I

42 2 2
                                    

I

IKA-LABING PITO ng Hunyo ng huli kong nakita ang aking kapatid at mga magulang. Ako ay siyam na taon gulang pa lamang ng mga panahon na iyon. Sinabihan ako ng aking Ama na magtago muna sa loob ng maliit na kwarto sa ilalim ng aming hagdan ng araw na 'yon. Sa kadahilanan na darating daw ang Black Order sa bahay namin. Dahil ako ay musmos pa lamang hindi ko ito naintindihan. Naghahanap raw ito ng mga bagong kabataan na tuturuan nilang lumaban. Ayun lamang ang sinabi sa akin ng aking Ina bago ako binuhat papunta sa may pinto ng hagdan.

"Dale, anak. Huwag kang lalabas 'dyan ah?" pinagmasdan ko kung paano tumulo ang pawis ng aking Ama sa kanyang noo hanggang umabot ito sa kaniyang pisngi.

Nginitian lamang ako ng akin Ina. Ngunit pakiramdam ko ay kinakabahan ito sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kasabay nito ang pagyuko 'nya at humarap sa akin. Hinalikan 'nya ako sa noo at sinabihan na mahal na mahal nila ako. At hangga't buhay sila proprotektahan nila ako.

Hindi ko 'man ito maintindihan pero pakiwari'y ko ay hindi maganda ang susunod na magyayari. Tinitigan ko lang' ang aking Ina habang ito ay tumayo at iniwan kaming dalawa ng aking Ama.

"Pa, ano meron?" inosente 'kong tinignan ang aking Ama, na ngayon ay nanginginig.

"Alagaan mo ang sarili mo, Dale, anak," hinalikan din ako ng aking Ama sa noo na kinagulat ko. Bihira nya ito gawin sa akin dahil hindi ito marunong magpakita ng pagmamahal.

"Bakit-" bago pa ako makapagsalita isinara na ng aking Ama ang maliit na pinto sa harapan ko.

"Pa? Ma?" saad ko. Maliit ang kwarto at mayroon itong maliit na ilaw sa kaliwang bahagi nito. Marahan kong binuksan ang pinto, agad naman itong sumara na kinataka ko.

"Dale, please. 'Wag ka muna makulit, okay?" narinig ko ang pagod na boses ng aking nakakatandang kapatid na babae sa kabila ng pinto.

"Ano 'bang nangyayari, Ate?" saad ko. Nagtangka muli akong buksan ang pinto. Ngunit para itong naka-kandado mula sa labas.

"Ate?"

"Ssh."

Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto sa labas mula sa aking kinaroroonan. Para 'bang ito ay sinipa ng  'sadya. Dahil sa gulat napaupo ako.

"Sht."

Dinikit ko ang aking tainga sa pinto upang marinig ng maiigi ang nangyayari. Sunod-sunod akong nakarinig ng basag na salamin, naglalakihang mga yabag ng paa at isang tunog na ngayon ko lang narinig..

tatlong putok ng baril.

"Ano yun, Ate?" kinabahan ako bigla. Dahil noon alam ko na masama ang mga taong may mga baril, turo sa akin ng aking Ina. Naghintay ako ng sagot mula sa nakakatanda kong kapatid, ngunit walang natanggap.

"Dale, makinig ka mabuti-"

Nakarinig ako ng matinis na sigaw ng babae. Ang aking Ina.

"Dale, sht. Makinig ka," bakas sa boses nito na ito ay nagulat at malapit na itong umiyak. Nakaramdaman ako ng tulo ng pawis sa aking pisngi.

Ngunit nagkamali ako. Nagmula ito sa aking mga mata. Hindi ko 'man alam ang nangyayari sa labas. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng isang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.

War Child: The First WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon