HINDI ALAM ni Myca kung ano ba dapat ang maramdaman matapos niyang malaman kung saan sila pupunta. Dinala siya ni Ken sa isang public children's hospital. Partikular na ang doon sa cancer ward. O sa mga batang nasa edad sampung taon gulang pababa na may kanser sa dugo o Leukemia.
Hinaplos ang puso niya ng awa para sa mga ito. Kay mura pa ng edad ng mga ito para danasin ang ganoon klaseng sakit. Nasa kalagitnaan pa nga ang mga ito ng paglalaro kung tutuusin. Pero heto ang mga ito sa ospital, nakaratay sa kama at nakikipaglaban sa sakit.
Nakaupo ang mga ito sa carpeted floor ng playroom ng ospital na talagang pinasadya para sa mga ito. Habang si Ken naman ay nasa unahan ng mga bata at may hawak na children's book. Binabasahan nito ang mga bata ng libro. Habang nagku-kwento, sinasamahan pa nito ng aksyon. Na siyang kinatutuwa ng mga bata.
Nakikita niya ang kasiyahan sa mga mata ng mga bata. Minasdan niya ang mga ito. Habang nakikinig, ang iba ay may suot pang face mask. Abala siya sa pakikinig sa kuwento ni Ken nang may magsalita sa likuran niya. Isang may edad na babae na nakasuot ng nurse's uniform.
"Ikaw marahil ang girlfriend ni Doctor Pederico," anito. "Napakasuwerte mo kung ganoon."
"Naku nagka—"
"Napakabait na bata n'ya. Alam mo bang siya ang nagpagawa ng playroom na ito? At siya rin ang sumusuporta sa pagpapagamot sa karamihan ng mga batang iyan. Dahil karamihan sa mga magulang ng mgaiyan, hindi kayang tustusan ang pagpapagamot sa mga anak nila." Kuwento pa ng Ginang.
"Talaga po?"
"Oo. Napakalaki ng puso niya para sa mga bata. Kaya napakasuwerte ng babaeng mamahalin n'ya. Ang suwerte mo hija." Nakangiting wika nito sa kanya.
Hindi na niya naitama pa ang maling akala ng Ginang. Natuon ang atensiyon niya sa lalaking nasa harapan ng mga bata, at abala sa pagbibigay saya sa mga ito. Ngunit banaag niya sa mga mata nito ang kalungkutan, sa kabila ng mga ngiti.
Matapos ang story telling ni Ken sa mga bata. Pinapasok na nito sa assistant ang kanina'y dala nilang naka-styrofoam na pagkain. Habang kumakain ang mga bata ay nagkaroon siya ng pagkakataon kausapin ito.
"How long have you been doing this?" tanong niya.
Nakangiting sinulyapan siya nito bago binalik sa mga bata ang tingin. "Matagal na rin. I can't even remember when."
"You have a big heart."
"Really? Kung malaki ang puso ko, masama na iyon. Surgery na katapat no'n." biro pa nito.
Marahan niya itong kinurot sa tagiliran. "Puro ka talaga kalokohan," aniya.
"Aray!" reklamo nito. "Hindi pa man din tayo, bugbog sarado na ako agad sa'yo."
"Ewan,"
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 6: Ken Charles Pederico
Romansa"The moment I laid my eyes on you. Alam ko nang ikaw ang babae para sa akin." Teaser: Dahil sa matinding problema sa pamilya, pinili ni Myca na lumayo pansamantala. At sa kanyang pag-alis, tinulungan siya ng kaibigan niyang si Abby. Doon sa Tanang...