Fourteen

24K 1.2K 232
                                    

"Mimi!!!"

Kinawayan ni Trinity si Dino na masayanf nakasakay sa maliit na race car. Inapakan nito ang pedal para mapaandar ang maliit na kotse at nagpakitang gilas sakanya habang pinapaikot-ikot iyon sa malaking playground space na nakalaan para sa mga batang gustong sumakay sa mga pinarerentahang mga kotseng pambata dito sa mall.

She took out her phone and snapped photos of Dino, then she sent it to her parents and Philip. Matapos nun ay ibinalik niya ang tingin kay Dino na tumatawa na ngayon dahil nabangga ng kotse nito ang isang kotse ng isa pang bata.

Dino's one of the reasons why she was able to start a new life. Sa edad na four years old, matalino itong masasabi. Masayahin at palakaibigan din ito kaya natatakot sila ni Philip na iwan ito mag-isa dahil sobrang palakaibigan ng bata. Isang beses, nalingat lang sila ni Philip ay nakita nila itong nakikipag-usap na sa isang magkasintahan at hinihingi na Dino ang kinakain na ice cream ng mga ito.

Mahal niya ang bata na parang sarili na niya itong anak. How she wish he could stay a kid forever so he wouldn't have much problems but syempre, wishful thinking niya lang iyon.

Her phone vibrated and it was because Philip is calling.

"Hello?" sagot niya.

"Nasa mall kayo ni Dino? Hanggang ano'ng oras?"

"I don't know. Alam mo naman ang anak mo, 'di nagpapaawat sa laro." she said and followed it by a laugh.

"I know." Philip sighed and she could just imagine that he's shaking his head while smiling. She loves how he looks whenever he frowns at Dino but in the end, he would smile lovingly to his son and give in to his son's requests.

"Matatapos na ang meeting ko. Susunduin ko kayo tapos dinner tayong tatlo."

Napangiti siya ng malaki nang sabihin iyon ni Philip tapos bigla nalang din siya nakaramdam ng pangingiliti sa tiyan niya na madalas na nangyayari lately kahit noong nasa US pa sila.

"Okay."

"Ingat kayo." sabi ni Philip.

Natawa siya. Paranoid kasi si Philip lalo na pagdating kay Dino. "Oo, hindi ko pababayaan si Dino."

Philip sighed. "I know that. But what I meant was mag-ingat kayong dalawa ng baby natin. Okay?"

Natigilan siya sa sinabi ni Philip. Talaga bang sinabi nito na anak nila si Dino? Or she just heard it wrong.

"Trinity?" tawag sakanya ni Philip.

"Oh.. okay." sabi nalang niya.

She heard him chuckle before saying goodbye. Siya naman ay natulala at napaisip sa nangyari. Ayan nanaman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya at ang tila pagkiliti sa tiyan niya.

My God! She knows this feeling. Kinikilig siya!

She smiled and enjoyed the feeling. Madalas talaga kinikilig siya kay Philip lalo pa't hindi naman mahirap na magustuhan ang lalaki pero 'yun nga kung dati ay baka umubra pa silang dalawa pero iba na ngayon. Love is not Philip's priority anymore. He has Dino. And she's fine with that. Tsaka iniisip din niya na mas okay na sigurong magkaibigan lang sila nito talaga.

"Mimi, I'm done!" sigaw ni Dino at patakbo na ito sakanya.

Sinalubong niya ang bata at lumuhod para magpantay sila. Pinunasan niya ang pawis nito sa noo at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri niya. Hinawakn niya ang maliit nitong kamay.

"You hungry?"

Tumango ito. "I want ice cream!"

She smiled at this cute little boy. "Daddy's going to pick us up later. Magagalit sa atin iyon kapag nag-ice cream ka. Inuubo ka 'di ba?"

ZWCS#9: Playing with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon