II
September 23, 203*
Hindi ko inaasahan na itutuloy nila Sir. Leon ang pagsugod kagabi sa kabilang syudad. Naging matagumpay naman ito ngunit dahil sa kalokohan ng isa kong kaibigan na si Jessey nabalian ito ng kaliwang kamay.
Nagipag-one-on-one ito sa kalaban dahil sa kayabangan, gusto daw nitong subukan ang panibagong natutunan kay Ma'am Kait,. Kaya ayun, napuruhan sya ng kalaban, mabuti na lamang at nakita namin sila agad bago pa sya paputukan ng baril.
Magkatapos ng gabi na 'yun dumiretso na kami ng 'uwi, ang mga Seniors naman ay nagpaiwan.
- Vince Dale -+-
MAY DALAWANG pares ng yabag ng paa na papalapit sa kwarto 'ko. Kinapa 'ko yung balisong na nakadikit sa ilalim ng aking lamesa. Pumikit-pikit ako habang sinubukan nila na buksan ang seradura ng pinto.
"Vince?" Huminga ako ng malalim. Binitawan 'ko ang pagkakahawak sa balisong. Akala 'ko kung sino na. Pinunasan 'ko sa aking pantalon ang basa 'kong kamay dahil sa kaba.
Tinuruan kami na dapat lagi kaming handa sa lahat ng pangyayari. Hindi namin alam kung kailan susugod ang iba pang syudad. Kaya sa kwarto 'ko, maraming nakatago na kusilyo o kaya naman baril. Pangproteka sa aking sarili at sa iba.
"Saglit 'lang," saad ko. Isinara ko ang maliit kong journal at isinama sa hilera ng iba 'ko pang libro.
Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Pagkabukas 'ko ay sumalubong sa akin ang isang dalaga at binata na may dala-dalang pagkain.
"Akala namin tulog ka pa," nakangiting saad ng dalagang si Gracelyn. Pumasok na ito sa loob ng walang pasabi at komportable na umupo sa aking kama. Nagtatatalon pa ito sa pag-upo na tila nasisiyahan sa ginagawa.
"Feel at room talaga 'yan," umiling-iling ang binatang si Patrick sa tabi 'ko.
"Pasok ka na din," ani 'ko.
Pumasok na rin ito at umupo sa tabi ni Grace. Isinara ko ang pinto, ganoon na din ang pagkakantado ko nito. Umupo ako sa kinauupuan 'ko kanina at humarap sa kanila.
"Anong ginagawa nyo dito?" Napahikab ako sa huling salita na sinabi 'ko. Mukhang hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa raid.
"Trip lang namin pumunta," ngiti-ngiting sabi ni Grace at siniko-siko si Patrick. Ano kayang problema ng dalawang ito. Ang aga-aga ay kinagambala nila ako.
"May bagong raid ba ulit-" humikab ako muli at nagpunas ng luha. Kailangan 'ko pa ng dalawang oras na tulog.
"Wala naman, Vince. Napagisipan lang namin na kumain kasama mo," tuloy ni Grace. Nagsimula na itong sumubo ng kanin mula sa malaking mangkok na dala nito. 'Ganun din ang ginawa ni Patrick. Dalawa ang mangkok na dala nito kanina. Ang isa ay hawak nya at ang isa ay nasa tabi nito sa kama.
BINABASA MO ANG
War Child: The First Wave
Science FictionMahirap paniwalaan na bumagsak na ang ekonomiya ng buong mundo. Puro gyera sa kalapit na bansa. Kakulangan sa pagkain at malinis na tubig. Nagpatatag ng isang organisasyon ang bansa, ginawa ito upang matulungan na buhayin muli ang nasirang mga syuda...