2 years laterYear 2018
Pagkatapos ng ilang buwang pahinga muli akong nakahanap ng trabaho sa isang private company. Masaya ako sa nagaganap sa buhay ko, mabait ang mga kasamahan ko, tuluyan na kaming naging maayos ng boyfriend ko. Pahaging kong nakikita ang mga post ni Makki sa facebook, ngunit hindi na nagkakaroon ng time para magkamustahan pa kami. Siguro nga ay okay na siya at mas ayos na rin naman ako.
Siguro nga hanggang doon nalang ang love story naming dalawa.
Wala ng dadagdag pa at wala ng maibibigay pa.
Na minsan ay pinagtagpo kami at nagbigay ng inspirasyon sa isa't-isa.
Masaya akong nakilala ko siya, hinihiling ko na sana sa susunod naming pagkikita masasabi ko at makikita na nasa ayos na kalagayan na kaming dalawa.--
"Saan tayo kakain?" wala na kaming ibang pinagtalunan ng mga katrabaho ko kundi ang lugar kung saan kami kakain.
"Itry natin diyan sa tapat ng office, ang gagwapo kaya ng mga crew doon," si Aira ang sumagot, alam na alam na niya ang lugar dito kaya naman alam niya din kung saan maraming gwapo.
"Doon na lang sa kabila, mas masarap ang pagkain doon," depensa naman ni Jana.
Gabi na rin, nag over time kami dahil maraming tinatapos kaya naman nagmadali na kami at hindi na nakipagtalo pa si Jana sa gusto ni Aira. Sa tapat kami ng opisina pumunta kung saan sinasabi ni Aira na mga gwapo ang crew. Tama naman siya, mga gwapo nga, siguro ay hindi maaalis ang bagay na iyon kapag sa kainan ka nagtatrabaho, with pleasing personality ang nakalagay sa isa sa mga kategorya sa job description. Minsan ay nagtataka ako, bakit? Hindi pa puwedeng magserve ang hindi maiitsura? Nasaan ang hustisya?
Umupo kami malapit sa counter para mabilis na maserve ang pagkain. Si Aira ang umorder ng pagkain, gustong gusto niya talaga kausapin ang mga sinasabi niyang mga gwapong crew.
"Bakit ganito may dugo pa yung manok," nakakainis lang sa ganitong kainan minsan ay hindi pulido ang pagkaluto.
"Papalitan natin 'to," salita ko ulit.
"Puwede pa ba yan papalitan?" tanong ni Jana "..ang dami ko na kayang nabawas."
"Puwede yan," sagot ko saka tumayo at tumawag ng crew.
"Ano po iyon ma'am?" tanong ng lalaking lumapit.
"Puwede bang pakipalitan itong manok namin? May dugo pa kase, hindi namin makain ng maayos," reklamo ko, sayang ang binayad namin kung hindi rin lang maganda ang serbisyo.
"Okay po ma'am, sabihin ko po sa coordinator namin. Wait lang po, papalitan namin," mabuti nalang at mabait siya, at tama si Aira maiitsura nga ang mga crew dito.
"Okay thank you."
"Akala ko ba nagmamadali tayo? Pinapalitan pa talaga natin," natatawa na sabi ni Jana.
"Saglit lang naman iyan, atleast makakain mo ulit buo," pabiro ko pang sabi na ikinatawa nila.
Ilang minuto ay dumating na ang pagkain namin pero nagtaka ako dahil dalawa lang iyon, kila Jana at Aira lang at wala ang sa akin.
"Wait, nasaan yung sa akin?" tanong ko sa crew na nagdala.
"Marami daw pong bawas yung sa inyo ma'am, bumili nalang daw po kayo ng bago."
Naningkit ang mata ko sa narinig, di hamak na mas marami ang bawas ng kila Jana kesa sa akin. Niloloko yata ako ng mga ito. Tinawanan pa ako nila Aira, mga walang pakisama.
BINABASA MO ANG
Almost a Love Story
General FictionVery nearly but not entirely We were almost there It's -- Almost a Love Story