Chapter 1

107 0 0
                                    

chapter 1 Meet MY Prince

<Saika's POV>

"Circuit-switched networks and packet-switched networks have traditionally occupied different spaces within corporations. Circuit-switched networks were used for phone calls and packet-switched networks handled data. But because of the reach of phone lines and the efficiency and low cost of data networks, the two technologies have shared chores for years." tuloy-tuloy na sabi ng prof namin.

nakatunganga lang ako, nagpapanggap na nakikinig sa kung ano mang sinasabi ng prof namin, na binabasa niya lang naman. hay nako, if I know hindi nya din naiintindihan yung lecture, so i see no reason to listen to him. He's not worth my attention and he's also wasting my precious time. well, yeah, yan ang tumatakbo sa isip ko sa ngayon. maldita ba? wala kayong paki!

pero syempre joke lang, nagkukwento nga ako para maintindihan nyo ako eh.

"ok, are there anymore questions?" tanong ni sir sa klase. "that's all for today, see you next meeting" sabi nya nung walang naglakas loob na mag tanong.

*kulbit* napatigil lang ang pag iisip ko ng may maramdaman akong kumulbit sakin. sino naman kaya tong abalang to?

"uy, saika sabay tayong maglunch." ahh. yung bestfriend kuno ko lang pala na si mitch. bakit bestfriend kuno? simple lang, kasi hindi ko naman talaga feel na maging bestfriend sya, napilitan lang ako kasi mas maganda sa image ko kung may bestfriend akong mabait, masipag at mahinhin.

bago humarap sa kanya, i prepared the sweetest smile on my face "oh sure mitch, mag bestfriend tayo eh."

ngumiti sya sakin tapos sabay na kaming naglakad, sa tingin ng iba bagay na bagay daw kaming mag bestfriend kasi pareho daw kami ng personality, everybody likes us. everytime na magkakaron ng botohan, hindi maari na hindi kami manonominate na dalawa. Palagi din kaming pinag cocompare, sino daw mas maganda, mas mabait, mas matalino. like hello? tinatanong pa ba yon? syempre ako, ako at ako lang. may papalag? dalhin kita sa kabilang mundo, gusto mo?

ayun na nga, nagpunta na kami sa canteen. As ussual, all eyes turned towards us, well sino ba naman ang hindi mapapalingon eh dalawang model students ang makikita nilang magkasama, not to mention we're blessing them with our exceptional beauty, mala dyosa lang. XD

Habang kumakain todo kwento si Mitch sakin. like I care? pero syempre kunyari interesado ako sa mga sinasabi nya, duh! pati ba naman pag kakamot ng aso nila ikukwento sakin, eh ano namang paki ko dun diba? 

Nabalik lang ako sa sarili ng marinig ko yung dalawang girls sa likod ko na nag uusap na parang kilig na kilig. "neng, nakita mo ba yung dumaan kanina?" sabi ni talandi one. "ahh. oo neng! grabe ang pogi no? hanuh beeehh? kinikilig ako!" sagot naman ni talandi two.

Hay naku! nakakairita lang tong dalawang to. hmmm. pero sino kaya yung tinutukoy nila na pogi? nevermind, sigurado isa lang yun sa mga manliligaw ko. bwahaha. 

"uy! saika! nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" nagulat ako ng tawagin ako ni mitch.

"ahh. sorry. ano na nga ulit yung kinukwento mo?" at ayun pinagpatuloy na nga nya ang pagkukwento. -____- borriiiing!

Nang matapos na kaming kumain, nag yaya ako agad na bumalik sa room, bukod sa dahil ayaw kong malate, eh nananakit na din ang tenga ko sa unli kwento ni Witch, ah i mean Mitch pala.

Umupo na agad ako sa desk ko, good thing, letter C nag iistart ang surname ko, R meaning Repe, malayo kay Mitch na Legaspi naman ang apilyido, alphabetical kasi ang seating arrangement namin.

Saglit nalang kaming ang antay at agad na ding dumating yung prof namin. "Class before we start with our discussion, I would first like to introduce you to your new classmate." salubong agad samin ni maam.

Normally walang akong pakialam sa mga sinasabi nya, pero this time full attention ko ang ibinigay ko sa kanya, kasunod kasi ng pagpasok nya sa room ay pumasok na din ang lalaking magpapaligaya sa buhay ko, isang napaka gwapong nilalang na hindi lang umabot sa standards ko, kundi lumagpas tinapaktapakan at tinawanan pa ito. ok, OA na, pero promise gwapo talaga sya. The moment I saw him, he already had me claiming his name as mine. As in akin, pati katawan at buto-buto nya ay akin. walang aagaw kasi sya ay capital M-I-N-E akin!

