V. Don't Marry Me - 10

2.5K 348 83
                                    

Rj

Grabe kayo sa akin!

Siyempre gusto ko habulin si Nic(olas). Kaya lang kasi, kahit mahal ko na yun, yung habol ko nung moment na yun ay kiss. Ayoko naman maging manyakis kaya pinigilan ko yung sarili ko.

And medyo mabilis yung pagtayo ko when she left, kaya nahilo din ako. Paglabas ko, nakasakay na siya ng elevator.

Bakit ba kapag ganito ang situation ang bilis ng lecheng elevator na yan? Pero kapag umaga at male-late na ako sa office ubod ng kabagalan.

Pero. Kingina.

Kiniss ako ni Nic(olas).

Yiiiiiii!

Mahal na talaga ako nun eh.

Oo, assuming ako. But I know her well enough na hindi nun gagawin yun kung hindi niya ako love or at least had strong feelings for me.

Naks ha. May ganyan ako. Pero naniniwala ako dito. Dahil diyan, malakas loob ko itext, "Hello Kulas, my Love! Nakauwi ka na?"

"Yes. Stop calling me 'my Love'."

"Eh love naman kita talaga eh. Thank you sa food at sa kiss."

Hindi sumagot, so I called.

"ANOOOOOOO?!" She asked, annoyed.

"I'm just checking if you're okay!"

"Okay lang ako. Matutulog na ako."

She sounded genuinely grumpy and I worried. "Do you regret kissing me, Nic? I won't comment on it anymore kung ayaw mo."

"No I... It's okay. I don't regret it."

"So, you meant it?" Kingina ang pabebe ko, pero ayokong matakot tong si Kulas.

"Oo. Oo."

"AAAAAYIIIIIIIIEEEEEE MAY BOYPREN NA AKO!"

"Gago."

"Shit nahilo ako."

"Ha?! Ayan kasi ang arte arte. Are you okay? Baka dapat balik ka sa hospital? Nakahiga ka na ba?"

I chuckled. "Oo, humiga na. Sabi ng doctor normal naman ito. Babalik din ako in a few days to check but til then, it should be okay."

"Are you sure, Boogs?"

"Yes, my love."

"Stop calling me that. Ayoko ng cheesy."

"Pero boyfriend na kita?"

"Hinde."

Tumigil yata yung puso ko.

"Ikaw ang boyfriend ko. Ako girlfriend. Girlfriend ako." She quietly insisted.

"Ayooooonnnn, sige!" I suddenly thought of something. "Pero shit bawiin mo bawiin mo. Wag muna!"

"What? You ass! Are you breaking up with me agad?"

Shorts, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon