CHAPTER NINE

8.6K 186 11
                                    

Hello! Maraming Salamat po sa mga patuloy na tumatangkilik ng Tanangco Boys Series. Gusto ko po sana na makiusap na kung maaari, baka puwede ho sana na iwasan natin ang pagsasabi ng negatibo tungkol sa mga characters ng mga kuwento ko. Parang isang magulang na nasasaktan kapag nalalaman niyang may hindi magandang  sinasabi sa kanyang anak. Ganoon din po ang nararamdaman ko. I will gladly accept it, if the comment is a good criticism. Mga salitang sinabi para sa mas ikakaganda ng aking nobela. Pero kung puro pintas lang ang sasabihin. Maaari po sana na itikom ang bibig. Para sa mga regular readers na madalas nagko-comment, kilala n'yo naman ako na isa't kalahati rin kakosa ni Panyang. Pero syempre, ibang usapan na kung pamba-bastos sa mga characters ko. I treat all my characters as if they are my baby, that's why I am reacting like this. 

What I am asking is RESPECT. 

Respect to the characters that I created and to me as the Author . 

I will take actions to anyone who will go against my rule. Thank you so much. :) 


*************************************************************


"GIRL, SURE ka bang ayos ka na?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Abby.

Tumango siya. Kahit na ang totoo ay medyo mahapdi pa rin ang kalmot niya sa leeg. Mabuti na lamang at hindi na masakit ang sampal sa kanya ng Mommy niya. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin siya kapag naaalala ang nangyari kanina. Hindi lang siya basta sinaktan nito, sadya siya nitong ipinahiya sa mga taong nakakita sa kanila. Puro pang-iinsulto at panglalait ang inabot niya dito. Paminsan ay gusto niyang magtanong sa Diyos.

Bakit ganoon ang Mommy niya sa kanya? Sa pagkakaalam niya, naging mabuting anak naman siya. Nag-aral siyang mabuti at hindi binigyan ng sakit ng ulo ang mga taong nagpalaki sa kanya. Of course, tao lang siyang nagkakamali. Hindi niya ginustong mawalan ng Ama sa pangalawang pagkakataon. Alam din ng Diyos na hindi niya ginusto ang aksidenteng iyon. Kung iyon ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Handa siyang humingi ng tawad. Handa siyang magpakumbaba. Pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para magka-ayos sila ng Ina. At alam niya, darating ang panahon na iyon.

Hindi namalayan na tumulo na ang luha niya. Bigla ay naisip niya si Ken. Ayaw niyang madamay pa ito sa gulo ng buhay niya. Sa problema niya. Kaya't nagdesisyon siyang layuan na lang ito. Mas makakabuti na ang ganoon. Kahit masakit sa kanya. Agad niyang pinahid ang luha.

"Huwag ka nang umiyak," pag-alo sa kanya ni Abby.

"I'm okay." Usal niya.

"No, you're not." Kontra nito sa sagot niya.

Magsasalita pa lamang siya ulit nang biglang dumating si Ken. Naroon siya sa bahay ni Chacha. Nagtama ang mga paningin nila. Bakas sa mukha nito ang awa para sa kanya. Sigurado siyang napansin agad nito ang mga kalmot niya sa leeg dahil hanggang sa mga oras na iyon ay namumula pa rin ito.

"Anong ginagawa mo dito?" pormal ang tinig na tanong niya dito.

Hindi agad ito nagsalita. Sa halip ay diretso itong pumasok sa loob ng bahay at nilapitan siya. Ginagap nito ang mukha niya at pinakatitigan ang leeg niya.

"God, ginawa niyang lahat ito sa'yo?" tanong nito.

Hindi siya kumibo. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa mukha niya saka ibinaba ito. Bahagya siyang humakbang paatras para magkaroon sila ng distansya. Kumunot ang noo nito, marahil ay nagtaka dahil sa ginawa niya.

The Tanangco Boys Series 6: Ken Charles PedericoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon