III

18 1 0
                                    

Before we start. I would like to acknowledge this people.

Book cover made by: PinkPrinJin


Book cover made by: EyesScream07



Thank y'll for supporting!
- dm.


III

"WELCOME!" sabay-sabay na naghiyawan at nagpalak-palakan ang higit kumulang na anim na raan na tao sa gymnasium.

"Ms. Dalla," sigaw ko sa ingay ng tao sa paligid namin.

"Oh?" ani nito.

"Nasaan po sina Oyn?" bulong 'ko naman ngayon. Natahimik na ang buong tao ng tumapak sa entablado ang pinaka-Head Master ng Seniors.

"Good morning everyone," mababa ang boses nito na bumagay sa kanyang itsura. Malaki ang katawan na may hindi gaanong mahaba na puting balbas.

"Hindi 'ko nga din alam, Vince eh," kibit-balikat nito sa akin.

Pinagmasdan 'ko ang paligid. Akala 'ko ay nauna na ang isa pa namin kaibigan na si Oyn dito sa gym.

"Nandito tayo ngayon upang ipakilala ang mga bagong beginners unit," pinagmasdan 'ko ang isang daan na bagong bata na nanggaling sa iba't-ibang syudad.

Ang mga batang ito ay kadalasan na kinukupkop sa edad na wala o siyam. Dahil sa kahirapan ng ekonomiya ngayon, may mga ibang magulang na kusang ibinibigay ang kanilang anak sa WTO para palakihin. Ang nga magulang naman nito ay pinagtratrabaho sa pinaka-malapit na syudad malayo sa kanilang anak. Ang iba naman ay nananatili sa kanilang tirahan para doon na lamang manatili hanggang sa huling hininga nito.

Ngunit mayroon iba na gustong ibigay ang kanilang anak sa Black Order o BKO dahil sa itinataguyod na paniniwala nito. Pero kadalasan sa WTO nila ito pinapaubaya dahil sa mapagkakatiwalaan ito.

War Child: The First WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon