Chapter 13

30 0 0
                                    

Chapter 13. PAPA JACK

<Mitch's POV>

"he broke up with me." napasinghap sya nung marinig nya ang sinabi ko.

nandito ulit kami sa hide out naming dalawa. Sa Motel. Oh, wag kayong mag iiisip ng kung ano, wala kaming ginagawang masama/ Pag nandito kami, puro kwentuhan ang ginagawa namin, hindi ko lang alam kung bakit dito nya napiling mag hide out. Ang alam ko lang sa tuwing kailangan ko sya. palagi syang nanjan.

Naalala ko yung unang beses ko syang nakilala, lunes nun clean up day namin, umalis ako sa room kasi nakita ko si Saika ng hinalikan si Chad sa pisngi, inatake ako nun ng matinding selos, sino ba namang hindi mag seselos kapag nakita nilang hinalikan ng ibang babae ang bf nila, to think na bestfriend mo pa.

Nung mga panahoong iyon pumunta ako sa likod ng gym para mag labas ng sama ng loob, ehem! hindi po ako mag babawas ah, umiiyak ako nun.

Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin nun. Wala na din sana akong balak na bumalik sa room.

"Are you ok miss." nagulat ako nung biglang may magsalita sa likuaran ko.

"Who are you?" oh, kala nyo mag kukwento ako agad noh? asa! palagi ko kayang sinusunod ang sinasabi ng parent ko na 'don't talk to strangers'.

Nakahanda na akong umalis nun, kasi napansin ko din na mejo nasa tago kaming lugar, kung may babalakin syang gawin sakin ay madali nya lang itong gagawin.

"Come on, tell me, I'll be your Papa Jack." nakit ko sayng naupo dun sa may damuhan.

Nag bibiro ba tong isang toh? Papa Jack? Eh diba DJ yun sa radio? Lakas naman ng trip ng isang to.

Hindi ko din alam kung anong tumatakbo sa isip ko, siguro out of desperation, kailangan ko kasi talaga ng makakausap nung mga sandaling yun.

Ikinuwento ko sa kanya na nakita kong hinalikan ng bestfriend ko ang boyfriend ko sa cheeks, tahimik lang sya habang nag kukwento ako, hinahayaan nya lang akong sabihin ang gusto ko.

Nung matapos akong magkwento ay gumaan naman ang pakiramdam ko. Hindi pa din sya nag salita, sa halip ay inabutan nya ako ng panyo. Saglit na katahimikan ang namagitan samin, bago sya mag salita.

"Do you trust your bestfriend?" out of the blue ay itinanong nya yan.

"Yes ofcourse." mabilis kong sagot sa kanya dahil yan naman ang totoo.

"Good. Now, do you trust your boyfriend?" napatigil ako sa tanong nya, parang pakiramdam ko nakonsyensya ako bigla. Dapat ay may tiwala ako sa kanilang dalawa, pero eto ako nag papaapekto sa selos.

"Y-Yes." hindi na dapat ako nag walk out.

"If you trust them both, siguro dapat pabalik ka na ngayon, I'm sure nag aalala na ang mga yun sayo kasi bigla kang umalis." after nyang sabihin yun ay hindi na ako nag dalawang isip at bumalik na agad sa room.

Akala ko nun ay hindi ko na sya makikita ulit, pero ilang araw lang ang lumipas ay muli syang nag pakita sakin.

Nakatambay ako nun sa labas ng bahay namin, mejo masama kasi ang loob ko nun kaya gusto ko sanang mag isip-isip muna.

"Oh baka malunod ka, sobrang lalim naman ng iniisip mo." hindi ko napansin ang kotseng huminto sa harapan ko. And as expected sya nga ang nag salita.

"Papa Jack, what are you doing here?" nag tataka ako sa kanya, paano nya kaya nalaman kung saan ako nakatira?

"Naramdaman kasi ng instinct ko na kailangan mo ng makakausap ngayon. Sakay na." ang cool nya nun. I don't know what, but their's something about him that makes me want to trust him.

What lies beneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon