Two

24.4K 999 53
                                    

They say if you dream a thing more than once, it's sure to come true. Trinity always dreamt of her holding a man's hand while walking along the beach, her smile is so free that it felt like there's nothing that can tear that away. She always dream that same scenario whenever she feels happy and right now is one of the few moments she's talking about.

She woke up feeling like a feather. Her pillow smells so nice. Her bed felt twice softer than usual. She slowly opened her eyes and adjusted her sight from the light that's coming from the window right beside her. Is she still dreaming?

"You're awake," a deep husky voice came from nowhere. She looked at her side and there she saw a man shirtless, his gray jogging pants hanging on his waist – or not since she can perfectly see that 'V' line just below his stomach.

"Shit!" Napabalikwas siya ng upo nang mapagtanto ang lahat. Drinking, laughing, flirting ... and.. "Oh God!" she muttered and combed her hair frustratingly.

"Breakfast is ready if you're hungry."

Huminga siya ng malalim at hinarap si Steven. "Did something.. did we..you know?"

Sumandal patagilid sa hamba ng pintuan si Steven at pinagkrus ang mga braso sa may dibdib nito. Nakita rin niya na may maliit na ngiti sa mga labi nito. He looks amused.

"Did we what? Finish your question, Isla."

Isla. She remembers how she instantly said yes to an invitation that a complete stranger offered. Ano ba naman itong napasok niya?! Her parents would totally kill her. Speaking of her parents, she immediately looked at her phone, nakita pa niya iyon sa may single couch malapit sa kama. Naroon kasi ang bag niya.

Napakagat siya sa kanyang labi nang makita ang iilang tawag ng Mommy niya at texts galing din dito at sa Daddy niya pati na rin kela Violet. Ano ngayon ang idadahilan niya?

"Is there something wrong?" tanong ni Steven na nakalapit na pala sa tabi niya.

"Wala." Sabi niya habang nagtatype sa phone niya ng message sa parents at kaibigan niya na nagsasabing okay lang siya at nag-overnight sa ka-team niya. Tinext nalang din niya ang ka-team niya na idinahilan niya para kung sakaling magtanong ang mga magulang niya ay mailulusot siya nito.

Matapos isend ang mga messages ay mabilis na inayos niya ang bag niya at nagpalinga-linga sa kwarto at doon lang niya napansin na ang suot niyang damit kahapon ay maayos na nakatupi sa may paanan ng kamay, doon lang niya tinignan ang sarili. She's wearing a man's shirt! Tinignan niya ang panloob niya at nakahinga siya ng maluwag na may under garments pa siya.

"Walang nangyari sa'tin kung iyan ang iniisip mo. Before you freak out, I slept on the couch while you're sleeping like a cute little baby on my bed. You're wearing my shirt because you puked on your clothes so I had no choice but to clean you up and yes I saw you with your underwear but I had no bad intentions, ayoko naman matulog ka sa sarili mong suka."

Tinubuan siya bigla ng hiya. Inayos niya ang buhok at dahan-dahang naglakad patungo sa nakatuping damit niya. Kinuha niya iyon at niyakap. "Salamat at sorry sa abala." Sabi niya at mabilis na pumasok sa CR na napansin niya na kanina nang lininga niya ang kwarto.

She shut the door and leaned on it while catching her breath. Napapikit siya at mahinang inuntog ang ulo sa pinto. "Stupid, Trinity."

Mabilisan siyang nagbihis at dahan-dahang binuksan ang pinto at sinilip kung nasa loob pa ba si Steven. Nang makumpirma na mag-isa lang siya doon ay pumunta siya sa may couch kung nasaan ang bag niya, inilagay niya ang damit ni Steven doon. Lalabhan nalang muna niya bago ibalik iyon sa lalaki.

ZWCS#9: Playing with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon