Chapter Two

87 6 2
                                    

Vivianne's POV

Pagkatapos ng mahigit 1 hour na klase namin ay sa wakas Break na. Pumunta na kami sa Canteen para kumain. Si Ynna ang umorder para sa amin at kami naman ni Steph ang naghanap ng mauupuan.

" Kilala pala ni Ynna yung Dalawang Ugok? " - Tanong sa akin ni Steph habang hinihintay namin si Ynna.

" Ano ka ba naman. Siyempre kilala niya, kababata niya kaya yung Dalawang yun. Hindi mo ba namukhaan yung isang lalaki? " - Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya bilang sagot. " Si Lence yun. Yung kinu-kwento niyang Childhood Friend niya slash Long Time Crush niya. " - Dagdag ko.

" Ah ! yun ba yun." - Sabi niya sabay kamot ng ulo niya. Dumating naman si Ynna after nun.

Habang kumakain kami biglang nagtilian yung mga Babae at Binabae dito sa Canteen habang nakatingin sa may pintuan. Tinignan namin yung tinitignan nila at nakita namin yung Dalawang Ugok na papasok sa Canteen.

Akala ko ay didiretso sila sa Cashier para bumili ng makakain pero imbis na pumunta doon eh ! dumiretso sila sa Table namin. Dahil ako lang mag-isa sa upuan at sa kabila naman ay sina Steph at Ynna, Sa akin tumabi si Ark at si Lence naman ay sa tabi nila Ynna. Bali, ganito yung posisyon namin.

      Ark     Ako

------ Table -------

Lence Ynna Steph

Yaan, yan yung puwesto namin. Nasa sa inyo na yun kung maiintindihan niyo. At dahil sa amin umupo yung Dalawang Ugok may mga namuong bulong-bulungan. Bulong ba yun eh ! bakit rinig na rinig ko yung mga pinag-sasabi nila.

" Ang swerte nila no? " Girl 1

" Oo nga Girl. Lahat ng mga Babae at Binabae pinangarap makatabi sina Ark tapos silang Transferee lang dito nakatabi na nila agad. " Girl 2

" Uhmm, Oo nga. Pero hindi na ako magtataka kung si Ynna ay lapitan nila Ark kasi diba magkababata silang Tatlo? Tss, Mas magaganda naman tayo diyan eh ! " Girl 1

At blaah blaah blaah. Hindi ko na inintindi yung mga ibang pinagsasabi nila doon. Kakain nalang ako, mabubusog pa ako.

Kakainin ko na sana yung pagkain ko nang agawan nitong Kumag na ito.

" Ano ba? Ibigay mo nga yan. Akin yan eh ! " - Sabi ko. Nakaka-inis naman kasi. Gutom na nga ako, Aagawan pa ako ng pagkain.

" Bumili ka nalang ng bago. " - Sabi ni Ark. Oo tama kayo ng basa si Ark nga ang kumuha ng pagkain ko. Kumag ang tawag ko sa kanya. Hindi kami Close no. At hinding-hindi mangyayari yun.

" Eh ! bakit hindi ikaw ang bumili ng bago? " - Sabi ko sa kanya. " Akin na kasi yan. " - Dagdag ko pa, Habang inaabot ko yung pagkain ko. Paano ba naman kasi, Habang kinukuha ko itinataas naman niya yung kamay niya. Hindi ko tuloy maabot. Pinagtitinginan na nga kami dito eh !

" Bumili ka nalang kasi ng bago. Akin nalang ito. Gutom na kasi ako eh ! " - Sabi niya at nag puppy eyes pa. Hindi naman bagay. Tch, naku naman. Wala na akong nagawa dahil kinain na niya. Hayy, Buhay. First Day palang ang dami nang nangyari.

" Oo nga. Bili ka nalang ng bago Ian. " - Singit ni Lence. Wait .... Anong tinawag niya sa akin Ian. Ian as Ian yung tawag ng Kuya ko sa akin?

" Hhahahahahaha " - Narinig ko ng tawa ni Kumag. " Ian, panlalaki talaga yung Nickname mo. " -  Dagdag pa niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Tumahimik naman siya, buti naman nakukuha siya sa tingin.

" Teka, Paano mo nalaman na Ian ang isa ko pang Nickname? " - Tanong ko kay Lence.

" Hahahhah. Sa Kuya mo. Hindi siguro niya kami naku-kwento sa iyo. Pero siya ang dami niyang kinuwento sa amin tungkol sa iyo. " - Sabi niya. WTF, Kilala nila ang Kuya ko at kinukwento ako ni Kuya sa kanila. Humanda talaga siya sa akin sa Bahay.

Second Chance in Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon