II (Part 2)

15 1 0
                                    

I can't wait to post this chapter, so I decided to post it today.

And finally, the first book cover of War Child: The First Wave!

Cover made by: aestraea_

Thank you! Keep on supporting.

Thank you! Keep on supporting

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- dm.

**

PAGKALABAS namin ng gusali na pinagtutuluyan namin. Napansin 'ko ang mga tao na nagmamadali papunta sa mas malaki pang gusali. Ang White Order Head Quarters o tinatawag na WTO. Kung saan doon kami sinasanay na lumaban, at doon rin nagaganap ang mga malalaking pagtitipon sa iba pang kaalyadobg syudad.

Nawala ang atensyon ko sa mga ito at tumingala sa malaking gusali. Ito ay napapalibutan ng purong semento mangilan-ngilan lang dito ang may salamin. Noon puro salamin ang bintana nito. Pero dahil na din sa pagiingat ng White Order hinarangan ito ng panibagong semento. 'Uso pa 'man din ang air strike sa kakapit na syudad.

"May namatay na naman daw," ani Patrick at lumingon sa mga taong nagtatakbuhan. Kalma lang kami na naglakad. Dahil ayaw namin na magsiksikan sa ibang tao. Makakapasok din naman kami.

Sanay na kami ni Patrick na makarinig na may namatay sa mga raid napuntahan namin o ang mga ibang grupo. Hindi na rin bago sa amin yung pagtitipon na ganito, madalas sa grupo namin ang mayroon namamatay. Dahil sa kakulangan ng pagsasanay sa pakikipaglaban. Itinatapon sa grupo namin ni Patrick ang mga kabataan na hindi maturuan. Doon ako naiinis madalas sa Senior Head namin. Pinapasabak kaagad kami sa laban na walang alam. Kumbaga ang grupo namin ay patapon. Pero pantay pa rin naman ang pakikitungo sa amin. Mali lang kung paano kami turuan.

Hanggang sa napagpasyahan namin ni Patrick na turuan na lamang ang aming mga sarili ng walang tulong ng iba. Naging matagumpay naman ito. Ngayon kinukuha na kami ng ibang Senior Heads para sa grupo nila. Dahil daw ay malakas na kami, hindi na kami patapon. Tinanggihan namin ito, siyempre.

Hindi ako sumagot sa kanya. Napako ang tingin 'ko sa babaeng naglalakad din katulad namin. Nakasuot ito ng khaki na damit at may bullet proof vest din, naka-tokong at may baril na hawak. Nakaladlad ang mahaba nitong itim na buhok na umaabot sa kanyang beywang.

"-tapos akala mo naman kung sino," tumango-tango lang ako sa naiinis na si Patrick. Hindi 'ko ito gaanong maintindihan dahil sa malalakas na boses sa paligid namin.

Nawala na din sa aking paningin yung babae. Mukhang nakapasok na ito sa loob. Nakalapit na kami sa pasukan ng gusali, bumungad sa amin ang nakangiti na si Ms. Alexia.

"As always, hindi kayo nagpapanic na dalawa," kasabay ng dalawang tipid na tawa.

"Ano pa nga ba," singhal ko. Ipinatong ko ang buong kaliwa kong palad sa scanner na kaharap ko. Binasa 'ko ang child number ko at pangalan.

War Child: The First WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon