Chapter 8

36 0 0
                                    

Chapter 8. Chad is mine.

<Chad's POV>

*yawn!* ah, good morning sunshine! I woke up feeling the warm sunshine on my face. It's great waking up knowing that you love a girl who also loves you in return.

Buong weekend sya lang ang iniisip ko, I miss her so much, hindi na kasi kami nag kita after ng party eh, to days lang kaming hindi nagkasama pero parang ang tagal-tagal na. Haist, I can't help thinking aboout her. From now on she would be my inspiration, she would be the reason for all the efforts that I will exert.

Buti nalang monday na ngayon, magkikita na kami ulit. Yes! Nag madali na akong mag prepare sa pag pasok sa school. 10am pa kami pinapapasok, mag gegeneral cleaning kai ngayon sa school, gawa nga ng nag daang party, semi private lang kasi ang school namin kaya naman required pa din kaming mag linis.

Pero dahil sobrang excited ako na makasama sya, 9 palang ay pumasok na agad ako.

Alam ko kasi na maaga syang papasok sa school gawa nga ng pagiging officer nya marami daw syang kailangang asikasuhin, vice-president kasi sya ng klase. Alam ko makikita ko sya sa faculty kaya nag diretso na ako dun.

Hindi naman ako nabigo, pag dating ko sa faculty ay nakita ko agad syang kausap ng teacher namin halatang seryoso ang pinaguusapan nila kaya nag antay nalang muna ako sa labas, ayoko din kasing makaabala.

Napansin ko na unti-unti na ding nag dadatingan ang mga estudyante, wala akong nakikitang naka uniform kasi bago matapos ang party ay inannounce na ang general cleaning ngayong monday.

Pero ano ba naman tong mga toh, kala mo mag paparty ulit. Naka porma pa din kasi sila kahit na alam naman nilang mag lilinis ngayon. Aba! May nakita pa ako na mga nakadress at make-up. Argh! Ayoko talaga sa mga maarteng babae. buti pa si Mitch my love, simple lang pero sobrang ganda.

Sinilip ko ulit si Mitch sa loob ng faculty, seryoso pa din silang nag uusap ng adviser namin. Wow, ang ganda-ganda nya talaga. Naka jogging pants lang naman sya saka naka t-shirt pero angat pa din ang ganda nya, hindi nya kailangan pang mag effort pa. Napapatulala talaga ako pag tinititigan ko sya.

"Excuse me." I snapped back, nung may nag excuse sakin, hindi ko kasi napansin na nakaharang na pala ako sa may pinto.

"oh sorry." tapos ay tumabi ako ng konti, without taking my eyes off Mitch.

naramdaman ko naman na dumaan na sa tabi ko yung girl na nag excuse, tiningnan ko pa din si Mitch pero biglang nawala ang focus ko sa kanya ng may humarang na girl sa paningin ko.

Wow, ang sexy nya naman! Napansin ko agad ang maganda nyang legs, nakasuot kasi sya ng shorts, ang puti-puti nya. Grabe, makalaglag panga ang kasexyhan nya. Sino kaya sya? Para kasing ngayon ko lang sya nakita eh.

Parang slow motion na humarap sya sakin.

"oh, hi chad!" she looks so familiar. She greeted me with the most beautiful smile I have ever seen in my life. Is that? Hang on! She cut her hair short and it suited her.

She looks stunning, kahit na nakakapanibago ang itsura nya ngayon, parang mas lalo lang nadagdagan ang ganda nya. Parang gusto ko lang syang titigan maghapon.

"H-Hi Saika!" Argh! I hate my self for stammering.

Napansin ko na lalo syang napangiti sa inasal ko, mag sasalita pa sana ako para makabawi pero tumalikod na agad sya sakin.

Wow, parang gusto ko syang pigilan at pabalikin ulit sa harap ko. San kaya ako pwedeng kumuha ang picture nya? Yun nalang ang tititigan ko.

Huwat?! Chad! Wake up! Ano bang nang yayari sakin? Nakita ko lang si Saika, kung anu-ano na agad ang pumasok sa isip ko! argh!

What lies beneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon