Chapter 2

16 0 0
                                    



Chapter 2

Pasukan na din bukas, sobrang excited na ako kasi makikita ko na yung mga bago kung kaklase. Nag prepare na ako ng susuotin ko bukas tas yung gamit ko sa bag maayos na din. Tulog na lang ako ng maaga para fresh ako bukas at walang eyebags.

Pagkagising ko nag pray muna ako kay God sa panibagong buhay na binigay niya at sa pag guide samin sa buong gabi. Pumunta na agad ako ng CR para maligo. Pagkatapos nagbihis tas kumain.

Pagdating ko ng school hinanap ko agad yung dati kong kaklase na si Francinne. Buti na lang 10 parin kami na magkaklase parin hanggang ngayon. "Francinne, anatayin mo ako sabay na tayong pumunta ng room" tumakbo pa ako para mahabol lang siya. Di kasi agad ako narinig kasi nag uusap sila ng boyfriend niya. Pagdating naming ng room may prof na pala. Kaya sa likod na lang kami umupo, sa may 4th row tas yung boys sa may likod.

"Okay since first day niyo ngayon. As usual introduce yourself muna tayo. Name,age, saang school nanggaling at bakit itong course nato yung napili niyo. So start tayo sa likod since sila yung mga late" sabi ni mam. At ako pa talaga nauna.

"Ahmm. So, Hello po. My name is Nathalie Shane Mendoza or you can call me Nathalie. 18 years old. Galing din po ako ditto sa school nato. I choose this course because I want to work in a cruise line to travel the world for free." Tas nagpakilala na din yung iba.

Halos galing din pala sa school nato yung mga classmates ko kasi dito na din ako nag senior high. Malapit lang din kaya ditto na din ako nag college. Gusto sana nila mama na sa isang university na mas maganda nga naman kaso malayo tsaka traffic at ganun din naman araw araw mamasahe. 

Yung mga classmates ko kadalasan mga hotel operation dati o kaya culinary which is related nga naman sa Hotel Management. May galing din sa IT, ABM o kaya STEM dati.

Break na namin, lumabas kami para kumain sa may sisigan. Ang sarap talaga ng sisig nila tsaka yung lechong kawali na din.

Nung tinawag na yung order namin ako na kumuha habang pabalik ako ng bigla na lang akong natapilok, di ko alam na may konting pababa pala pero nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa bewang ko. At ang masaklap pa natapon ko sa kanya yung sisig na sobrang init pa kaya ang ending binitawan niya ako at bumagsak ng bongga yung pwet ko sa sahig.

Pag tingin ko kay kuya panay punas niya sa may uniform niya tas umaaray

"Kuya okay lang po ba kayo?" kinakabahan kong tanong. Ng bigla niya akong tiningnan ng masama. "Sa tingin mo okay ako? Ang init pa nung sisig at napaso pa yung braso ko. Sa tingin mo okay ako?" Galit niyang sabi. Paglingon ko lahat sila nakatingin samin. At hiniling ko ngayon na sana kainin na ako ng lupa.

"Sorry po kuya. Natapilok po kasi ako. Samahan ko na lang po kayo sa clinic" para na akong maiiyak kasi sobrang daming tao.

"Sa tingin mo makakapasok pa ako ng school na ganito itsura ko?" Oo nga, ang dumi ng damit niya.

Tas bigla na lang siyang umalis. Sobrang nakakahiya, at ang tanga tanga ko para di mapansin yung may konting pababa. Pagbalik ko ng table namin kinuha ko na agad yung bag ko tsaka umalis.

Hahanapin ko si kuya o kaya bilhan siya ng damit kaso allowance ko to ng isang lingo. Ang ganda naman ng first day ko. Kaya bumalik na lang ako ng school at tumambay sa library. Tulala lang ako lagi iniisip ko yung kahihiyan at pagiging tanga ko na may nadamay pa.

Pagbalik ko ng room tinanong agad nila ako "Ano nakita mo ba ulit yung lalaki? Namumula pa naman yung braso niya. Bat ba kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo? Kawawa kaya si kuya sobrang dumi ng damit niya." Sabi ni Francinne.

"Di ko naman sinasadya ehh tsaka nagulat na lang din ako ng may humawak sa bewang ko." Pagpapaliwanag ko.

"Pero alam mo ang pogi ni kuya" na medyo tumatawa

Umupo na lang ako sa upuan ko at buong discussion ni mam wala akong maintindihan. First time sa buong buhay ko na nakaranas ng ganung kahihiyan at sigawan ng lalaki.

"MENDOZA!!" Napatingin agad ako sa unahan. Kaya napatayo agad ako

"Po?" gulat kong sagot

"Anong po? Kanina pa kita tinatawag kasi nakatulala ka lang diyan. Nakikinig ka ba? Kung di ka interesado sa klase ko makakalabas ka na!' Galit niyang sabi.

"Sorry po Ma'am" at bumalik na sa pag upo.

Nung uwian na sumabay na ako sa pagtawid kay Francinne maglalakad na lang ako pag uwi malapit lang naman.

"Bye Nathalie. Ingat ka prend wag tatanga-tanga sa daan baka mamaya masagasaan ka" Tas tumawa pa. 

"Baliw, Oo. Ikaw din ingat." At naglakad na

Minsan sumasakay talaga ako pag tinatamad na ako pero pag 5 pm na kasi makahirap na makasakay. Inisip ko din na keysa mag abang ako ng matagal at traffic pa edi lakad na lang para mas madali tsaka sayang sa pamasahe.

Broken SoulWhere stories live. Discover now