Chapter 12

23 0 0
                                    

Chapter 12. This is my revenge.

<Saika's POV>

Mabilis na lumipas ang araw, nagising nalang ako na nandito na ang pinakahihintay ko. Malapit ko ng makamit ang pag hihiganting inaasam ko. Ngayon ko maipakikita sa kanila kung anong kaya kong gawin.

Sinadya kong pumasok ng maaga sa school para abangan ang pagdating ni Mitch. Ilang minuto din akong naghintay bago ko sya makitang dumating.

"Hi Mitch, kamusta?" bati ko agad sa kanya. Ako na plastic. Ako na talaga! wahahaha!!

"Oh, S-saika, a-ayos naman, ikaw ba?" hindi sya makatingin ng ayos sakin, siguro ramdam nyang may masama akong balak. Ano namang paki ko? Kahit naman malaman nya ang plano ko ay wala na syang magagawa pa tungkol dito.

"I'm fine, actually masaya nga ako ngayon." oo, masaya ako ngayon, kasi nag sisimula na ang pag ganti ko.

"G-ganon ba? B-bakit ka naman masaya bestfriend?" bestfriend? Ang lakas naman ng loob nyang tawagin akong bestfriend.

"Uhm. Let's see, siguro kasi finally makukuha ko na ang gusto ko, BESTFRIEND." binigkas ko ang salitang bestfriend ng may diin saka ako tumalikod sa kanya, tama yan Mitch matakot ka, kasi yan nalang ang pwede mong gawin.

Nauna na akong pumasok sa room, may mangilan ngilan na din akong mga classmates na nandun. sakto, kasi sila yung mga classmates ko na mga chismosa.

"Uy, Saika kamusta ang date nyo ni Chad?" tss. Date?

"Huh? Anong date ang sinasabi nyo?" alam ko namang ang tinutukoy nila ay yung pagpunta ko sa bahay ni Chad last Saturday.

"Ikaw naman, wag ka ng mag lihim, alam naman namin na nag kita kayo ni Chad nung sabado eh. So, anong nangyari?" pangungulit pa nila. hmmm.

"Ano ba kayo? Nag meeting lang kami ni Chad nun. Wag nga kayong mag isip ng iba jan." sabi ko sa kanila na may halong kilig. Nag hagikhikan naman sila sa sinabi ko.

"Masyado ka namang showbiz Saika." sabay siko sakin nung isa. Err. Feeling close teh?

"Uy, speaking of chismis, alam nyo ba nakita ko si Mitch nung isang araw na bumaba sa kotse kasama ang isang guy dun sa tapat ng motel?" sabad naman ng isa. Wow, mukang magandang chismis ang hatid ng isang to ah. May silbi din pala sila kahit paminsan minsan.

"Ano? Nakita mo ba silang pumasok sa loob?" pag usyoso ng isang, hindi na muna ako sumasabat.

"Hindi ko nakita pero sigurado dun sila pupunta, wala namang ibang establishments na malapit  dun eh." sabi nung girl na nag kukwento.

"Teka, teka di kaya sya din yung nakitang kasama ni Mitch dun sa likod ng gym?" sabi nung isa pang chismosa.

"OMG!! Don't tell me they also did IT in the gym?!" napapangiti lang ako habang nag uusap sila.

"So Mitch is a B_TCH?! Gosh! I can't believe it!!"

"She's disgusting!!"

"So shameful!!"

tuloy-tuloy pa sila sa pag sasabi ng kung ano-anong mga bagay tungkol kay Mitch.

"Ikaw Saika, tingin mo ba ginagawa talaga ni Mitch YUN?" baling naman sakin nung isa.

"Uhm, ang totoo hindi ko alam. Pero kung totoo man yang sinasabi nyo, hindi ba parang kawawa naman si Chad? kasi pinagtataksilan sya ni Mitch." pinakita ko na parang concerned talaga ako kay Chad, at muka namang kinagat ito ng mga classmates ko.

"Oo nga tama ka Saika."

"dapat kayo nalang ni Chad eh."

"Tama! Kasi siguradong hindi mo sasaktan si Chad." hindi sasaktan? ASA!!

What lies beneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon