Chapter Ten

47 3 2
                                    

A/N : Pasensya na po kung ngayon lang nakapag-update. Nagkasakit po kasi ako at  kailangan ng 3 Days na pahinga. So, babawi ako ng maraming Update ngayon.

 

Vivianne's POV

 

Sabado ngayon at nandito ako sa Kwarto ko nakahiga. Wala naman kasi akong mgawa. Hayy, Sa Monday na yung alis namin papuntang Palawan. Lord, Tulungan niyo naman po akong mapapayag si Kuya? Huhhuuhhuhuhu. Naputol ako sa pag-eemote na biglang may kumatok.

" Sino yan? " - Tanong ko sabay bukas ng pinto. " Ay ! Ikaw pala Yaya. Bakit po? " - Tanong ko kay Yaya Sindeng. Siya ang Head ng mga Maid dito. Siguro kasi siya ang pinakamatanda at pinakamatagal ng nagtatrabaho sa amin. Mag- Boyfriend Girlfriend palang sila Mommy at Daddy, Si Yaya Sindeng na ang Yaya nila.

" Kain ka na, Anak. Pinapatawag ka na rin ng Kuya mo. " - Sabi niya. Tumango lang ako at umalis na si Yaya. Paano ko haharapin si Kuya?

Nag-ayos lang ako sandali at bumaba na rin pagkatapos. Pagkababa ko nakita ko si Kuya na kumakain na. Tanghalian na namin ngayon. 

" Good Morning. " - Bati ko. Morning kasi 11:30 palang naman.

" Good Morning rin. " - Bati pabalik sa akin ni Kuya. Kumain na kami pagkatapos magbatian.

Habang kumakain ako biglang tumayo si Kuya. Tapos na pala siyang kumain.

" Ian, pagkatapos mong kumain pumunta ka sa Study Room ko at may pag-uusapan tayo. " - Sabi ni Kuya at umakyat na. Hmm, Ano kaya yung pag-uusapan namin. Hala, Baka yung paggamit ko ng Lotion niya. Naubos kasi yung Lotion ko at hindi pa ako nakakabili. Ayaw pa naman nun ng ginagalaw ang mga Gamit niya.

Binilisan ko na ang pagkain ko at umakyat na sa Study Room ni Kuya.

~ Study Room ~

Kumatok ako atsaka pumasok na sa loob. Pagkapasok ko nakita ko si Kuya. Nakatalikod siya sa akin. Lumingon siya at umupo sa upuan niya. Umupo na rin ako.

" Ian ----- " - Pinutol ko yung sasabihin ni Kuya.

" Kuya, Sorry. Hindi ko naman sinasadyang gamitin yung Lotion mo eh ! Wala na kasi akong Lotion kaya yung sa'yo muna yung ginamit ko. Hindi ko namang aakalain na mauubos eh ! Papalitan ko nalang. " - Mahabang sabi ko habang nakayuko.

" Ha? Ano bang sinasabi mo diyan? " - Sabi ni Kuya. Napa-angat naman ako ng Ulo dahil dun.

" So, Hindi mo alam na ginamit ko yung Lotion mo? " - Tanong ko sa kanya. Umiling lang si Kuya. " Eh ! Bakit mo ko pinatawag dito? " - Tanong ko ulit.

" Pinapunta kita dito para sabihing pinapayagan na kita  sa pagpunta ng Palawan. " - Sabi ni Kuya.

" Ay ! Yun lang nam ---- ANO !!!!!! PINAPAYAGAN MO NA AKO? " - Sabi ko with Standing Ovation pa yan.

" Aray. Huwag ka ngang sumigaw. Oo, Pinapayagan na kita. Ayokong magtampo ka sa akin. " - Sabi ni Kuya.

" Aww ! Ang sweet naman ng Kuya ko. " - Ako at lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Niyakap din niya ako pabalik.

" Thanks, Kuya. " - Sabi ko at bumitaw na sa yakap.

" Para sayo Ian. Lahat gagawin ko. " - Sabi niya at ginulo ang Buhok ko. Niyakap ko nalang siya ulit. Pagkatapos nun ay umalis na siya. May pasok daw siya ngayon. Ako naman dumeretso sa Kwarto ko. Kinuha ko yung Cellphone ko at ti-next sila Ynna at Steph.

TO : Ynna and Steph

Girls, Pinayagan na ako ni Kuya na pumunta ng Palawan :)

 

--------------- Message Sent -----------------

Ilang sandali lang ay nagreply na rin sila.

FROM : Ynna

Talaga? Naku ! Salamat naman at pumayag yang Kuya mo.

FROM : Steph

Congrats Girl. Sabi naman sa'yo pilitin mo lang yang Kuya mo ay papayag na yan. Hindi ka naman matitiis niyan.

Yaan yung reply nila sa akin. Magre-reply na sana ako kaya lang Message not Sent na daw. Wala na pala akong Load. What a LIfe !!!!!!! Imbes na magpa-load, Natulog na lang ako. Pupunta naman sila dito bukas dahil magsisimba kami. Mabait kasi kaming mga Bata. Hahhaha. Hindi naman lahat ng nagsisimba, Mababait. ANong tingin niyo sa amin? Uy ! Joke lang. Mababait kaya to. May takot kami kay Papa God.

Ilang sandali pa ay dinalaw na ako ng antok.

A/N : Chapter Ten Done. Sorry kung hindi ko natupad yung sinabi kong Saturday or Sunday ako maga-update. Kaya ngayon nalang. Sana nagustuhan niyo.

Vote / Comment

~ LadyPark 

Second Chance in Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon