IV
PINAGTITINGINAN kami ng ilang tao habang pababa kami ng hagdan. Nilingon 'ko pa sila Patrick para makasiguro na sumusunod sila sa akin. Pagkalapit namin kay Ms. Dalla bakas sa mukha nya na kinakabahan sya at parang may kung ano na nakabara sa lalamunan nya.
Bago pa ibuka ni Ms. Dalla ang bibig nya. Lumingon kami sa tatlong lalaki na papalapit sa amin. Sina Sir. Leon at dalawa pang lalaki na ngayon 'ko lamang nakita. Siguro ay sila ang sinasabi ni Ms. Dalla na laging kasama ni Sir. Leon ngunit bakit hindi 'ko sila kilala.
"Ms. Dalla," tumingin si Sir. Leon kay Ms. Dalla at nagbigay ng galang. Ganoon din kami.
"Mabuti pa ay umalis na kayo dito," madiin na pagkakasabi nito. Kasabay ng paglingon sa akin. Napayuko ako dahil sa tensyon.
Ngayon 'ko lamang napansin na nagkakagulo na naman ang mga tao. Hindi dahil sa katulad kanina, ngayon ay nagkakagulo sila dahil sumagap na ang balita na may mga kalaban na nakapasok sa syudad ng Anastacia. Napakamot ako ng ulo. Ano ang dapat namin gawin. Naiinis ako sa mga nangyayari.
"Sir. Leon," napatingin ito sa akin. "Ano na po ang nangyayari sa labas?" dinig sa boses 'ko ang determinasyon na tumulong.
Kilala ako ni Sir. Leon hindi ako basta-basta na isang War Child lamang at hindi porket ay nasa mababang antas kami ng group letter ay wala na kaming karapatan mangielam.
"Vince," sumuko na lamang ito at tumingin sa paligid. Bumuntong hininga ito at humarap sa amin.
"Ikaw at si Patrick sumama kayo sa amin," turo nya sa amin ni Patrick. "Quinn at Yael sumama kayo kay Ms. Dalla i-assist nyo ang ibang tao palabas ng gymnasium," binaling nya ang tingin sa akin.
"Pagkalipas ng isang oras ay pumunta kayo sa likod ng training grounds," seryoso nyang sabi kala Quinn at Yael.
Nakita 'ko sa mga mukha nito ang bakas ng pagkagulat. Kahit ako ay nagulat. Alam 'ko ang kakayahan ng dalawang ito dahil isa ako sa mga nagturo sa kanila ng mga panahon na walang tumulong sa amin kung paano lumaban. Magaling sila pareho lalo na sa taguan.
Nakita 'ko na tumaas ang gilid ng labi ni Yael. "You know, Sir," nakita 'ko sa mukha nya ang determinasyon. "It's about fucking time," nag-apir sina Quinn at Yael.
Ngumisi na lamang si Sir. Leon at umiling. Isang misyon na hindi tungkol sa paghahanap ng supply lamang. Ngayon ay makakalaban na kami ng totoo. Sa wakas dumating na ang panahon upang ipakita sa lahat na hindi kami isang hamak na grupo lamang. May ibubuga din kami kahit nasa mababa kaming antas.
"Kita na lang tayo mamaya," saad 'ko. Nagtanguan kaming apat.
"Ms. Dalla, mag-ingat po kayo," ani Patrick. "Papakasalan 'ko pa po kayo," agad na tumakbo ito papalapit kala Sir. Leon.
"Hu-huh?!" Namula si Ms. Dalla sa sinabi ni Patrick. Tumawa na lamang kami. Tumingin pa ako kay Quinn at Yael bago magpaalam.
***
"Sir,"
Lumingon sa akin si Sir. Leon habang kinakasa ang baril nito. Mabuti na lamang ay may dala din akong gloc 39 mas madali kasi itong hawakan at ito ang una 'kong nakuha kanina. Mangilan-ngilan nga lang ang dala 'kong bala.
"Ano po ba talaga ang nangyayari?" Inulit 'ko ang tanong 'ko kanina.
Lumusot kami sa maliit na labasan ng gymnasium. Hindi 'ko alam na may ganoon pala dito. Tumambad sa amin ang isang hagdan pababa sa isang tunnel. Bakas sa mata namin Patrick ang pagtataka. Hindi namin alam na may ganitong lugar sa headquarters ng WTO. Naririnig-rinig lang namin ang ganitong lugar pero hindi namin alam na totoo pala ito.
BINABASA MO ANG
War Child: The First Wave
Science FictionMahirap paniwalaan na bumagsak na ang ekonomiya ng buong mundo. Puro gyera sa kalapit na bansa. Kakulangan sa pagkain at malinis na tubig. Nagpatatag ng isang organisasyon ang bansa, ginawa ito upang matulungan na buhayin muli ang nasirang mga syuda...