Chapter 14

9 1 0
                                    

I dedicate this chapter to my beloved reader and also my friend, @ashrain05 . Super thank you sa pagbabasa at good comments, nakakataba ng puso. Lab you!


Chapter 13

Di ko alam kung paano ako nakauwi. Yung confession ni Brayden at yung boses niya parang sirang plaka na nag eecho sa tenga ko.

Di ko alam kung paano ko siya haharapin sa monday, yung mga kaibigan ko ang daming chat at tinatanong ako kung ano nangyari pero di ko sila kayang replyan. Si Brayden nag chat at nag text kanina sinabi niya na manliligaw nga daw siya pero di ko din ni replyan.

Buong weekend nagkulong lang ako sa kwarto at lumalabas lang pag kakain, palusot ko lang kela mama na may ginagawa ako. Panay text at tawag ni Brayden pero di ko nirereplyan, bahala na bukas.

Naglalakad ako ngayon papuntang plaza inagahan ko talaga yung pasok ko para di ako maabutan ni Brayden pero habang naglalakad ako papasok sa building nagulat ako nung nakasalubong ko siya.

"Hey, are you avoiding me? You were not answering my chat, call or text?" nakahawak siya ngayon sa braso ko.

"Huh? Hindi ahh. Di ko kasi alam ano sasabihin ko." Di ako makatingin sa kanya habang sinasabi ko yun.

"Nathalie I'm serious. I will court you." Ayan na naman siya.

"Ahhh.. Okay." Pero natatakot parin ako kasi paano kung hindi siya seryoso. Paano kung sasaktan niya lang ako. "Ano, aakyat na ako." Sabi ko.

"Okay, let's go" at hinawakan niyan yung kamay ko pero binawi ko agad kasi nakakahiya pinagtitinginan kami.


"Wala ka ng pasok?" tanong ko sakanya kami lang dalawa nasa elevator ngayon.

"Lunch break namin." ang cute ng boses niya pag nagtatagalog, minsan ko lang din siya marinig magtagalog kaya napangiti ako.

"Why are you smiling?" tanong niya habang palabas na kami. An gaga pa kaya sabi ko sakanya kanina na library na lang muna ako.

"Wala lang" at nakangiti parin ako. Binigay ko na sa nagbabantay yung bag ko at ganun din siya. Inabot nung babae yung number namin. Nag log in muna kami tsaka ako humanap ng upuan. Wala masyadong tao kasi di pa naman exam week pero baka next week punuan na naman dito.

"Hey why are you smiling Nathalie?" pangungulit niya parin habang paupo na kami.

"Ehh kasi parang minsan lang kita margining magtagalog. Ang cute lang." Nahihiya kong sabi.

"Okay from now on, I will speak tagalog na." medyo namumula pa yung tenga niya.

"Okay" at tumayo muna ako para kumuha ng libro. Pumunta ako dun sa may mga baking at kumuha ng dalawang libro.

"What is that?" akala ko ba magtatagalog na siya. At inangat ko para makita niya.

"Gusto mo na nagbabake?" ayan nagtagalog na siya. Ang cute ng accent niya o di lang talaga ako sanay.

"Oo, gusto ko na nagluluto o kaya nagbabake." Patuloy parin ako sa pagbabasa ng mga ingredients at recipe.

"HM yung first choice mo?" tanong niya sakin.

"Yup, ayaw sana nila mama. Gusto nila na mag teacher ako pero ayoko talaga, mas mahihirapan lang ako baka mamaya di ko magustuhan edi magshishift lang din ako." Nung una ayaw talaga nila mama, simula pa lang nung nag senior high ako nung pinili kog strand is Restaurant and Bar Management pero lagi ko sinasabi sakanila na mahirap pag aralan yung course pag di mo naman talaga gusto.

Broken SoulWhere stories live. Discover now