Mika's POV
And the winner is Candidate number.....
*Kring* * Kring*
Naudlot ang panaginip ko sa tunog ng alarm na kinaiinisan ko tuwing umaga.
"Ano ba yan panira ng panaginip , ayun na konti nalang sasabihin na kung sino ang nanalo eh" Inis kong Pinatay ang alarm clock ko.
*Knock* *Knock*
"Mika, gising na , tanghali na baka mahuli ka sa klase" sabi ni mama
"Opo, gising na po ako , gagayak na po Ma" sagot ko
Kinuha ko ang twalya at isinampay sa balikat ko pero bago ako pumasok ng banyo ay chineck ko muna yung cellphone ko at nagpunta sa page ng Westbridge University para makita kung ano na ang standing ng mga candidates.
Nakita kong 796 likes pa lang ang photo ko at nangunguna si Aya Saavedra ng 2-D with 1,030 likes na .
Kaya ko pa kayang makahabol sa kanya. Sabi naman ni sayuri noong linggo e tutulungan kami
<<Flashback : Sunday Night>>
Nagulat ako ng may nakita akong.....One Friend Request ....
Sya na ba yung sinasabi ni Sayuri na tutulong sa akin.
.
Inopen ko na kung sino yung nag-add sa akin
.
.
Sayuri Choi ( accept ) or (decline)
Oo nga naman , si sayuri , syempre sya yung mag-aadd sa akin kasi sya yung kausap namin kanina. Alanganan naman yung tutulong sakin agad agad.
<<Chatbox>>
Sayuri : Hi
Mika : Hello
Sayuri : Ikaw yung kaibigan ni Zoe na nanghihingi ng tulong diba?
Mika : Ah oo, ako nga
Sayuri : Ano ba ang mechanics ng pageant? Tsaka san ko makikita yung photo na ila-like ?
Mika : Bali yung mechanics ng online voting, kung sino yung pinakamaraming likes sya yung magiging People's Choice Award at 10 % yun sa criteria para manalo. Search mo yung Westbridgre Academy tas makikita mo yung photos of candidates. Tapos ayun na ila-like mo lang tsaka kung pwede sana paki share na din? pwede ding mag mention ng mga friends sa comment box . hehehe
Syempre ipapashare ko na din sa kanya , hihingi nadin naman ako ng tulong lubos-lubusin ko na sayang naman kung sya lang ang maglilike
Sayuri : Sure, No problem. Nangako ako kay Zoe na I'll help you at all cost and all possible way that I can .
Mika: Naku , sobrang thank you talaga.
Sayuri : About doon sa pinsan ko na tutulong sayo, hindi ko pa sya nakakausap since medyo malayo yung bahay nila samin. Kase nasa Busan ako at sya nasa Seoul . tinatawagan ko naman yung phone nya pero cannot be reach. But don't worry pagnakausap ko na sya I'll make sure na tutulong din sya sayo
Mika: thank you talaga.
Sayuri : You're welcome . Sige mauna na ko, Medyo late na kasi dito samin. Goodluck sana manalo ka J goodnight
Mika : Goodnight
<<END OF CHAT>>
Nakita kong nilike na ni sayuri yung photo at shinare na nya din at nagmention ng mga friends nya sa comment box J
Ni-logout ko na yung Facebook ko. Ambait naman pala talaga nung sayuri na yun . Tiningnan ko yung oras at 10:27 pm na . Late na nga kelangan ko na ding matulog maaga pa akong gigising bukas
<<End of Flashback>>
Nakausap na kaya nya yung pinsan nya? Sana naman matulungan na nya kami. Baka di ko na maabutan si Aya . medyo na down yung self esteem ko kasi mukhang wala akong chance para manalo.
Gumayak na ko , after I take a bath and changed into my uniform. I grabbed my bag and went downstairs only to be greeted by my brother.
"Good Morning Pan "
"Pan?"
"Yeah , Miss Pan Duck " pangaasar nya. HA.HA.HA grabe natawa ako. This is my Older Brother Keith Enrile, 20 years old , 4th year Psychology student sa isang all boys university and he can be a little, slash that, A LOT annoying when he's teasing me with his lame jokes
I rolled my eyes
"Kuya, Excuse me hindi kaya ako pandak , FYI 5'6 ang height ko no" sabi ko and sat at the table. Aaminin ko na hamak talaga na mas matangkad ang kuya ko kesa sa akin . syempre lalaki sya . He's 5'10 tall kaya lagi nya akong inaasar na pandak kahit okay naman yung height ko
"Bilisan mo sa pagkain at idadaan kita sa university nyo bago ako pumasok"
"Why? Si Dad ang naghahatid sa akin sa university pag papasok na sya sa office"
"Well Apparently , Dad already left since he had an early business meeting today. So I have no choice but to drop you off " sabi ni kuya, I forgot to mention na may-ari kami ng Royal Closet. Isang medyo kilalang clothing line sa Pilipinas kaya may kaya ang pamilya namin.
Binilisan ko na ang pagkain at para makapunta na kong school
Noong nakarating na kami sa university na pinapasukan ko. Nagpaalam na ko kay kuya
"See you at home" sabi ni kuya
"Okay" sabi ko at nag babye sa kanya tumalikod na ako at ng maglalakad na ako paalis ay muling nagsalita si kuya
"And Mika, goodluck , kaya mo yan" nangiti naman ako kay kuya, kahit na lagi nya akong inaasar at lagi kaming nag-aaway eh love na love ko sya at alam kong love na love din nya ako
"Thank you , ako pa ba kuya Enrile ata to. " sabi ko at pinagmasdan na umalis ang kotse na sinasakyan ni kuya
Naramdaman ko namang may tumapik sa balikat ko at nakita ko si Vien
"Hoy girl. Estatwa tayo? Kelangan di gumagalaw?" sabi nya
"Sira ka talaga, halika na nga at baka mahuli pa tayo sa klase natin "
Pagpasok namin sa classroom ay nakita namin si Zoe, tahimik lang na nakaupo sa upuan nya
"Goodmorning Zoe" bati ko
"Goodmorning Zoella" bati rin ni vien
"Goodmorning Mika, Vien"
Buti nalang at may subject kami na magkaklase kami kahit na iba-iba ang course namin.
"Hoy Zoe, hindi naman ata ako tutulungan noong pinsan ni sayuri ." Sabi ko kay zoe at tinignan ako
"Bakit? Sabi naman ni sayuri tutulungan tayo" takang pagtatanong nito.
Inilabas ko ang phone ko at pumunta sa page ng Westbridge University
"Tingnan mo wala pa din pagbaba------" naputol ang sinasabi ko at nanlaki ang mga mata ko
Candidate # 1 : Mika Enrile
1,003 likes and 105 Comments
Hala pano nangyari na umabot na agad sa 1,000 Yung likes ko eh kaninang umaga 700+ lang to . Anyare?!
![](https://img.wattpad.com/cover/153768217-288-kcb7585.jpg)