Ceylon Jasmine's POV
"Bawal tumambay dito, Ely" sabi ko kay Ely pero patuloy lang sya sa pagkain ng cake
"Just eat, babe. Pake ko kung bawal, hayaan mo silang sitahin tayo. My school, my rules" sabi nya at tinapat sa bibig ko ang kutsara na may cake
"Babe, eat up" sabi nya at nag-smirk
"Elyzier Lucas, kung balak mo akong pagtripan eh tigilan mo na. Baka masapak kita ng wala sa oras"
"Babe, hindi naman eh. Kumain ka na please" parang batang sabi nya at sumimangot
"Che! Hindi ako gutom"
Sumandal ako sa kinauupuan ko at inubos ng laman ng bottled water
"Babe...."
"Ano?" inis na tanong ko
"Kumain ka na please" pagpupumilit nya
Ramdam ko ang pagkagulat ng mga kaibigan nya sa paligid "Sige na, ang kulit mo" sabi ko at tahimik na kumain
"Babe...."
"Hmmm?"
"Ang ganda mo"
Napatingin ako kay Ely at pinaningkitan sya ng mata. Sinalat ko ang noo at leeg nya
"Anong nakain mo at ganyan ang trip mo?" tanong ko at inirapan sya
"Wala, nagsasabi lang ng totoo" nakangiting sabi nya at hinalikan ako sa pisngi
Napailing ako sa ginawa nya at sinubuan sya "Manahimik ka nalang dyan" sabi ko at pinisil ang tungki ng ilong nya
Napakulit talaga ng lalaking to minsan
****
-FEW HOURS PAST-Napakunot ang noo ko at umupo sa malamig na semento. May announcement daw
"Since, malapit na ang Intramurals at alam kong excited na kayo......"
"Ahhhhh!"
"Makikita ko ulit maglaro ang Basketball Team!"
"Wahhh! Si Lucas!"
"Si Patrick!"
"Kyle!"
"Edward!"
"Mark!"
"Ako din excited! Wag kayong tumili ng tumili, maingay masyado!" sigaw ni Hazel
Sya ang Presidente ng Student Council. Maganda si Hazel, matalino at maputi kaya hindi na nakakapagtaka na maraming nanliligaw sa kanya
"Oh! Tama na! Ang iingay nyo! Nasan muna si Ceylon?! May sasabihin yun bago kayo magingay ng bongga!"
Ay oo nga pala!
Agad akong tumayo at mabilis na pumunta sa stage "Gaga ka, kinalimutan mo" sabi ni Hazel habang nakalayo ang mic sa bibig nya
Natawa ako at napangiwi "Sorry" napapahiyang sabi ko
"So yun na nga, pakinggan nyo sya kapag hindi babatukan ko kayong lahat" banta ni Hazel sa kanila bago ibigay sakin ang mic
"Good afternoon, about that. Bago ang intramurals meron tayong Out Reach Program para sa mga batang naulila. I wish all of us will cooperate, may mga shirt na sa SSG Department for free. Konting tulong nalang po at cooperation. Yun lang, Thank you" sabi ko at binalik kay Hazel ang mmic
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Queen (AGENT SERIES #2)
Action"No, that's not true!" "Ely, stop it! Hindi na sya babalik!" sigaw ni Dad sakin Napaupo ako sa semento at ginulo ang buhok ko "She promised me, sabi nya magiging okay ang lahat" "Sorry, Ely. Ceylon is already gone, you need to face the truth" sabi n...