahinang sabi nya

Kumalas ako sa kanya at tinanggal ang braso nya sa bewang ko. Tumayo ako at nagpalit muna. Malamig ang klima, malamang diba. Nasa Baguio kaya kami

****

Napangiti ako at sumampa sa kabayo. Ganun din ang ginawa ni Ely

"Mag-iingat kayo, mga anak" sabi ni Manong

"Okay po, Manong. Salamat" sabi ko at naglakad ang kabayo ng galawin ni Ely ang tali

"Where do you wanna go, babe?" rinig kong bulong nya sa tenga ko

"Kahit saan, basta hindi tayo malalaglag" sabi ko at tinignan ang buong paligid

Ang ganda talaga dito! Naalala ko nung huli akong pumunta dito, para sa misyon. Na hanggang ngayon ay hindi ko masolve

Naiinis ako sa sarili ko nung mga oras na yun kasi ang tanga tanga ko, hindi ko natapos iyon

"Babe...."

Napalingon ako kay Ely na nasa baba na "May ipapakita ako sayo" sabi ni Ely at inalalayan ako pababa

Tinali nya ang kabayo sa puno at inalalayan ako papunta sa isang lugar

Napaawang ang labi ko ng makita kung gano kaganda ang lugar "Wow" tanging nasabi ko at napangiti

Humarap ako kay Ely at niyakap sya "Dapat ikaw ang inu-surprise ko eh kasi birthday mo pero baliktad eh" sabi ko bago kumalas sa kanya

"Your happiness is also mine, babe" sabi nya at hinalikan ako sa noo

Namula ang pisngi ko sa ginawa nya at hinawakan ng mahigpit ang laylayan ng jacket ko

Binaba nya ang mukha nya para magpantay kami at medyo tinaas ang mukha ko "Always remember this, babe. Kahit pa magalit ako sayo, ikaw lang. Wala nang iba" sabi nya na kinangiti ko

"Thank you, Ely" nakangiting sabi ko

"Always welcome, babe" sabi nya

Umupo sya sa damuhan at tinap ang tabi nya. Umupo ako sa tabi nya at ramdam ko na inakbayan nya ako

"Ang ganda" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa papalubog na araw

This is my first time, na makita ang paglubog ng araw. Marami akong childhood days na pinalampas. Masyado akong naging tutok sa training nung bata ako at sa paghahanap kung sinong pumatay sa magulang ko

"Babe....."

Napatingin ako kay Ely at nagulat ako ng punasan nya ang pisngi ko "I hate those tears" sabi nya at hinawakan ang kamay ko

"Sa susunod na umiyak ko, sisiguraduhin kong sa kasal na natin yan" sabi nya

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Napatitig ako sa kanya at napangiti "Ang corny mo" tanging sambit ko at inirapan sya

"Tss. Sweet yun, hindi corny" sabi nya at nag-iwas ng tingin

Hinalikan ko sya sa pisngi at ginulo ang buhok nya "Wag ka na magtampo, joke lang naman eh" sabi ko

Tumingin sya sakin at napabuntong hinga "You're so close to me, babe. Baka hindi ako makapagpigil"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at lumayo sa kanya "Tara na nga, dami mong kalokohan" sabi ko at nauna nang bumalik sa kabayo

****

"Let's eat, babe" sabi nya at nginitian ako

Umupo ako sa stool at tinignan ang mga pagkain. Napanguso ako at tinignan si Ely

"What's wrong?" takang tanong nya

"Allergic ako sa peanuts, Ely" sabi ko

"Oh sh*t, sorry. I forgot"

"Okay lang, gusto kong kumain ng strawberry. Hindi naman akonagugutom" sabi ko

"Are you sure? I'll order something if you want" sabi nya

Umiling ako at nginitian sya. Kinuha ko ang strawberry at chocolate syrup. Yun nalang ang kinain ko at tinignan si Ely na nakatitig sakin

"Bakit?" takang tanong ko

Umiling sya at kumain nalang. Akala ko kung ano na

Nang matapos kami ay hinugasan ko ang pinagkain bago dumiretsyo sa kwarto. Humiga ako sa kama at hininaan ang aircon

Ramdam ko ang paghiga ni Ely sa tabi ko at yinakap nya ang bewang ko "Ely....."

"Yes, babe?"

"Wala lang. Happy Birthday" sabi ko at hinalikan sya sa pisngi

"Thank you, babe" sabi nya at pinikit ang mata nya

"Good night, Ely"

"Good night, babe"

The Bad Boy's Queen (AGENT SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon