Chapter 1 - One new friend request

22 0 0
                                    

Mika's POV

"Grabe namaaaaaann.........Uy!Vien!Zoe!Ano na? like pa naman!" sabi ko habang pa-padyak padyak pa sa sahig . Pinag-uusapan namin ng mga kaibigan ko ang likes sa People's Choice Award through facebook sa pageant na sinalihan ko . Naka-video call kaming tatlo at tinatry na magkaintindihan kasabay ng pagtatyaga sa turtle net ng Pilipinas.

"Hoy Mikay! Do you think na ganoon lang kadali magpalike? Profile ko nga ang konti ng likes eh " sabi ni Vien, One of my bestfriends , 'She's Viennary Anne Gonzales . Ang bestfriend kong kulang nalang mapagkamalan syang descendant ni lapu-lapu dahil sa pagkahumaling nya sa History, BS Nursing'

"Oo nga, yung iba namention mo nga snob naman" Sabi Nama ni Zoe, 'She's Zoella Fuentabella, Computer Engineering student , Ang best friend ko namang kinulang sa expression sa mukha pero Amazona.'

-_-

'Wala na ba talaga akong maasahan sa mga bestfriends kong to?
Wait, Bago ako tuluyang ma-stress , I'll introduce myself first. I'm Mika Enrile, 18 , Tourism student from Westbridge University!! PAK!GANERN!'

"Mikay ano? Nilamon ka na ng lupa?" ani ni Vien sa kabilang linya

"Paano ba kasi , anong gagawin natin? Kung alam ko lang na may ganito edi sana hindi na ako sumali"

"Hoy babae Umayos ka nga. Mikay , Pagkatapos mo kami kulitin nung nakaraan ni Zoe na samahan ka gaganyan ka" saad ni Vien

'Naguilty naman ako don'

<<FLASHBACK>>

"Nabalitaan niyo na ba?" excited na tanong ko

"Ang alin?" sagot naman ni vien

"Yong gaganaping Pageant ba?" sabi naman ni Zoe with her usual monotone voice. Matanggal tanggal naman ang ulo ko sa pagtanggo sa sinabi ni zoe.

"Oo, yun nga balita ko sa mga kaklase ko 'U Day' daw yong event na yon eh..." pag papaliwanag ko naman sakanila.

"So, anong gusto mong sabihin Mika?" sarcastic na sabi ni Vien "Mukhang alam ko na kasi." pagpapatuloy nya at tiningnan si Zoe

"Mukhang alam ko na din" wika din ni Zoe.

"Eh... Baka lang naman gusto niyo ako samahan mag fill up mamaya doon sa bulletin board?" sabi ko sabay pinagdikit ang mga palad ko at ngumiti sa kanila. Halatang halata sa mukha nilang dalawa ang "Sabi-ko-na-nga-ba-at-sasali-siya-eh" look.
"So ano? Later? Lunch break?Pare-parehas naman na vacant natin ng oras na yun" tinignan ko sila at hinihintay ang magiging sagot nila.
Bumuntong hininga si Zoe,

"May Option ba kaming tumanggi?" Tanong ni Zoe.

"Hmmm......" I put my hand on my chin and try to look like I am thinking. "Wala. Hahaha" sabi ko at ngumiti sa kanilang dalawa.

"May magagawa pa ba kami? Eh tinititigan mo kami na pag hindi kami pumayag e Friendship over na" Natatawang sabi ni Vien "So magkita nalang tayo mamaya" pagpapatuloy nya

Sa sobrang tuwa ko ay Inakbayan ko silang dalawa at inakay na maglakad.
"Halika na nga kayong dalawa! Hay nako! Mahal na mahal nyo talaga ako" sabi ko habang akay ko sila.

"Ano ba Mika! Nagugusot yong uniform ko oh! Let me go!" inis na sabi ni Vien, palihim naman akong ngumiti.

<>

And that's how I end up being a contestant ng Search for Miss.Westbridge Academy Princess 2018

"Eh paano na nga ? Please guys , I really want to win this award. Wala na ba kayong ibang maisip na paraan para makalikom ng likes?! Alam ko na Kailangan pagusapan natin to over a coffee. Kelangan nating mag meet bukas "

False HopeWhere stories live. Discover now