"introduce yourself to your classmates" utos sa kanya ni maam.

"Hi! I'm Chad Jimenez" pakilala ng pag ibig ko. So, Chad Jimenez pala ang pangalan ng mapapangasawa ko. hmm. Mrs. Saika jimenez, wow bagay talaga kami, pati apilyido nya bagay sa name ko. 

>>>>epal lang muna si author, ah opo yung Chad jimenez kuha ko po sa Diary ng panget ni haveyouseenthisgirl. i love that story kasi<<<<

"I am a transfer student from XXXX high school, since its my first day in this school, I hope to find new friends here." oh sure my prince, hindi lang friends ang matatagpuan mo dito, dahil oras na makilala mo ako matatagpuan mo na din ang soulmate mo.

"Mr. Jimenez, go sit next to ms. Repe, since she is the class president I'm sure she is very much willing to tour you around the campus, is it ok with you ms. Jimenez?" bwahaha! pag sinuswerte ka nga naman, simula palang pinaglalapit na agad kami ng tadhana. Pero syempre ayoko namang ipahalata kay Chad na may gusto ako sa kanya, kaya ngumiti lang ako ng bahagya. I just him just a simple smile, but I'm sure I saw how his eyes glittered when he looked at me.

"Yes maam, no problem." Sagot ko naman kay maam, habang nakatingin pa din kay Chad. Naupo na agad sya sa tabi ko, ng matitigan ko sya sa malapitan lalo kong napatunayan kung gaano talaga syang ka hot. "Hi! I'm Saika, I can be your first friend here in our school." pakilala ko sa kanya ng may halong pagpapacute.

"It's so nice to meet you Saika." Then he smiled. OMG he actually smiled. shomai! nalaglag ata ang puso, atay at pati balun-balunan ko dahil sa ngiti nya.

Nahiya naman ako ng mapansin ko na makatitig na pala ako sa kanya, kaya agad akong timingin sa prof namin na nag sisimula na palang mag discuss. hala ni hindi ko manlang napansin na nag sisimula na pala ang klase. Ang gwapo kasi ng prinsipe ko eh. XD

borrred nanaman ako. -__________-  

haist. kahit pala katabi mo ang soulmate mo mabobored ka pa din basta nag simula ng mag discuss tong teacher na to. 

5 mins before uwian............

4 mins................

2 mins........ huwaahh! bakit ang tgal ng oras?

1 min and 16 seconds..... ampupu! pati seconds binilang  na?

*rrrriiiiinnnnngggg* oh yung bell po yan na nag ring, pasensya boplaks pa ang author sa mga sound effect eh. Yes! sa wakas uwian na. pwede ko na ulit kausapin ang prinsipe ko.

Lumingon ako sa kanya para kausapin sya, pero nagulat ako ng mahuli ko na nakatiitig sya sakin. OH EM! kilig ang lola nyo. By the looks of it mukang inantay nya din ang bell para makausap nya na ako. ok, assuming na kung assuming pero feel ko talaga we're meant to be.

"uhm. Saika, kailan mo nga pala ako maitutour?" tanong nya sakin. My prince, kahit ngayon na itutour kita sa puso ko. wahaha. pero hindi, kailangan magpakipot effect muna ako.

"Bukas na ng umaga Chad, mag kita nalang tayo" oha! First name basis na agad kami. Kami na close. hah! nakikita ko ang mga classmates namin na nakatingin lang samin, I'm sure naiinggit sila kasi close na agad kami. Mamatay kayo sa inggit, kasi akin na sya. Bwahaha *evil laugh*

"Ganon ba? ok sige. Its a date. Uuwi ka na ba? sabay na tayo?" pag yakag nya sakin. pakiramdam ko I'm the luckiest girl in school, isipin nyo seatmate ko na nga sya, kasabay ko pa syang umuwi. pero hanggang gate lang, kasi opposite directions pala yung uuwian namin. Sayang. Di bale, ok lang kasi makuha ko naman ang number nya. oh, di ko to hiningi ah, kasi nga kailangan may communication kami para di kami mahirapang magkita bukas, hindi ako defensive, nagpapaliwanag lang.

at ano ulit ang sabi nya? "Its a date" Oh my! I have a date tomorrow! I'm so happy. Excited na ako!

What lies beneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon