Almost 2

30 1 0
                                    

Pangalawang araw sa training

"Nasaan ka na?  Nandito na ako sa gate,  sabay na tayo pumasok."

Text na natanggap ko mula kay Makki.  Nakakagulat at maaga siyang pumasok ngayon.  Nagbigayan kami ng mga numero kahapon bago umalis kaya naman naitext na ako ni Makki. Hindi lang naman siya humingi ng number ko pati na sila Romel at ang iba at wala namang malisya ang bagay na iyon, para lang iyon sa trabaho at wala ng iba pa.

"Pababa pa lang ako,  mauna ka na kung gusto mo," reply ko nalang dahil baka nakakahiya sa kanya kung hihintayin niya pa ako.

Isa pa ay wala naman kaming usapan na maghihintayan kami sa labas ng gate at wala namang dahilan para gawin namin iyon.

"Hintayin na kita," he replied.

Napatingin ako sa cellphone ko ng maigi at nahawakan iyon ng mahigpit habang binabasa ang mensahe ni Makki.

Napagtanto ko nalang na napapangiti ako mag-isa.

...

"Bakit hinintay mo pa ako?" agad kong tanong nang makababa at makapunta sa gate.

"Wala lang,  mas masaya kaya pag may kasabay," ngiti niya pa.

"Eh di sana sila Romel ang itinext at hinintay mo," salubong na kilay na sagot ko sa kanya.

"Bakit ba ang taray mo?" patawa tawa niyang tanong at pinisil pa ang ilong ko.

Inirapan ko nalang siya sa ginawa niya at inunahan siya maglakad. Narinig ko pa ang mahina niyang paghalakhak sa likod habang sinusundan ako.  Bakit ba ang saya saya niya lagi?

"Woah, can someone explain to me what the hell is this?" napatayo pa si Romel nang makita kaming sabay pumasok ni Makki sa training room.

Iilan palang ang tao dahil maaga pa bago mag-simula ang pangalawang araw ng training, wala pa sila Michael at Ana pero ang iba ay mas nauna sa amin.

"Nagkasabay lang kami sa gate, malisyoso kayo masyado," sagot ko habang ibinababa ang gamit ko.

"Hinintay ko siya," depensa ng isa kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Makki?!" nilakihan ko siya ng mata,  pero tulad ng madalas niyang gawin,  nginingitian niya lang ako at pinpakitaan ng dimples niya.

"Ehem--Ehem--- sinasabi ko na nga ba," nagkunwari pang umubo si Ava para mapansin siya.

"Stop this guys okay? Ang aga aga, " salita ko at umupo na sa upuan.

Ibinaba ni Noel ang paa niyang nakataas sa kabilang upuan at umayos ng puwesto para makatingin sa amin ng diretso.  Una niyang tinignan si Makki sunod ay ako.

"What?" nakasimangot kong tanong.

"Ang obvious niyong dalawa," nakangisi na parang aso si Noel at nakaka-irita iyon.

Tinignan ko lang siya at sinimangutan.

"Crush mo ba si Jill?" direktang tanong ni Ava kay Makki.

Saglit na napatigil si Makki sa paghahanap ng kung ano sa loob ng bag niya at napatingin kay Ava at pagkuwan ay tumingin sa akin. Ngunit hindi siya sumagot at tanging pag-ngiti lang ang nagawa.

Kinabahan ako.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit na-excite ako na malaman ang isasagot niya. Napahinga ako ng malalim matapos iyon tanungin ni Ava.  Sinamaan ko nalang ito ng tingin upang magtigil na.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na naman ang training.  Kung ano anong aktibidad ang pinagawa sa amin tungkol sa team building at kung ano ano pa. Sa totoo lang ay para kaming naglalaro lang, ipinakilala rin sa amin ang ilang produkto ng kumpanya at sinipat iyon isa isa.

Almost a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon