Chapter Five

42 4 0
                                    

( Eto po yung Time na nasa Corrider sila Vivianne at Ark. Kumbaga sinabi po dito kung anong nangyari kina Lence nung iwan nila sila Vivianne. )

Lence's POV

Ay Salamat naman at may POV na ako. Hello Philippines and Hello World I'm Lence Emerson Alcala 16 years old at 4th year highschool. Hearthrob kami sa School ni Ark pero kung ipagkukumpara niyo kami ay di hamak na mas Gwapo ako sa kanya. * insert Pogi Sign *. ( Ang hangin grabe. Sa pagkaka-alam ko nung Thursday pa umalis si Glenda ) Hahahaha. Aminin mo na Miss Author na Gwapo talaga ako. Pipili ka ba naman ng Panget na Characters diba hindi. ( Oo na. Ikaw na Gwapo ) Yun !!!! Eh ! Teka nga, Mamaya ka na umekstra. POV ko ito kaya chupi chupi ka muna. Pero totoo yung sinasabi ko na Gwapo ako. Sobrang raming Babae ang nagkakandarapa sa akin. Katulad ni Ark, Nung nagpasabog ng ka-Gwapuhan si Papa God ay dilat na dilat ang mga mata ko at halos kunin ko na ang lahat. Kaya lang kawawa naman yung iba diba? Kawawa sila kung hindi sila nabiyayaan ng ka-Gwapuhan.

So, Sumama kami kila Ynna para kumain ng Break. Wala kasi kaming kasabay atsaka pumayag naman sila ay scratch that si Ynna lang pala ang pumayag at wala ng nagawa sila Ian at Steph kundi ang um-oo nalang.

Iniwan na namin sila Ian at Ark dahil ang babagal maglakad. Nang makarating kami sa Canteen ay naghanap agad kami ng mauupuan. Ng makahanap ay umupo na kami. Tumabi ako kay Ynna. Nagulat siya at nung tumingin ako sa kanya ay namumula ang mukha niya. Guni-guni ko lang ba yun o totoo talagang namumula yung mukha niya. Ay bahala na nga.

Ako na ang nag-presintang umorder. Ayaw pa ngang pumayag ni Ynna pero mapilit ako kay hinayaan niya nalang ako. Natanong ko na naman ang mga Orders nila atsaka inorder na rin namin sila Ark. Para pagdating nila, kakain nalang sila.

Nung naibigay na sa akin yung mga Orders ay dinala ko na sa Table namin at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay lumapit sa amin si Ian at umupo sa tabi ni  Steph habang pulang-pula ang mukha.

" Oh ! Bakit namumula yang mukha mo? " - Tanong ni Steph. Napahawak naman si Ian sa mukha niya. Hmmm, I wonder kung anong nangyari?

Nakatingin lang kami sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Kaya lang mukhang wala siya sa sarili niya. Hindi na siguro nakatiis si Ynna at pinatunog yung kamay niya sa harap ni Ian.

" Huy ! Ano na? Bakit ka namumula? " - Tanong niya. Mukhang wala pa rin siyang balak magsalita. Sasagot na sana siya ng biglang dumating si Ark at sa kanya nalipat ang atensiyon namin.

Sa kanya na ako nagtanong dahil mukhang walang balak sumagot si Ian. " Pre, Bakit namumula yung mukha ni Ian? " - Tanong ko sa kanya. Napatingin naman si Ark kay Ian at nag-smirk. Hmmm, Mukhang alam ko na ang dahilan.

Sasagot na sana si Ark ng takpan ni Ian ang bibig niya. Nagtaka naman kami. " A-ah ! Ano mainit. Oo, Mainit kaya namumula itong mukha ko. " - Sabi ni Ian. Nagtataka man, Tumango nalang kami bilang pagsagot.

Nagpatuloy na kami sa pagkain at umupo na si Ark sa tabi ko at nagsimula na ring kumain ganon din naman si Ian.

Picture ni Lence sa Multimedia at the Right Side --------------------------------->

 

A/N : Chapter Five Done. Sorry kung maiksi. Sinabi lang naman dito kung ano yung nangyari kila Lence nung iwan nila sila Vivianne at nandito rin yung pagpapakilala ni Lence.

Vote / Comment

~ LadyPark

Second Chance in Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon