Chapter 8

12 0 0
                                    

Chapter 8

Umakyat na din agad kami ni Julia at buti na lang maiksi lang yung pila ngayon sa elevator. NSTP yung subject namin at di ko alam kung may lesson ba kami kasi lagi lang kaming nanood ng mga videos about sa issue ng Philippines. 1 hour 30 minutes na nanonood lang kami.

"Class, go back to your proper seat. Attendance na" Biglang sabi ni sir Monte

"Eto na po sir." Sagot ko. Ako kasi lagi kasi nasa unahan ng attendance since sa pinakadulo ako nakaupo at papaikot na lang yung papel.

"Yung attendance nasan na?" tanong ni sir.

"Nandito pa lang sir." Sagot nung isang kaklase namin. "Sige, pakibilisan and we will be having group activity. Count 1 to 5" at nag start na kami magbilang.

"So, yung gagawin niyo ngayon is a short kit that shows voluntarism. Like for example there is an medical mission who needs  volunteer to help them in facilitating their program." Pag eexplain ni sir.

Kaya nag usap na kami ng mga groupmates ko. Naisip namin na may dalawang mayaman na may ari ng charity o childs place at kami mga pulubi tapos yung 3 kong kapatid may kapansanan. Bali 6 members kasi kami.

Buti na perform naming ng maayos kahit mukha lang kaming tanga kanina.

"Okay class dismissed." Nagsilabasan agad kami kasi sa 6th floor pa yung next room namin.

"Baba kaya muna tayo para kumain. 30 minutes pa naman ehh." Sabi ni Julia

"Mamaya ng lunch para di tayo gutumin mamayang 3 hours na subject natin sa kitchen." Sagot ni Melody. Kaya umakyat kami, pahakbang pa lang ako sa hagdanan ng pababa din si Brayden nagkatinginan kami pero nag iwas agad ako ng tingin.

"WAAAAH ANG POGI!" Malakas na sabi ni Andrea na kinikilig pa. "Hoy Andrea, nakakahiya to." Bigla kong sabi kasi hindi pa masyadong nakakalayo samin si Brayden. Shit itong babae to talaga napakaingay. Paglingon ko sakanya nakatingin din pala siya banda samin na walang expression yung mukha.

"Tara na" nauna na akong maglakad sakanila. Napakasungit talaga ng lalaking yun di man lang ngumingiti.

Pagdating namin sa room ang init dahil di pa bukas yung aircon kaya tumambay muna kami sa may bakanteng room. May dumaang guard kaya nagtago agad kami dun malapit sa may malaking bintana na glass para di kami makita kasi bawal mag tambay sa mga room.

Napatingin kami sa may pintuan ng may biglang may mag bukas nito at mas lumaki ata yung mata ng makasama ko ng si Brayden yung nagbukas neto.

"Dito room niyo?" nabigla siya sa tanong ko. Sasagot na sana siya ng biglang nagsidatingan yung mga kaklase niya. Kaya lumabas na agad kami kasi nakakahiya. Kaharap lang pala ng room naming yung room nila o ngayon lang baka wala silang room at ginamit. Kasi ngayon lang naming sila nakita.

"Grabe ang pogi niya talaga pero ang suplado tingnan. Di ba ngumingiti yun Nathalie?" tanong ni Amanda sakin.

"Huh? Ewan. Bakit ako tinatanong mo?" Sagit ko sakanya.

"Ehh, madalas kayo mag usap diba." Nakangiti niya sabi, ala niyo yung ngiting may ibig sabihin.

"Ewan ko sainyo."

Nagsidatingan naman yunug iba naming kaklase kaya pumunta na kami sa upuan namin.

"Good afternoon sir." Bati naming pagpasok ni sir.

"Good afternoon din. Alam niyo na ba yung about sa vaccination para sa hepatitis?" ayy oo nga pala bukas na yun. Takot pa naman ako sa karayom.

Broken SoulWhere stories live. Discover now