CHAPTER 1

25 0 0
                                    


Chapter 1

Nakahilata ako ngayon sa kama ko. 11 am na ng umaga pero tinatamad parin akong bumangon. Normal na gising ko na yung mga 11 am. Ako lang din naman lagi mag isa na sa bahay since may pasok na yung kapatid ko kaya walang nanggugulo. Pero pag sunday, maaga ako nagigising kasi walang pasok sa trabaho sila mama o kaya pag may serve ako ng 7 am.

Pasukan na pala sa Tuesday. College life, here I come. Excited na akong pumasok kasi sobrang bored na ako sa bahay. Yung tipong 3 buwan yung bakasyon at tamabay ka lang sa bahay. Yung iba nagbabakasyon out of town, may swimming pero ako everyday nasa bahay. Pero sanay na naman ako na nasa bahay simula nung napunta ako dito.

Grade 10 na kasi ako ng dito ako pag aralin nila mama. Wala naman akong choice sabi kasi nila bakasyon lang daw, yun pala di na sila nagpa book ng flight pabalik ng probinsiya namin. Nung una ang hirap mag adjust, syempre ibang iba yung buhay sa probinsiya at dito sa Maynila.

Babangon na sana ako ng may tumawag bigla yung kaibigan ko na si Francine

Francine: Hoy Nathalia bat di mo na naman ako nireplyan?

Ako: Sorry may pinapanood kasi ako Kdrama. Bakit?

Francine: Papasama kasi sana ako sayo sa school ehh, ask lang natin if meron ng uniform.

Ako: Nakakatamad ehh, tawagan mo na lang. Tsaka sabi diba next week pa.

Francine: Ang tamad mo! Sige

At binaba na niya. Nakakatamad kasi umalis ng bahay yung tipong tirik na tirik yung araw tas bigla na lang uulan. Magkasakit pa ako at pasukan na (arte ko)

Bumangon na ako para kumain at naligo. Maglilinis pa ako ng bahay. Ito na ata yung execrcise ko araw-araw. Pagkatapos maglinis manonood ng showtime pag tanghali tas pagkatapos tulog. Paggising kakain, manonood ng movies o kaya Kdrama.

Diba ang saya ng buhay ko. Kaya excited na ako magpasukan ehh.

Habang nag fe-facebook ako nakita ko yung post ng lalaking dahilan kung bat isang taon n a ang lumipas ay tanga parin ako. Picture nung girlfriend niya. Ang sakit lang, na yung picture naming dalawa, di niya ma I post noon. Sabagay, sino ba naman ako? Walang wala akong laban sa taong mahal niya, napakaganda. Bumalik na naman yung ala-ala kung paano niya noon sinabi na gusto niya ako. Ganito na lang ako lagi sa tuwing nakikita ko yung picture nilang dalawa.

Flashback

November 2015

Recollection

Sinabi Brother Jhon na kailangan naming magsulat ng letter para sa taong gusto naming bigyan pero dapat nasa hall lang na yun. At kung sino man yung bigyan mo ng sulat ay its either magshe-shake hands or hug kayong dalawa

Napili ko na bigyan ng sulat is yung naging kaibigan ko. Nung bigayan na ng letter ay nagulat ako ng lumapit sakin si Emmanuel.

Ako: Para sakin to?

Siya: Oo ( na parang kinakabahan pa)

Ako: Seryoso?

Siya: Oo nga

Tas nag thank you na lang ako na nagtataka kasi bat nga ba ako yung binigyan niya. Pero mas nagulat ako nung niyakap niya ako kaya niyakap ko na lang din siya pabalik.

Pagdating ko sa upuan tinanong ako ng kaklase ako

"Sinong nagbigay ng sulat sayo? " sabi ni Tamia, pero di agad ako nakasagot kasi di parin nag sink in sa isipan ko na bat sa dinami dami ng kakilala o kaklase naming dito sa hall ako yung naisipin niyang bigyan.

"Ahh si ano si Marcus" nauutal pa ako ng sabihin ko yun. "Weh? Ano sabi?"

Tas pinakita ko na lang sa kanya yung papel pero yung sa bandang unang part lang. Pero di ko alam bat ako naiyak, nung lumingon ako sa upuan nila Marcus nakatingin din pala siya sakin kaya bigla na lang akong lumingon kasi nahihiya ako.

Pagkauwi ko nun sa bahay pumasok agad ako sa kwarto buti na lang wala si pa sila mama kasi parang ewan yung itsura ko. Binasa ko ulit yung sulat.

Dear Shane,

Di ko alam kung papaano ko to sisimulan kasi kahit ako kinakabahan din sa gagawin ko. Simula nung month of October dun ako nagsimulang maging interesado sayo. Di ko alam pero mukha talagang tinamaan ako sayo. Yung pagiging simple mo at pagiging honor sa klase. Ikaw din yung tipo ng babae na palangiti at mahinhin. Nagsimula lang naman to nung lagi tayong magkakasama pag kumakain yung tropa natin. Dun kita mas nakilala at yun na nga nagustuhan na kita.

Hindi man magiging tayo agad kasi syempre sa tamang panahon.

Ayan yung nakasulat dun sa letter na bigay niya. Tinatanong ko parin sa sarili ko kung bakit ako?

(end of flashback)

Broken SoulWhere stories live. Discover now