Allen's POV
Naglakad-lakad ako para hindi ako makita ng kapatid ko ng mapadpad ako sa backstage. I'm humming along the song . Kasalukuyang sumasayaw yung isang candidate na sa pagkakatanda ko ay ang pangalan ay Mika . Napansin ko ang cassette sa may mesa.
"Cassette? Ang old fashion naman non , may dj naman sila . Pa-cassette cassette pa"
Sinusuri ko yung cassette ng biglang may kumaluskos sa likuran ko dahilan para magulat ako at matabig ko ang cassette at mahulog ito sa sahig.
O_o
Patay. Biglang tumigil ang musika. Hala anong gagawin ko?! I accidentally sabotage her ! What should I do? What should I do? Allen think fast!.
Bigla kong natanaw ang mic malapit sakin. I grabbed it.
NO.No.No , Allen if you sing your brother will find out that you sneak in. But If she lose it's my fault, I won't be able to sleep at night because of my guilt. Kasalukuyang nagtatalo ang isipan ko . Tsk ! Bahala na nga.
Piliin mo ang Inang Pilipinas
Kapuluang kwintas ng perlas
Piliin mo yakapin mo
Kayamanan nyang likas
Piliin mo ang PilipinasAt ang ngiti ng may kapal
Taglay ng bawat nilalang
May lambing na dumuduyan
Sa buong pakiramdamPiliin mo ang inang Pilipinas
Kakulo ang kwintas ng perlas
Piliin mo yakapin mo
Kayamanan nyang likas
Piliin mo ang PilipinasDito ay tinaghana
Araw, Buwan, at mga Tala
Kinang na mag niningning
Kailanma'y di magdidilimI finished the song
*phew*
"ALLEN!"
I shivered, that voice, feeling ko tumaas bigla ang BP ko. Para akong robot na kinulang sa langis sa paglingon sa likuran ko.
"H-Hey, L-Levi. Nice to see you here?" kinakabahang sabi ko kay Levi.
Vien's POV
Naglakad na paalis yung lalaki , nakatitig pa rin ako kung saan sya pumunta. Hindi ko namalayan na nakabalik na si Zoe galing CR.
"Hoy, vien , anong nangyari sayo? Anong tinitingnan mo? " tanong nito at sinundan ang tingin ko.
"Wala wala"
Nagsalita muli ang MC and we directed our attention at her.
"Let's move on to the talent portion, our 10 lovely candidates with their amazing talents. A round of applause for candidate # 1! Yna Marie Perez!"
Talent Portion na. Kinakabahan kaming dalawa ni Zoe para Kay Mika.
Unang nagperform ang mga kandidata na unang nagpakilala.
Mayroong nagfire dance na parang sinilaban ang buong stage .May sumayaw din ng hiphop, May kumanta at may nag gymnast pa. And now it's finally Mika's turn .
Pumunta sya sa gitna ng stage at lumuhod, hinihintay na magsimula ang tugtog.
"Kaya mo yan Mika " dasal ko habang pinagmamasdan sya.
Kasabay ng pagtugtog ng musika ay ang pagsayaw ni mika , ang nakakahumaling nyang pagkilos sa bawat pagindak ng kanta.
Mapapatingin at mapapahanga ka dahil parang iisa sila ng musika. Ngunit napatigil ang lahat ng biglang tumigil ang kanta sa kalagitnaan ng presentation ni mika. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at mukhang anong oras ay iiyak na ito.
Isang boses naman ang nagpatuloy ng kanta, isang boses na Kay lamig pakinggan kahit walang beat ay naenjoy pa rin namin ang presetasyon ni Mika .