Zoe's POV
"Kuya, papasok na ko, kumain ka ng almusal bago ka umalis ha . bye!" pagpapaalam ko kay kuya.
Kinuha ko na ang backpack ko at isinukbit ito sa balikat ko.
"Mag-iingat ka Zoe" Sigaw ni kuya mula sa banyo.
Lumabas na ko ng apartment na inuupahan namin ni kuya. Maliit lang to pero sakto lang sya para saming dalawa.
Ngayon ang pinakahihintay na araw namin, ang Pageant Day ni mika kaya kailangan maaga kami ni vien doon.
Balak ko sanang maglakad hanggang sa crossing gaya ng dati kong ginagawa pero dahil sa importante ang araw na ito nagtricycle na ako para mas mabilis akong makarating sa University.
May extra naman akong pera dahil sa paglilinis ko dun sa bahay nung "young master" na manyak at kissing freak kahapon. --_--
I arrived just on time , Madami na ang abala sa iba't ibang gawain. May nag-aayos ng upuan, mayroong nag didesenyo ng stage at yung mga candidates nag-aayos na kasi few more hours ay magsisimula na ang pageant.
Nasaan na kaya sina Mika at Vien?? Iginala ko ang aking paningin sa iba't ibang sulok ng function hall at sa di kalayuan ay natanaw ko si mika na nakaupo at kasalukuyang nilalagyan ng make-up. Lumapit ako sa kanya.
"Mika" tawag ko sa kanya para mapansin din nya ang presensya ko.
"Zoe ikaw ba yan?" sabi nya na hindi iminumulat ang mga mata nya dahil sa paglalagay ng make-up sa kanya
"Hindi , ako ang konsensya mo" seryoso kong sabi
"HA.HA.HA nakakatawa Zoe" sarkastikong tawa nito na ikinatuwa ko naman. Sarap sarap talaga asarin ni mika.
"Nasaan si Vien?" tanong ko.
"Sabi nya On the way na daw sya kaninang tinawagan ko. Tawagan mo na lang ulit" sabi nya at ganun nga ang ginawa ko .
Tinawagan ko ang number ni Vien
*RING*
*RING*
"Hello,Vien?" sabi ko ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay hindi parin nagsasalita si vien sa kabilang linya
"Vien! Vien!" tawag ko sa kanya
"Oh, hello zoe?"
"Bat ang tagal mong sumagot?Asan ka na?"
"H-ha? Ano, oo , malapit na ko.. bye" at pinatayan akong telepono.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka
Napano yon? Pinatayan ako ng tawag."Mika, malapit na daw si Vien" sabi ko kay mika.
"Ano ba yan , kanina pa sya malapit ha, if I know baka nga ngayon palang sya umaalis ng bahay nila" bumuntong hininga sya
"Ayos ka lang?" tanong ko kay mika
"Kinakabahan ako, pano kung magkamali ako?" sagot nito na halata sa boses niya na kinakabahan at nag aala.
"Wag mong isipin na magkakamali ka mas lalo ka lang kakabahan" pag aalo ko sa kanya.
"Basta I-cheer nyo ko ha"
"Oo naman, tsaka panigurado aalingawngaw ang boses ni vien sa kakacheer sayo sa buong function hall"
"Bat ba kasi ang tagal ni V----" naputol ang sinasabi ni mika ng magsalita ang make-up artist nya
"Mika, Do you have water?" tanong nito kay mika. Napailing nalang sya ng wala itong mahanap na tubig sa bag nya
"Wala po, Naiwan ko po pala yung bottled water ko sa sobrang pagmamadali ko po kanina"
![](https://img.wattpad.com/cover/153768217-288-kcb7585.jpg)