Almost 4

31 1 0
                                    

Muntikan pa akong ma-late sa unang araw ng pagpasok ko, mabuti nalang at nagawa kong mabilisan ang pag-aayos ko.

Kinakabahan akong pumunta sa departamento ko sampung minuto bago ang oras ng trabaho. Magalang akong bumati sa mga taong nakita ko na tingin ko ay mga nakakataas sa puwesto. Mainit ang pagsalubong na ginawa nila, mabilis na ipinaliwanag ang dapat kong gawin, ang oras ng lunch break at ang lahat ng bagay na gagawin ko sa maghapon.

Ipinakilala isa isa sa akin ang mga makakasama ko. Mabuti nalang at mukha naman silang mababait at mukhang makakasundo ko.

"Are you ready?" tanong sa akin ni Ma'am Jen, isa sa mga bisor sa napuntahan kong puwesto.

"Yes ma'am," tango ko.

Kinakabahan ako. Nakakakaba parin pala sa unang araw kahit na marami na akong naasukang kumpanya.

"Dadalhin na kita sa magiging puwesto mo, kanina ka pa hinihintay ng magiging partner mo."

"Ah, meron po pala akong magiging partner?"

"Yes, don't worry babae naman yun at sigurado naman akong magkakasundo kayo."

Tumango nalang ako at sumunod sa tinahak niyang daan. Malayo layo rin ang nilakad namin, patunay na malaki talaga masyado ang kumpanya. Nadaanan ko ang iba naming kasamahan sa training, nagsisimula na rin sila at tutok na tutok sa ginagawa nila. Nakakatuwa sila pagmasdan.

Nang makarating kami sa puwesto ay bumungad sa akin ang babaeng tingin ko ay kasing edad ko lang. Agad siyang bumati sa akin na ikinatuwa ko.

"Okay Jill, this is Yana siya ang magiging partner mo," pakilala ni Ma'am Jen pero mabilis na sumagot si Yana.

"No Ma'am Jen, nagka-palitan po kasi bigla kaya hindi na ako ang makakasama niya."

Nagulat ako pati na ang sinabihan. "Eh sino?"

"Siya," saka itinuro ang taong nasa likuran ko.

And from there, a tall man was standing with his signature playful smile.

Makki Rosario is going to be my partner.

What a rude coincidence.

---

"What are you smiling at?" mataas na tono kong tanong dahil kanina pa tuwang tuwa ang lalaking ito sa tabi ko.

"Wala, hindi ka ba natutuwa? Magkakasama tayo lagi, tayo lang at walang iba."

Napailing nalang ako sa kung ano anong lumalabas sa bibig niya.

Same cycle, same routine. Sabay kami kumain, sabay kami umuwi, nakakapagkuwentuhan ng tungkol sa mga buhay buhay at hindi ko alam habang tumatagal ay parang--

parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya.

1 month later

Ang bilis ng panahon, naalala ko buwan ng Nobyembre nang mag apply kami sa kumpanya na ito ngayon ay Christmas Party na. Kahit na magkakahiwalay kami ng departamento, napagkasunduan naming magkakabatch na magsama sama sa Christmas Party at tulad ng inaasahan makakasama namin si Makki.

Ilang linggo na rin ang lumipas nang mapagdesisyunan ko na umiwas sa kanya. Kahit na magkasama kami sa trabaho ay minabuti kong hindi madalas na makipag-usap sa kanya at kung minsan ay hindi narin ako sumasabay sa pagkain at pag uwi. Siya lang ang laging nangungulit. Ayoko lumala ang sitwasyon namin na tipong mahuhulog na kami sa isa't isa at baka humantong pa sa pang-iiwan namin sa mga taong una naming minahal.

Ayoko sumira ng relasyon at ayoko ring masira ang relasyon na binuo ko kahit na hindi ko alam kung relasyon nga ba iyon.

Pero ngayon ay magsasama na naman kami, at hindi kami puwedeng hindi mag-usap dahil mapapansin iyon ng mga kasamahan namin, mahirap na at baka gumawa na naman sila ng tsismis.

Almost a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon