PROLOGUE

35 1 0
                                    




Isang babaeng nabiktima ng tamang pagmamahal ngunit sa maling pagkakataon at maling tao. Dalawang taon na din ang nakalipas ngunit yung sakit na idunulot ng pagmamahal na iyon ay dala dala niya parin hanggang ngayon. Mga masasakit at masasayang ala-ala na hindi niya pa nanaising mabura. Dahil umaasa siyang na isang araw baka yung taong nagbigay ng mga ala-ala na iyon ay maibabalik niya pa. Ngunit paano niya maibabalik yung taong nakikita niya ng masaya. Minsan na siyang sumugal sa lalaki na yun ngunit sa bandang huli talo parin siya. Lalo na pag ang kalaban mo na ang yung babaeng unang minahal niya. Ang dahilan kung bat ka niya nagawang iwan at bumalik sa babaeng mahal niya.

Minsan naitanong ko na lang kung totoo ba yung mga ala alaang iniwan niya. Inisip ko na sana hindi pagpapanggap ang lahat ng iyon. At kung minahal niya ba talaga ako?

Pero paano pag biglang magbago ang ikot ng mundo at isang araw nagising ka na lang na bumalik siya? Tatanggapin mo pa ba ulit siya kahit alam mong masasaktan mo yung taong mahal na mahal ka? Susugal ka ba ulit at makikipaglaro sa kanya kahit ramdaman mo na baka matalo ka na naman? Sa pagkakataong ito magiging tamang tao na ba at hindi na maling pagkakataon?

Pero may isag taong dadating at tuturuan ka ulit magmahal, ipapadama ulit sayo yung kilig na matagal mo ng di nararamdaman, papatawin ka ng malakas, proprotektahan at susuportahan sa lahat ng bagay pero paano kung darating ang isang araw gagawin din niya yung ginawa ng taong dating nanakit sayo? Papatawarin mo parin ba? O susugal ka lang ng paulit ulit pero sinasaktan ka din ng paulit ulit pero pano pag darating yung time na magsasawa ka na?

Sana po suportahan niyo po tong second story ko po. Di ko man po natapos yung first story ko, I hope na sana itong story nato ay matapos ko. Fighting!💪

Broken SoulWhere stories live. Discover now