Steven Alan Herrera

21.9K 723 52
                                    

Inis na itinapon ni Steven ang bulaklak na binili niya para ibigay kay Violet. Kanina pagkalabas niya sa klase niya ay naghihintay sa kanya ang freshman na inutusan niya para ibigay ang bulaklak. Ang sabi nito ay hindi raw ito pinansin ni Violet at ang kaibigan daw nito ang nagsabi na ibalik ang bulaklak sa kung sino ang nagpadala.

"Face it, Steven, hindi ka uubra kay Violet," sabi sakanya ng kaibigan niyang si Mark. "Taong yelo ata iyon."

He combed his hair in annoyance. "Ang hirap niyang suyuin. Masama ba makipagkilala?"

His friends laughed at his statement making him grin. "Ulol! Palibhasa si Violet lang ang hindi mo mai-date na sorority president." Sabi ni Lyndon.

"Besides, matagal na naming sinasabi ni Lyndon na huwag na si Violet. She's cold and too proud of herself. You need someone like her vice, si Trinity."

Bumuntong hininga siya at iniwan ang dalawang kaibigan dahil naiinis na siya sa pangangantiyaw ng mga ito. His phone rang and as soon as he saw Rebecca's name, he ended the call. Becca's his ex but they were over a year ago when she left. Siya ang umalis, matuto siyang bumalik.

--

"Ayoko nga pumunta sa game!" reklamo ni Lyndon sakanila ni Mark nang hatakin nila ito papuntang gym.

"Gago! Kailangan niyo manood dahil nakasalalay ang project natin dito. Kung wala lang akong meeting, ako nalang gagawa ng project eh!" Sabi niya sa kaibigan na wala na rin nagawa nang makaladkad ito ni Mark papasok sa gym. This time, it's the championship game of the women's volleyball that they need to cover. He can't help for now since he's the president of his org kaya kailangan siya sa auditorium.

Inaantok na siya at napapahikab dahil sa kakahintay magsimula ng assembly nang biglang magtext sakanya si Lyndon.

We won. Trinity got the MVP, Best Scorer and Best Spiker. Dude, I'm telling you, siya nalang.

Napailing nalang siya sa kaibigan. Aayaw-ayaw pa manood kanina eh mukha naman nag-enjoy ito sa laro. Napipikit na siya nang naagaw ang atensyon niya sa dalawang babaeng umupo sa tapat niya. Napako ang mata niya sa likod ng isang babaeng naka-ponytail at naka-uniform pa na may 'Vasquez' na nakasulat sa likod then he realized it was Trinity.

Kinalabit niya ito na siya naman dahilan para lingunin siya nito. Their faces were close and he got a smell of her scent. It was fruity.

"Hi." Naglahad siya ng kamay dito.

"Uhm, hi?" bati nito pabalik at kinamayan siya.

Natawa siya. "Sorry, I didn't mean to scare you. You're Trinity Isla Vasquez, right?"

"Yeah. You're Steven, right?"

Nagulat siya at kilala siya ni Trinity kaya naman napangiti siya. "I'm surprised the great Trinity Isla knows me."

"Who wouldn't? You're the famous ex of all sorority presidents." She answered while smiling. "The meeting's about to start."

Ngumisi lamang siya at umayos na ng upo, ending their conversation.

Take it slow, Steven. This seems to be fun.

--

It was just to be for fun but he never expected that he would actually like Trinity in a sincere way and he likes being with her and what is happening between them. For the past five months, he craves for her, their secret meet-ups, her kisses, her body, her touches.. he wants her and he may be in love with her.

Everything was going well between them but his ex, Rebecca, came back. Mabuti nalang at pinakinggan siya ni Trinity at nagkaayos sila. Pero kinailangan naman niyang pumunta sa Canada buong semestral break para sa bakasyon nila. He misses Trinity but he has to be with his family.

ZWCS#9: Playing with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon