💜Part 1💜ABOUT ME💜

11 1 0
                                    


ZIN Pov's


😍😍😍😍😍😍😍😍💜💜💜💜💜💜💜


Naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay. Hindi maayos ang pamilya ko. Miserable at magulo. Ang tunay kong ama ay matagal na kaming iniwan dahil nag-asawa sya ng iba. Naiwan ako kay mama. Si mama na walang ginawa kundi magtrabaho ng magtrabaho mapalaki lang ako ng maayos. 15 years old palang ako ngayon. Pero mulat na ako sa mga nangyayari.

Hanggang sa magasawa si mama ulit. Naging maayos ang pagtrato niya sa akin nung una. Pero di nag tagal sinasaktan niya kami ni mama. Di ko nga alam kung anong meron dun sa lalaking yung bat sya nagustuhan ni mama.

Tssk walang kwenta.!!

By the way ako nga pala si Zhyra Irene Nazumi Lee. Nice to know you! Hehe

(Insert sarcastic)

*****

Habang naglalakad sa isang kanto papunta sa amin. Bigla akong nakarinig ng sigaw.

"Walang hiya ka! Ibigay mo saakin lahat ng pera! Nasan na!"

Teka boses yun ni papa. Tumakbo na ako agad papasok sa bahay. Naabutan ko si papa na sinasabunutan si mama sa buhok. Puro narin pasa ang ibat ibang parte ng katawan ni mama.

"M-mama"usal ko at di ko na napigilang umiyak habang nakatayo parin sa pintuan.

Tumingin naman sa akin si papa. Bigla niyang binitawan si mama at pabato pa. Dahilan para tumama ang ulo ni mama sa gilid ng lamesa.

Bigla akong nataranta dahil alam kong nawalan na ng malay si mama. Lumapit sa akin si papa.

"Ikaw nasan ang pera mo....ibigay mo sa akin kung ayaw mong masaktan huh!"

Nanginginig na iniabot ko kay papa ang pera ko at pati narin ang binili kong pagkain para sana kay mama.

"Ayon hahaha!! Ahhh maasahan ka talaga....hoy Zhyra wag kang gagaya jan sa mama mong lampa ahh!"sabi niya sa akin.

Walang hiya ka. Sana -sana hindi nalang ikaw ang naging tatay ko. Ang sama. Buti pa si Papa.

Oo tama ang nabasa niyo. Stepfather ko lang yung baliw na yun.

Lumapit agad ako kay mama atsaka humagulgol ng iyak.

Sumigaw ako para humingi ng tulong. Pero ni isa walang gumawa. Lahat sila umiiwas sa akin kahit sa school. Binubully din ako. Tingin kase nila sa akin mamamatay tao. Masama o kung ano pa.

Kilala kase si papa (stepfather) sa lugar namin bilang basagulero. Minsan nga may naisusugod pa sa hospital ng dahil sa kanya. Kaya kami damay din. Tss!

Patuloy parin ako sa pag-iyak. Habang niyayakap si mama.

"Mama.....gumising ka!....ma!"

"A-a-anak!"

"Ma-mama!"bigla akong nagulat ng magsalita si mama...pero---

"Zhyra umalis kana.....may bomba sa kusina. Nakita ko kanina---"

"Hindi kita iiwan ma!"

"Umalis kana! Sabi ko umalis kana. Wala ka naring magagawa! Mamatay na ako."

"Pero ma!"

"Umalis kana  Ilang segundo nalang at sasabog natong bahay. Gusto kong ipagpatuloy mo ang pangarap mo. Ayoko kong mawala ka sa mundo bata ka pa anak.....ipangako mo yan. Sige na" humahagul gol na sabi ni mama.

Labag man sa loob ko. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo na. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marinig ko na ang biglang pagsabog.

Lalong lumakas ang pagiyak ko. Pano na ako niyan. Wala nakong tirahan wala pa akong kaibigan. Wala din akong kakilala.

Hindi ko namalayang tumigil narin pala ako sa pagiyak. Pero yung sakit nakamarka parin. Andito ako ngayon sa daan pagala gala. Madilim narin ang buong paligid. Malamig pa......december narin kase ngayon. Nakikita ko yung mga christmass light sa bawat bahay. Nakakainggit sila. Tumingin ako sa langit at nandoon ang mga kumiskislap ng mga bituin.

Pinikit ko ang mata ko. Bigla ko nalang naramdaman na may tumutulo sa mukha ko. Nang idilat ko. Umuulan na pala. Hinayaan ko nalang mabasa ang sarili ko.

May nakita akong masisilungan sa kabilang gilid ng kalsada. Tatawid na ako ng biglang may isang maliwanag na ilaw ang bumungad sa akin.

"Bbeeeeeeeeeeeeepppppp!!"


Bogsh!!!

Ang sakit...ang sakit ng katawan ko. Lahat lahat di ko maigalaw. Unti unti ko nalang na ipikit ang mata ko dahil hindi ko na kaya.

"Oh my gosh!! Hey miss wake up. Take her at the hospital asap"

"Yes maam"










♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡

A/N : Hi po nagustuhan niyo po ba yung story ko. Actually first part palang po sya pero....salamat po sa effort na binasa niyo po ito. I love you all!!💜💜💖💖😍😍

💜You Belong with Me💜Book #1💜Where stories live. Discover now