Chapter Nine

36 4 1
                                    

Vivianne's POV

Hindi rin nagtagal ay dumating na yung Teacher namin. Umayos na kami ng upo. Nag-check si Ma'am ng Attendance at nung tawagin ang pangalan nila Ark at Lence ay walang sumasagot. Ilang beses pa ulit tinawag ni Ma'am pero wala talaga. Hmm, Saan kaya nagpunta yung mga yun.

Napabuntung-hininga lang si Ma'am at nagsimula ng magturo. Nakita ko namang siniko ni Steph ng mahina si Ynna at nagtanong.

" Bakit wala yung mga yun? " - Tanong Ni Steph. Nagkibit-balikat lang si Ynna at nakinig na ulit sa Teacher. Ganun din naman yung ginawa namin. Maya-maya narinig na namin yung Bell. Tumayo na kami at dumiretso sa Canteen.

~ At Canteen ~

Umupo na kami habang si Steph naman ang umorder. Habang naghihintay kami biglang nagsalita si Ynna.

" Ayaw ba talaga ni Kuya Vien? " - Tanong niya. Hayy, Hindi ko na talaga mababago yung desisyon ni Kuya.

" Ayaw talaga eh ! At wala na akong magagawa doon. " - Sabi ko. Bigla namang dumating si Steph at nagsimula na kaming kumain.

Ynna's POV

Ang arte naman ni Kuya Vien. Papayagan lang ang dami niya pang satsat. Pabalik na kami ngayon sa Classroom. Tahimik lang kami lalo na si Mharie. Gustong-gusto niya kasi talaga makapunta ng Palawan kahit Second Time na niyang pupunta doon. Nagbabakasakali kasi siyang makikita niya ulit siya doon.

Pagkadating sa Classroom, Umupo na kami. Wala namang nangyaring iba nung araw na yun. Uwian na namin at kasalukuyan kaming naglalakad papuntang Parking Lot para maka-uwi na. Nang makarating doon ay sumakay na kami sa kanya-kanya naming sundo.

Pagkarating sa bahay ay sumalampak agad ako sa kama ko. 3 Days nalang pupunta na kami sa Palawan.

Vivianne's POV

Pagkarating ko sa bahay wala pa si Kuya. Hayy, Sana naman pumayag na siya. Baka kasi makita ko ulit siya. Sa loob ng 8 years, Hindi ko siya nakalimutan. 

~ Flashback ~

Kasalukuyan akong naglalaro sa mga buhangin. Gumagawa ako ng Castle. Yun kasi ang madalas kong gawin kapag nasa Beach kami. 8 years old ako at nasa Palawan kami. Puerto Prinsesa to be exact. Naga-outing kami ng Family ko. Wala na si Mommy, Si Daddy at Kuya lang ang kasama ko. 

Habang gumagawa ako ng Castle ay may biglang tumabi sa aking Lalaki. Pero hindi ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa paggawa ng Castle. Ayoko kasi yung iniistorbo ako.

" Hi ! " Siya. Hindi ko pa rin siya pinapansin.

" Uhmm, Ang alam ko kasi kapag may bumati sa'yo ay kailangan mo din siyang batiin. Diba ganun ang mga Pilipino. " Siya ulit. Agad akong napatingin sa kanya. At Oh My Golly Wow ! Ang Wafffuuuuu niya. Spell Nga Nga A - K - O - Saglit akong napatulala sa kanya, Bumalik lang ako sa realidad ng mag-snap siya sa harap ko.

" Hey ! Are you okay? " Tanong niya. Ay Nosebleed ang Lola niyo.

" A-ah ! O-oo. Ayos lang ako. " Sabi ko. Tumango naman siya. 

Bumalik na ako sa paggwa ng Castle. Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin basta tuloy lang ako sa paggawa dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't maitali ko siya sa isa sa mga puno rito.

" Uhmm, Hilig mo ba ang paggawa ng Castle? " Pa-uumpisa niya. Hmm, Wala siguro tong maisip na Topic.

" Ah ! Oo. Tuwing pumupunta kami sa Beach, Eto lagi yung ginagawa ko. " Sabi ko.

Hindi rin nagtagal ay naka-close ko na siya. Mabait siya. Nalaman ko na sa America pala siya nakatira at nagbakasyon lang sila ng Family niya dito sa Philippines. Ilang oras din kaming magkasama, Maya-maya ay tinawag na ako ni Kuya.

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Ganun din naman ang ginawa niya. Sabay na kaming pumunta sa Rest House, Magkalapit lang pala ang Rest House namin. Mga 3 Rest House ang pagitan. Pagkahatid niya sa akin ay nagpaalam na siya. Pero bago ako makapasok sa loob ay tinawag niya ako. Lumigon naman ako sa kanya.

" Ay ! Ano palang pangalan mo? " Tanong niya.

Ngumiti ako at sinabi ang pangalan ko. " I'm Vivianne. " Sagot ko. " Ikaw, Anong pangalan mo? " Tanong ko naman pabalik.

" I'm ---------- "

~ End of Flashback ~

Nagising ako dahil sa isang katok. Nakatulog pala ako. Hayy, Napanaginipan ko nanaman siya. Sana makita ko siya ulit. Tinanong ko kung sino yung kumakatok. Yung Yaya pala namin, Tinatawag na ako para makakain na ng Hapunan. Um-oo na ako sa kanya at tumayo na mula sa pagkakahiga ko. Tumingin muna ako sa salamin at inayos ang sarili ko. Pagkatapos ay bumaba na ako.

~ Dining Area ~

Pagkababa ko ay wala si Kuya. Nag-over time nanaman siguro yun. Umupo na ako at nagsimula ng kumain. Nang matapos akong kumain ay umakyat na ako sa Kwarto ko. Binuksan ko yung Laptop ko at nag-FB ako. 2 Months ko yatang hindi nabuksan to.

1000 Notification      2 Friend Request     1 Message

Ang dami ko namang Notification. Binuksan ko iyon at wala naman halos importante doon. Yung mga Classmates at Schoolmates ko lang ang nandoon. Tinignan ko na muna yung Friend Request.

Ark Joshua Dela Vega

Accept Or Ignore

Lence Emerson Alcala  

Accept Or Ignore

Inaccept ko na sila at sinunod kong tinignan yung Message ko. At laking gulat ko ng siya ang nag-messege sa akin.

* Musta na? Miss na kita *

Yaan yung Message niya sa akin. Tinignan ko siya sa Chat Box ko kung Online ba siya. Pero Offline siya kaya hindi ko na siya rereplayan. Miss ko na rin siya pero ang alam ko wala siya dito sa Pilipinas.

Nagtingin-tingin pa ako at nung makaramdam ako ng antok ay pinatay ko na yung Laptop ko at natulog na.

A/N : Chapter Nine Done. Ang daming Revelations sa Chapter na to. Hmm, Sino kaya yung Batang Lalaki? ^_^

Vote / Comment

~ LadyPark

Second Chance in Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon