Chapter 6

40 1 1
                                    

Chapter 6.  I WANT TO FORGET

<Saika's POV>

"I love you MITCH. WILL YOU BE MY GIRL?"

"Yes Chad, I'll be your girlfriend and I love you too!"

Pagkarinig ko nyan ay agad na akong umalis sa party. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko na din alam kung ano bang dapat kong isipin.

Ni sa panaginip, hindi ko naisip na posibleng mangyari ang ganito, pakiramdam ko pinag taksilan nila ako. Si Chad, si Mitch at pati na rin lahat ng nakakaalam ng tungkol sa kanilang dalawa. Bakit wala manlang nag sabi sakin na magiging sila pala. Wala manlang babala.

Parang gustong gumuho ng mundo ko. Hindi ko alam kung paano kong pupulutin isa-isa ang mga piraso ng puso ko.

Halos hindi ko pa maabsorb ang mga nangyari, pero ngayon palang ramdam ko na ang sakit, ngayon palang gusto ko ng kalimutan ang lahat.

Tuloy-tuloy lang ako sa pag lalakad, hindi ko alam kung saan ako makakarating, hindi ko na din pinapansin ang mga taong pinagtitinginan ako, umiiyak kasi ako habang naglalakad ng mabilis. Na parang may gusto akong takasan sa lugar na pinanggalingan ko, pero alam ko na kahit gaano pang kabilis ang lakad ko, hinding hindi mabubura ang katotohanan na ang best friend ko at ang taong gusto ang naging mag-on.

Hindi ba dapat ako yun? Dapat talaga ako yun eh! baka naman nag kaka mali lang ako  ng dinig.

"I love you MITCH. WILL YOU BE MY GIRL?"

"Yes Chad, I'll be your girlfriend and I love you too!"

Pero totoo eh. Dinig na dinig ko. HUHUHU! Wala na akong pakialam kahit pa pagtinginan ako ng mga tao, iiyak ako hanggang gusto.

Sabi nila, posible daw na makalimutan ang problema. Paano nga ba yun? Paano nga ba?

ALAk! tama, ayoko ng isipin ang sakit na dinanas ko. Gusto kong makalimot! sobrang sakit talaga! Sh*t lang!

Nang maisip ko yun, nag hanap ako agad ng bar. Alam ko na bawal pumasok ang mga minor dun, pero wala akong pakialam! Hindi nila ako mapipigilan.

Hindi naman ako nahirapang maghanap, dahil sunod-sunod naman ang mga bar malapit sa school namin. Agad din akong nakapasok kasi muka namang wala talagang pakialam ang mga tao sa bar kung may minor man na makapasok.

Mejo maraming tao sa bar, pero dire-diretso pa din ako sa pag lakad, wala akong pakialam kung may mabangga man ako, nakahanap naman ako ng table kaya dimeresto na ako dun. Nilapitan naman ako ng isang waiter.

"What can I get you ma'am?"

"Just give me a bottle of tequila, then leave me alone." Mukang nagulat naman ang waiter sa pag susungit ko, kaya agad na itong umalis para maiserve ang order ko.

Ang totoo, hindi naman talaga ako umiinom, hindi ko din alam kung anong bang klase ng alak ang tequila, narinig ko lang kasi yun sa mga classmate ko eh. Pero ang sabi nila, mabilis daw makalasing yun kaya yun ang inorder ko.

"One bottle of tequila for you ma'am." Sabi sakin ng waiter.

Tinginan ko lang yung ibinigay nya. Maliit na bote lang ito, sa tabi ay may kasama ng baso, lemon at something na powder sa tingin ko ay asin.

"Thank you." Sabi ko sa waiter, hindi ko ipinahahalata na hindi ko talaga alam kung paano iinumin yung ibinigay nya sakin.

Umalis na din naman sya, siguro naalala nya yung  sinabi kong 'Leave me alone', kaya hindi na sya nag tagal pa.

Parang lalo kong gustong mabad trip ngayon. What the?! Alam mo yung feeling na gusto mong uminon pero hindi mo naman alam kung paano? eto yun. Bad trip naman oh!

What lies beneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon