Chapter 10 - One New Message

5 0 0
                                    

Viens POV

Wag ka ng umiyak Mika ang importante ginawa mo yung best mo. At isa pa hamak naman na mas deserving ka dun sa nanalo. Mas deserve mo ang title na Ms. Westbridge Princess.
.
.
Pang aalo ko kay Mika.
.
.
.

"Oo nga, halatang bias na bias yung panel eh!" biglang sabi ni Zoe na halatang medyo inis din sa naging resulta ng pageant.
.
.
.

"Alam ko na Mika, bukas mag-girls day tayo. Para mabawasbawasan yang pag mumukmok mo, diba sabi ko may bagong bukas na Sweet Café sa tabi ng Mini Stop? Ano? Tara?.
.
.
.

"Alam na alam nyo talaga pano ako pasayahin eh no.?"
.
.
Sabi niya at niyakap kaming dalawa ni Zoe.
.
.
.

"Mika , let's go?." Biglang sulpot ng kuya ni Mika.
.
.
.
" Bye........" pag papaalam namin sa isa't isa.

Mika's POV

Nasa loob na kami ng kotse namin at si daddy ang driver habang si mama naman ang nasa passenger seat samantalang kami ni kuya ang nasa likod.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse nakikita kosa sa bintana ng kotse namin na si kuya ay patingin tingin sakin dahil nakatagilid lang ako at nakatingin lang sa labas dahil hanggang ngayon ay disappointed pa din ako sa naging resulta.

Akakala ko ako ang mananalo although alam ko naman na magagaling din ang mga kalaban ko pero syempre ginalingan ko naman ei binigay ko naman ang best ko pero dipa din ako nanalo.

Medyo nang gigilid na ang luha ko ng biglang basagin ni kuya ang katahimikan.

"Okay lang yan baby sis kahit dimo nakuha ang title, alam naman namin nila daddy na ginalingan mo eh at binigay mo ang best mo. Wag kana ma sad jan little sis pumapangit ka ei," sabi ni kuya na may halong pang aasar na may pang aalo.

"Oo nga anak , that's okay, you did very well and i am so proud of you" sabi ni daddy

Maya maya pa ay biglang sumeryoso ang mukha at pati aura niya, ngayon kona lang ulit nakita na ganto si kuya .

"Para naman samin nila Mama at Daddy pati nila zoe ikaw parin ang panalo. Ang ganda mo nga kanina eh kahit na humabol lang ako at question and answer lang ang naabutan ko ikaw pa rin ang angat sa kanila ikaw pa rin ang pinakamaganda at ipinagmamalaki ko yun mika , proud ako na ikaw ang kapatid ko."

Nanggigilid na ang luha ko at anytime pwede na siyang tumulo natouch ako sa mga sinabi ni kuya ramdam na ramdam ko na gustong gusto niyang alisin ang bigat na nararamdaman ko at thankful din ako sa mga sinabi ni kuya dahil kahit papano parang gumagaaan na ang nararamdaman ko..

"Cheer up baby sis dito lang kami nila mama palagi susuportahan ka. Kaya be happy na di ako sanay na malungkot ka tsaka madami pang pageant na masasalihan mo mika and I know for sure mananalo kana dun. And promise ni kuya sayo na sa susunod mong pageant mula umpisa hanggang sa matapos andon ako. Promise yan baby sis . I love you."

Hindi kona napigilan ang luha ko at tumulo na talaga siya bigla naman akong niyakap ni kuya at hinihimas ang ulo ko na parati niyang ginagawa sakin sa tuwing umiiyak ako sa kanya.

Narinig ko din ang pag hikbi ni mama na alam kong nadala din siya sa mga sinabi ni kuya at ganun din si daddy.

"I Love You Too kuya. Sa-salamat salamat dahil sa mga sinabi mo gumagaan gaan ang nararamdaman ko. At kuya gusto ko lang din malaman mo na proud na proud din ako dahil may kuya akong pi-pinagmamalaki ako kahit na lagi tayong nag aasaran mahal pa din kita kuya. At kung mabubuhay pa din ako ng isang beses gusto ko kayo pa din ang pamilya ko mahal na mahal ko kayo nila Daddy. Pahikbi hikbing sabi ko kela kuya.

False HopeWhere stories live. Discover now